Chapter 12 : Jogging
- Arvin's POV -
"Hahaha! Kala ko talaga, pre, kayo na." Sabi ni AJ.
"Oo nga. Hahaha! Kala ko naubusan ka na ng babae kaya si Betty pinili mo." sabi naman ni Michael.
Hindi ko sila pinansin at tiningnan ko lang ang pagalis ni Louise. Nang hindi ko na siya nakita, saka ko lang binalik ang aking tingin sa mga loko kong kabarkada.
"Tama na." saway ko sa kanila. Wala ako sa mood na makinig sa mga walang kwenta nilang sinasabi. Ang iingay nila.
"Bakit, pre? Hahaha! Teka, bakit nga pala kayo magkasabay maglunch?" tanong ulit ni AJ. Binatukan naman agad siya ni Michael.
"Gago ka ba! Malamang may inutos lang si Yago! T*nga nito! O baka naman nagpalibre!"
"Mas gago ka! Hindi ako T*nga! Bakit ka nambabatok?! Ha?! Ikaw ba ang nagpapalamon sakin??! Hindi naman di ba! Ano! Suntukan na tayo." ani AJ at nagwala na.
"Ano ba! Itigil niyo nga yan!! Mga siraulo!" sigaw ko bago ako tumayo.
"Oh, teka. San ka naman pupunta? Kakarating lang namin dito ah." seryosong sabi ni Geo. Sa lahat ng mga kaibigan ko, siya lang ang normal.
"Magpapahangin lang." sagot ko. Sa totoo, gusto ko munang makapagisip isip. Ewan ko. Wala naman akong iniisip. Leche! Ayoko lang ng maingay. Nabibingi ako.
Nagpunta ako ng rooftop para magpahangin pero umalis din agad ako dahil parang hindi ko trip tumambay doon. Nagpunta din akong garden, kaso puro mga magsyota ang nandoon. Nakakadiri silang tingnan kaya umalis na din ako.
Naglalakad na ko sa may lover's lane patungong parking lot, malayo pa lang ay namukhaan ko na agad ang pinsan kong si Tristan. May kayakap na babae. Siguro, yun yung sinasabi niyang liligawan niya. May nabanggit kasi siya sakin nung nakaraang linggo na may nagugustuhan siyang babae pero hindi siya makalapit dahil nahihiya siya. Mukha niya! Kaartehan! Babae lang yan.
Tumigil ako sa paglalakad dahil maraming tao. Hindi ko gustong makisabay sa parada nila. Nagintay ako sa may gilid nang may napansin akong dalawang babaeng nagpainit ng ulo ko.
"Akala ko magagandang babae ang tipo ni Tristan. Nagkamali pala ako." sabi nung isa habang dumadaan sa harap ko. Agad ko silang tiningnan.
"Tama! Doon lang pala siya sa panget na Betty na iyon. Sabi nga ni Yago, Betty la panget. Haha!"
Hindi na ko nakapagpigil dahil nasa tapat ko na sila. Hinawakan ko ang braso nung huling nagsalita. Tiningnan ko sila ng masama pero sa halip matakot ay tumingin pa siya sa kasama niya at ngumisi. Parang kumulo ang dugo ko sa ginawa niyang iyon.
"Hello Yago! Napansin mo ata ako ngayon." aniya.
"Tama ba ang narinig ko? Betty?" inosente kong tanong.
"Ahh. Oo, yung kayakap ni Tristan. Si Betty." masayang sagot niya.
"Paulit nga. Sino? Si Betty?"
"Oo, si Bett- Aray!" Hindi na siya nakapagpatuloy sa pagsasalita dahil hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya. "Aray, Yago! Masakit!" reklamo niya.
"Anong karapatan niyong tawagin si Louise na Betty ha?! Binigyan ko ba kayo ng pahintulot na tawagin siyang ganyan? Di ba, hindi naman. Kaya, ayokong maririnig sa maduduming bibig niyo ang salitang Betty! Akin lang yun. Akin lang siya!" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".