Chapter 14 : Varsity
- Tristan's POV -
"Oh, Arvin. Kain muna bago kayo pumasok ni Tristan." sabi ni Ate Tin nang makita niyang bumaba ng hagdan si Arvin. Tumingin muna siya sa akin na kasalukuyang kumakain bago tumikhim.
"Sa school na lang Ate. Nawalan na ako ng gana."
Aalis na sana siya pero pinigilan siya ni Ate Tin. Hindi kasi niya nagustuhan ang paraan ng pagkasagot niya. Kahit ako ay hindi rin. Pagod si Ate Tin galing sa night duty niya pero gumising pa siya ng maaga para ipagluto kami ng umagahan.
"Anong sinasabi mong iyan, Arvin? Pumunta ka dito at kumain ka. Maaga pa kaya hindi ka malalate. Atsaka magsabay na kayo ni Tristan." aniya.
Sumimangot si Arvin at nagdirediretso lang siya palabas. Nagsisigaw si Ate Tin para tawagin sil Arvin pero hindi na siya bumalik. Nakita ko kung paano nagalburoto si Ate dahil sa inasta ng kapatid. Nakakatandang kapad ni Arvin si ate at kahit kailan ay hindi niya nagawang talikudan ito. Ngayon lang nangyari ang ganito.
"Sige, Tristan. Kumain ka lang diyan. Tataas na muna ako at magpapahinga. Iwan mo na lang diyan ang mga plato kapag tapos mo. Ako na ang maghuhugas at baka malate ka pa." ang matamlay na utos ni Ate Tin bago tumaas ng hagdan.
Isang linggo na ang nakalipas simula ng magaway kami ni Arvin. Hindi kami nagpapansinan pero hindi iyon napansin ni Ate Tin dahil busy siya sa kanyang trabaho. Ngayon lang ulit sana kami magkakasabay sa hapag kainan pero dahil sa kinilos ni Arvin ay nasira ito. Oo, hindi maganda ang estado namin ni Arvin ngayon pero naiinis ako dahil idinadamay niya pa si Ate Tin. Sana man lang ay nagpanggap siyang okay kami kahit ngayon lang.
Nang matapos akong kumain, kahit gusto kong maghugas ng pinggan ay hindi ko na nagawa dahil tama ang sinabi ni Ate Tin, malalate nga ako. Dumiretso ako papuntang school gamit ang bike ko. Mabilis akong pumidal para maagang makarating ng school at para hindi tuluyang mahuli.
"Oh Tristan!" ang sabay sabay na bati ng mga kaibigan kong varsity din ng basketball. Isa isa silang nagtaas ng kamay kaya isa isa ko rin silang binigyan ng hi5. Maingay kaming naglakad papuntang classroom namin.
"Good morning, Miss Gonzalez!" ang sabay sabay na bati namin sa isang teacher noong makita namin siyang dumaan sa corridor. Siya ang pinakapaburito namin dahil siya ang pinakamabait. At syempre dahil maganda rin.
"Good morning, Mister Montemayor and company." bati niya pabalik. Napangisi ang mga kabarkada ko. "Pwede bang pumasok na kayo sa classroom niyo at wag kayong humarang dito sa corridor dahil pampasikip lang kayo." aniya pero nagtawanan lang sila.
"Yes, maam!" sagot ni Drix Moscaya habang sumasaludo. Isa sa mga kaibigan ko at isa sa pinakamakulit na estudyante dito sa school namin.
Umalis si Miss Gonzalez pero hindi kami pumasok sa loob ng classroom. Nagingay pa rin sila. Binabati na lang ang bawat taong pumapasok sa loob ng classroom namin. Napaayos na lang kami ng tayo ng humarap sa amin ang mayor namin bago pumasok ng room.
"Good morning, Monique!" bati ni Drix. Ngumisi naman ang mga kaibigan namin. Ngumiti ang mayor namin bago nagbalik ng bati.
"Good morning din." Aniya. Tumingin siya sa amin at ngumiti din. Binalik niya ang tingin kay Drix na parang nangisay na ata dahil sa kilig. "Pumasok na kayo sa loob at baka mapagalitan pa kayo ng mga teacher kapag nakita kayo dito."
Tumango kaming lahat.
Nang makapasok ng ang mayor, halos maglupagi sa sahig si Drix dahil sa nangyari. Natawa na lang kami dahil sa kalokohan niya. Napatigil lang kami sa pagtawa dahil sa may biglang may pumuna sa amin.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".