June 5, 2001
Dear Diary,
Ako nga pala si Louise. Nice to meet you!
Dahil wala pa kong kaibigan, ikaw muna ngayon ah? Pwede?
Mabait naman ako at sabi pa ng mommy ko, maganda din daw ako.
Kaso bakit pinagtatawanan pa rin nila ko?
Mataba at panget daw kasi ako.
June 29, 2001
Umiyak na naman ako dahil kay Arvin. Kinuha kasi niya ang pencil case ko tapos tinago niya pa. Salbahi talaga siya. Isinumbong ko siya kay mommy kaso sabi niya hayaan ko na lang daw siya. Intindihin ko na lang daw. Baka gusto lang makipaglaro.
August 3, 2003
Sinigaw ni Arvin sa buong klase na mukha daw akong baboy kaya pinagtawanan nila ako. Paulit ulit nila akong inasar dahil doon. Isinumbong ko ulit siya kay mommy sabi niya hindi naman daw ako mataba. Sa totoo, cute daw ako kaya gumaan ang loob ko.
February 13, 2004
Binili ako nina mommy ng bagong salamin dahil lumalabo na ang mata ko kaya ngayon tinukso na ako ni Arvin na "Matabang Betty". Kamukha ko daw kasi si Betty la Fea. Mas matabang version nga lang daw. Parang hindi naman kasi parang mas maganda naman ako.
June 5, 2006
May mga bagong katropa si Arvin. First day pa lang, napagalitan agad sila dahil ang kukulit nila at maiingay pa. Tiyak na dadami na naman ang mangaasar sa akin. Pagtutulungan nila ako. Kailangan ko ng backup. Sana magkaroon na rin ako ng kaibigan. Yung maganda.
December 3, 2007
Naglalakad ako sa canteen tapos tinakid ako ni Arvin kaya natapon ang carbonara ko kay Tristan, yung crush ko. Buti hindi siya nagalit. Nagtawanan pa ang mga kabarkada ni Arvin pero sinaway sila ni Tristan. Ang bait talaga niya. Kinikilig tuloy ako.
[A/N : Ito po ang first part ng nabasa ni Arvin. Tumigil siya sa pagbabasa dahil nainis siya. Puro na lang kasi masasamang bagay tungkol sa kanya ang nabasa niya. Dagdag pa na nabasa niya ang pangalan ni Tristan at binanggit pa ni Louise na crush niya ito. Selos much si Arvintot.]
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".