Chapter 23 // Keeper [ Arvin's POV ]

2.7K 99 14
                                    

Chapter 23 : Keeper

- Arvin's POV -

"Isa kang talunan." ani Tristan. 

Namanhid ang buong katawan ko. Tumingin ako sa kanya at seryosong seryoso ang mukha niya. Hindi ako makagalaw at lalong hindi ako makapagsalita. Walang boses na lumabas sa aking bibig.

"Arvin, may problema ba?" tanong ng walang alam na si Louise. Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko sa mga mata niya ang pagaalala. 

Hindi ko siya kayang protektahan dahil mahina ako, dahil duwag ako at dahil isa akong talunan. Yun ba ang ipinupunto ng pinsan ko.

Tinapik ni Tristan ang balikat ko kaya napalingon ako sa kanya. "Ako ang proprotekta sa kanya dahil hindi mo kaya."

Hinila ni Louise si Tristan para ilayo sa akin. 

"Tristan, ano bang sinasabi mo?" Nilapitan ako ni Louise at tiningnan ang mukha ko. "Okay ka lang ba, Arvin? Namumutla ka. Anong sinabi ni Tristan? May problema ba?" sunod na sunod niyang tanong pero hindi ko binuka ang aking bibig para magsalita. Umirap ako sa kawalan. Hindi ko kayang salubungin ang paninitig niya sa akin. Marahil natamaan ako sa sinabi ni Tristan. Baka nga totoo yun.

Lumayo sa akin si Louise at napansin kong lumapit siya sa pinsan ko. Natakot ako kaya napalingon ako sa kanila. Baka sumama na siya sa pinsan ko. Baka mas piliin niya si Tristan kaysa sa akin. 

"Tristan, ano bang sinasabi mo kay Arvin? Pwede bang tigilan mo na siya?"

"Wala akong sinabi." ani Tristan.

"Kung ganun, pabayaan mo na lang siya. Pabayaan mo na kami." sabi ni Louise. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung narinig ko ang salitang 'kami'. Inamin na ba niya na merong kami? Tulala ako ng lingunin niya ako.

"Tara na." aya niya sabay hila sa kamay ko. Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata ni Tristan. Tulad ko, gulat na gulat din siya sa biglang pagbabago ng mga reaksyon ni Louise.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta pero pinili kong manahimik na lang. Hawak hawak niya ang kamay ko. Hila hila niya pa rin ako hanggang ngayon. Kahit saan ay sasama ako sa kanya. Gumuhit ang maliit na ngiti sa aking labi. Mas masarap pala ang feeling kung siya mismo ang hahawak ng kamay mo.

"Ah, Arvin." tawag niya tapos biglang tingin sa akin sa likod. Nahuli niya ang ngiti ko at biglang kumunot ang noo niya. Binitiwan agad niya ang kamay ko. "Anong nginingiti ngiti mo diyan? Sa tingin mo ba ay isa itong biro?" medyo mataas na tono na sabi niya.

"Huh? Hindi a." sagot ko.

"Baka naman ikaw ang may mali tapos si Tristan ang pinagsabihan ko. Palabas mo na naman ba ito, Arvin?" Tanong niya kaya umiling agad ako. Palabas? Anong palabas ang sinasabi niya? Hindi ko siya makuha. "Seryoso ako tapos pinagtatawanan mo na pala ako sa loob loob mo! Napaka malanghiya mo!" aniya.

Nanlaki ang mata ko.

"Anong walang hiya?? Grabe ka naman! Buti nga binato ko ng eraser yung nagbato sayo. Kung hindi mo ako napigilan baka bugbog sarado na iyon ngayon. Ganyan ba? Ganyan ang sinasabi mong walang hiya."

Hindi siya nagsalita at umirap na lang sa kawalan. Ang kaninang kawawang Louise ngayon ay nagsusungit na naman. Hindi ko talaga makuha ang mga gusto ng mga kababaihan ngayon. Ang daming arte.

Nagsimula siyang maglakad at hindi man lang ako inintay. Napilitan pa akong habulin siya dahil hindi niya pinapakinggan ang mga sinasabi ko.

"Ang laki talaga ng problema mo no?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. "Bakit mo ako iniwan?" Parang wala siyang narinig sa sinabi ko. 

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon