Chapter 19 // Meal [ Louise's POV ]

2.9K 107 8
                                    

Chapter 19 : Meal

- Louise's POV - 

"Sa labas na lang tayo kumain para hindi maraming tao." ang narinig kong sabi ni Arvin mula sa kabilang linya. Kanina pa kaming magkausap sa cellphone at wala siyang ginawa kundi ang asarin ako. Palagi pa siyang humahagalpak ng tawa kaya mas nainis ako. 

"Baka naman magcutting na naman tayo ah!" Ang medyo pasigaw na sabi ko dahil alam kong tatamarin na siyang pumasok mamaya kapag lumabas kami ng school. Ganun naman talaga siya. Walang pakialam kung hindi pumasok.

"Gusto mong magcutting?" Tanong niya at tumawa pa ulit. Aangal na sana ako pero biglang naputol ang tawa niya. Sa tingin ko ay may kung anong nangyari. Magtatanong pa lang ako kung may nangyari nga pero bigla na lang siyang nagpaalam. "Tawag na lang ulit ako mamaya." Aniya sabay putol ng kanyang tawag.

Ni hindi man lang niya ako inintay makapagsalita. Nakakainis na talaga ako sa kanya. Tatawag tawag tapos basta basta na lang magbababa. Hindi pa nga ako pumapayag na kumain sa labas kasama siya. Tsk! Bahala nga siya!

Ibinulsa ko ang cellphone ko at umupo sa malapit na bench dito sa quadrangle. Huminga ng malalim at naglabas ng bad vives.

Luminga ako sa paligid at naagaw ng pansin ko ang isang gwapong lalaki na kausap ng guard. Parang may sinasabi siya at tumatango tango lang paminsan minsan yung guard. Napatagal ata ang titig ko kaya napatingin siya sa direksyon ko. Ngumiti siya sa akin at kumaway pa. Tumingin pa ako sa likod ko kung may ibang tao. Nang wala naman akong nakita, saka ko lang binalik ang aking tingin sa kanya.

Ngayong ay naglalakad na siya papalapit sa akin.

"Snob?" aniya nang makalapit na sakin.

"E? Akala ko kasi hindi ako ang kinakawayan mo. Hindi ako sanay." sagot ko naman.

"Edi masanay ka na." ngumisi siya sakin. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Nakakapanibago talaga. Dati ay ni hindi makadapo ang mga mata ko sa kanya dahil sa sobrang hiya ko at ngayon, parang mas nahihiya ako dahil andito siya sa harap ko at kinakausap ako.

"Nakakain ka na ba?" Tanong niya. Umiling lang ako. "Tara lunch tayo. Treat ko."

"Ah.. wag na. May iniintay rin kasi ako." ani ko. Itinext ko agad si Arvin na hindi ko na siya masasamahang kumain sa labas dahil kakain na ako. Bakit ba kasi gusto niyang magkasabay kaming maglunch? Kanina sa klase ay text siya ng text sakin tapos ngayong kailangan ko ng reply niya ay wala naman.

"Sino naman?"

Tumunghay ako para tingnan siya pero hindi ko rin siya nasagot. Binaling ko na lang ulit ang aking tingin sa phone ko. Ang tagal magreply ni Arvin! Sira yun! Siguro akala niya iintayin ko siya. Baka ang gusto lang niya ay ang mamuti lang ang mata ko kakaintay sa wala. Tsk!

"Ah.. wala. Di na darating yun. Sige, ano? Tara na?" aya ko sa kanya. "Sabi mo itretreat mo ko?" panloloko ko. Tutal yun ang sabi niya sa akin kanina, edi lulubos lubusin ko na.

"Hindi ah. Ang sabi ko, ikaw ang magtretreat sakin." Napakunot ang noo ko. Mali ba ang rinig ko kanina? Nabingin na naman ba ako? "Joke!" aniya sabay bigay ng peace sign. "Oo, itretreat kita. Ano ba ang gusto mo?"

Nagikot ikot kami sa canteen at hindi maiwasang hindi pagtinginan ng mga tao. Maraming bulong bulungan na naman ang nabuo. Mamaya ay lilipad na naman ang mali maling balita. Hay.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon