Chapter 35 // Lost [ Arvin's POV ] + [ Louise's POV ]

1.8K 74 18
                                    

Chapter 35 : Lost

- Arvin's POV -

"Hi, miss." bati ko sa lahat ng magagandang babaeng dumadaan sa corridor.

Napapangiwi naman lahat ng mga ito at bahagyang bibilisan ang lakad para makaiwas sa akin. Ganito na ba lahat ng magagandang babae? Snob? Tsk. Hindi ko pinansin ang nangyari at nagpatuloy na lang sa pagbati. Wala naman sa akin kung hindi nila ako pansinin dahil trip trip ko lang naman ito.

"Hi!" sabi ko sa babaeng naglalakad hawak ang isang notebook sa kanyang braso.

Napatingin sa akin ang babae at inilagay pa ang kanyang takas na buhok sa may kanang tenga. Napangisi ako. Mukhang madaling makuha ang isang to. 

Nilapitan ko siya at inakbayan pa. "Busy ka ba? Gusto mong lumabas mamaya?" tanong ko. Hindi siya nagsalita at napangiti na lang sa may tabi. Mukhang kinikilig. 

Maya maya ay may humatak sa akin at itinulak na lamang ako sa may sahig.

"Anong ginagawa mo sa girlfriend ko, huh?" tanong ng isang lalaking hindi ko kilala. "Ayoko ng gulo kaya wag na wag kang magkakamali." dagdag pa niya.

Tumayo ako at hinawakan ang kwelyo niya. "Sino ka ba, huh?! Kilala mo ba ko?" maangas na tanong ko. 

"Ikaw?" bahagya siyang nagtaas ng kilay. "Si Arvin Yago, ang tinaguriang bully ng school.. nainlove.. at nawala ng parang bula." at ngumisi pa siya ng nakakaasar.

Nastatwa ako sa sinabi niya. Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya bago inayos ito.

"Laos ka na, Yago. Ako, kilala mo ba ako?" tanong niya ngunit hindi ako nakapagsalita. "Ako lang naman si Earth San Diego." aniya at nagayos pa ng kwelyo. "Dapat mo kong kilalanin dahil mula ngayon, ako na ang batas. Wag na wag kang magkakamali na kalabanin ako dahil baka magsisi ka lang. Naintindihan mo ba?" tumalikod siya at hinila ang girlfriend niya. 

Masama naman akong tiningnan ng tatlo pang lalaking kasama niya. Sira ulo. Sino ba ang mga ito? Earth San Diego? Ngayon ko lang narinig ang pangalang yan at ngayon ko lang nakita ang pagmumukha niyang yan. Gago!

"Mr. Yago, gumagawa ka na naman ng gulo ah. In the principal's office now!" ani ni Sir Dimaunahan nang madatnan niya ako sa gitna ng maraming tao.

"Teka, di ako ang nagsimula."

Pinandilatan niya ko. "Wala akong pakialam." aniya habang umiiling. Tsk! Bad trip.

Pumasok ako sa principal's office ng hindi kumakatok ng pinto. Hindi ko nakita ang principal pero andoon ang assistant principal. Nagaayos ng ilang papel.

Padabog akong umupo ng silya kaya nagulat siya.

"Anong meron, Mr. Yago? Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin ng hindi tumitingin. "Ah! Alam ko na. Nagsimula ka na naman ng gulo ano?" panghuhula niya.

"Sabing hindi ako ang nagsimula. Yung Earth San Diego nga na yun. Peste!" 

"Mr. Yago, Assistant Principal ako rito kaya umayos ka ng pagsasalita!" sigaw niya sa akin. Tsk.

"Okay." sagot ko sabay iwas ng tingin. Makulit ang isang to kaya ayoko ng makipagtalo. Baka mamaya ay hindi pa matapos ang usapan namin. "Sabihin mo na ang parusa ko nang makaalis na ako dito."

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon