Chapter 27 // Bakit ganito? [ Monique's POV ]

2.3K 79 56
                                    

Chapter 27 : Ano nga ba, Arvin? 

- Monique's POV -

"Louise, may sasabihin ako sayo. About ito kay Arvin." 

Naglalakad ako papuntang canteen pero napatigil ako dahil sa narinig ko iyon. Parang pamilyar ang kanyang boses. Binaling ko ang tingin ko sa may kaliwa at hindi nga ako nagkamali, natagpuan ko doon si Tristan na kaharap si Louise.

Bigla akong kinabahan.

"Ano bang meron kay Arvin, Tristan?" walang malay na tanong ni Louise. Puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

Agad akong lumapit para hindi maituloy ni Tristan ang kanyang sasabihin. Sinabi ko naman kasi sa kanyang wag na kaming makialam pero ano itong ginagawa niya? Pinangungunahan niya si Arvin. Si Arvin dapat ang magsabi ng lahat ng dapat malaman ni Louise. Hindi siya.

"Tristan!" tawag ko sa kanya at pareho silang napatingin sa akin.

Kinabahan ako sa biglang pagbabago ng expresyon ng mukha ni Tristan. Kumunot ang noo niya at parang dumilim ng titig niya sa akin. Nanliit ang mga mata ko. Hindi na ako nakapagisip ng tama dahil parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pagkabog ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Akala ko ba may date tayo ngayon?" ang hindi ko namalayang lumabas sa aking bibig.

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata ni Louise at ang mas pagkunot ng noo ni Tristan.

Shete! Ano ba tong nasabi ko? Halos bumaliktad ang sikmura ko dahil sa sinabi ko. Gusto kong bawian ang mga salitang binitiwan ko kaso hindi ko alam kung paano ko gagawin yun. "Ugh, Monique! Bakit ngayon ka pa natanga?" sabi ko sa sarili ko.

"Ay, Tristan. May date pala kayo! Di mo man lang sinabi! Sige, una na ko. Maiwan ko na kayo diyan. Hehe." pagpapaalam ni Louise na medyo nangingiti pa. Hindi ko siya makuha.

Umalis na siya at naiwan na lang kaming dalawa ni Tristan dito. Nakahinga ako ng malalim dahil nabawasan ang problema ko. Lumingon ako kay Tristan at nakakunot pa rin ang noo niya.

"Ano bang date ang sinasabi mo, Mon? Parang wala naman akong natatandaang may napagusapan tayong date." tanong niya habang minamasahe ang kanyang baba.

"D-at-e??" balik na tanong ko at halos mautal pa ko. Ngayon lang ako nautal ng ganito. "Wala naman akong sinabing date ah." pagmamaang maangan ko. Sinubukan kong umiwas ng tingin at umalis na lang pero hinawakan niya ang kamay ko. Tumaas ang mga balahibo ko sa braso dahil siya ang unang lalaking humawak ng kamay ko.

"Ano ba, Tristan. Bitiwan mo nga ang kamay ko." sabi ko sabay kalas ng kamay ko. 

"Uy, Mon, namumula ka. May sakit ka ba?" tanong pa niya. Sinubukan niyang ilapit ang kamay niya sa noo ko pero umiwas ako. Hahawakan na naman kasi niya ako.

Hinawakan ko agad ang magkabilang pisngi ko at naramdaman ang init ng mukha ko. Hulu! Namumula nga ata ako.

"Wala." sagot ko at umiwas na lang ulit ng tingin. Napansin ko naman ang pagtango niya sa may gilid ng mata ko. Ilang segundo na ata niyang ginagawa iyon kaya nilipat ko na ang tingin ko sa kanya. Doon ko lang napansin ang kanyang pagngisi.

"Uyyyy. Wag mong sabihing may gusto ka sa akin, Mon. Hindi pwede yan." pagbabanta niya pero natatawa pa rin.

"Excuse me, Tristan. Hindi kita gusto. May iba akong gusto." pagtatapat ko.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon