Chapter 2 : Kabayaran
- Louise's POV -
"Kakainis naman! Bakit kasi nakita ka pa niya!! Err!!!!" ang sabi ko habang madiin na idinuduro ang screen ng cellphone ko. Kakainis talaga! Ang kaisa isang larawan ni Tristan na binili ko pa sa kaklase ko ay nakita ni Arvin Yago. Sa dami ba naman ng tao, bakit siya pa? Siguradong katapusan ko na.
Huminga ako ng malalim bago nag lilingon sa kanan at kaliwa. Wala pa din siya. Si Tristan. Tuwing 12:30 kasi dumadaan siya dito kaya lagi akong nagaabang.
Tiningnan ko ang aking oras sa aking cellphone. 12:30 na naman ah. Bakit hindi pa din siya dumadaan? Baka naman nadapa. xD Pero syempre, wag naman sana.
Bigla na lang akong napatungo dahil sa malakas na tama ng matigas na bagay sa aking ulo.
"Aray! Ang sakit!" ang paiyak kong sabi. Napatingin ako sa bagay na tumama sakin. Kaya pala masakit. Bola pala ng basketball.
Medyo nainis ako dahil mukhang sinasadya ng kung sino man yung nagtapon nito. Kinuha ko agad ang bola bago sumigaw.
"Sinong nagbato nito?!"
"Ako." sagot ng isang lalaki.
Akmang ibabato ko na sa kanya gamit ang aking buong pwersa pero napansin kong si Tristan pala yun at tumatakbo na siya papalapit sakin.
"Sorry, miss ah. Loko kasi yung kateam ko. Sala ng pasa." ang sabi niya habang kinukuha ang bola. GRABE! Hindi ako makagalaw. Ni hindi rin ako makapagsalita. "San ka ba natamaan?"
"Ah eh. Dito lang naman." Sabay turo sa likod na bahagi ng aking ulo.
"Naku, pasensya na. Masakit ba?" ang tanong niya. Hindi pa ako nagsasalita pero lumapit na agad siya sakin at minasahe ang aking ulo. OMG! Hinahawakan niya ko! "Dapat minamasahe agad ito para hindi magkabukol." ang dagdag pa niya kaya mas bumilis ang kabog sa dibdib ko.
"Ah eh. O-okay na ata." ang nauutal kong sabi. Nakatingin na kasi ang ibang estudyante samin. Nakakahiya naman.
Itinigil na niya ang pagmasahe at dumistansya na sakin.
"S-salamat nga pala." ang sabi ko habang tumutungo.
"Walang anu man." Parang natunaw naman ako nung ngumiti siya. Ang cute kasi niya.
"Pinsan!" ang sigaw ng isang pamilyar na boses kaya sabay kaming napalingon ni Tristan. Tulad nga ng inaasahan ko. Si Yago. Oo, magpinsan sila ni Tristan pero hindi halata. Ito kasing si Tristan, parang Mr. Perfect. Ito namang isa, parang, sige bukas na lang.
"Mukhang pawis na pawis ka ah. Saang bukid ka nagtanim?" ang pangaasar nito kay Tristan. Ang kapal ng mukha niya no. Sa gwapo ni Tristan, ni kuko niya parang hindi didikitan ng putik. Eh siya nga itong mukhang magpapalay.
"Siraulo ka talaga." ang pabirong sabi ni Tristan.
"Hahaha. Syempre joke lang." ang natatawang sabi naman ni Yago. Close kasi sila nito. Bukod sa magpinsan, nakatira rin kasi sila sa iisang bahay. Ang malas ng crush ko no? Hindi na nga biniyayaan ng mabait na pinsan. Sinamahan pa ng asungot sa bahay.
"Anong nanyari sayo?" ang tanong ni Tristan habang nagfifist to fist sila. Nakita kasi niya yung sugat sa may labi ni Yago. Kung hindi ako nagkakamali, baka dahilan ito ng pagkasuntok ko sa kanya kanina. Napansin ko rin kasing parang napalakas ang suntok ko. Buti nga.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
أدب المراهقين[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".