Chapter 4 // Past [Christine's POV]

4.7K 201 33
                                    

Kung nagtataka kayo kung sino si Christine, siya ang Ate Tin ni Arvin. :D Happy reading.

---------------------------------------------------------

  

Chapter 4 : Past  

- Christine's POV -

Busyng busy ang mga bata sa panonood ng American Horror Stories. Matagal ko ng binili ang CDng iyon at paulit ulit na lang naming pinapanood ni Arvin. Ewan ko ba kung bakit hindi siya nagsasawa.

Sinilip ko sila saglit at nakitang Episode 12 na pala sila. Last episode na. Gusto ko sanang makinood kaso napansin kong nakapatong ang ulo ni Arvin sa balikat ni Louise!! Ang cute cute nila tingnan.

Kahit palaging inaasar ni Arvin si Louise, para sakin gusto lang niyang mapalapit dito.

Friends kasi ang mga parents namin kaya simula nung magtransfer kami sa probinsyang ito, si Louise na ang naging kalaro ni Arvin. Hindi naman totally "kalaro". Well, palaging pinagtritripan ni Arvin si Louise at feeling ko dahil close sila.

Namatay kasi ang daddy namin dahil sa car accident kaya naisipan ni mommy na lumipat dito. Arvin is just six years old kaya parang naging bangungot ang lahat ng ito. Palagi siyang nagigising ng hating gabi at maririnig na lang naming umiiyak siya. Para sa ateng tulad ko, nasasaktan ako. He's too young to suffer all of this.

Before magpasukan, personal na pinakilala ni mommy ang friend niya samin. At iyon ang mommy ni Louise. Ang cute cute nga ni Louise noon. Ang taba taba pa ng mga pisngi niya.

"Arvin, halika. Ipapakilala ko si Louise." ang tawag ni mommy pero hindi lumalapit si Arvin. Nagtatago lang siya sa likod ng pader.

Biglang namang tumakbo itong si Louise palapit kay Arvin, "Tara, laro tayo." ang aya niya habang nagbibigay ng super cute na ngiti.

"Ayoko nga!! Ang panget mo!!" ang sigaw ni Arvin na ikinagulat namin. "At ang taba mo pa!!" Tapos kumaripas na siya ng takbo sa  kanyang kwarto at nagsara ng pinto.

Kaming lahat ay nakatitig lang kay Louise. Dahan dahan niyang binaling ang kanyang tingin isa isa samin. Nang tumingin na siya kay Tita Isabel, lumantak na siya ng iyak.

"Uwaaaaaaaaa!"

"Baby, come here." ang malumanay na sabi ni Tita tapos tumakbo na si Louise palapit sa mommy niya at doon nagiiyak.

Sa batang edad, natuto si Arvin na lait laitin si Louise. Hindi ko nga alam kung saan niya natutunan iyon.

"Oh, Arvin. Dumating ka na pala. How's school?" ang tanong ko. Mukha kasing masiglang masigla siya ngayon. Siguro may nangyaring maganda. Siguro marami na siyang friends. Ilang araw na kasi ang nakalipas nung magsimula ang klase.

"Hahahaha!" ang tawa niya habang nagpapatong ng bag sa sofa.

"Anong nangyari? Bakit ang saya mo?" ang muling tanong ko habang ibinibigay ang isang baso ng juice sa kanya. Napakasaya ko ng makita ko siyang tumatawa.

"Hahahahahahahahahaha!" ang mas tawa niya at napapalo pa sa kanyang hita sa katatawanan. Ano bang nangyari dito?

"Hindi mo ba ikwekwento kay ate?"

"Eh kasi ate, kasi atebwahahahahaha!!" ipinatong niya ang baso ng juice at humiga pa sa sofa at itinaas pa ang paa. "Hahahahahaha!! Umiyak kasi si Louise!! Hahahahahaha!" tapos tumawa lang siya ng tumawa.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon