Chapter 30 :
- Arvin's POV -
"Bukod kay Louise, kailan ka pa nagalala sa isang babae, Arvin?" naalala kong tanong ni Tristan.
"Paano na si Louise?" tanong naman ni Monique.
Napapikit ako ng mariin dahil sa kung anu anong pumapasok sa isip ko. Nakahiga na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Umiikot sa utak ko ang mga sinabi nilang dalawa. Kailangan kong ayusin ang lahat ng ito. Kailangan kong liwanagin ang lahat sa sarili ko at pati na rin sa kanya.
Bumangon ako ng kama at nagsuot ng jacket. Hindi ko nakita si Tristan at Ate Tin sa may sala kaya dirediretso akong nakalabas ng bahay. Naglakad ako papunta sa kaninang kanina ko pang gustong puntahan.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Tita Cassy, ang mommy ni Louise.
Gulat na gulat siya ng makita niya ako sa harap ng pinto nila. Sumilip pa siya sa may gilid ng pinto nila bago nagsalita. "Gabi na, Arvin. Ano pa ang ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya.
Hindi na ako nakapagisip ng tama.
"Gising pa po ba si Louise? Pwede ko po ba siyang makausap kahit sandali lang? May importante lang po akong sasabihin." sagot ko na tanong rin.
"Sorry, Arvin pero nagpapahinga na si Louise." sabi niya habang binabaling ang kanyang mata sa kanang bahagi. Napansin kong bahagya siyang tumango at hindi nagtagal ay biglang sumulpot sa harap namin si Louise. Masayang masaya siyang humarap sa akin at kumaway pa.
"Sige, Ma. Ihahatid na lang po ako ni Arvin pauwi." ani Louise at dali daling hinawakan ang braso ko at hinila palabas ng gate nila.
"Wag kayong masyadong magpapagabi!" narinig kong pahabol na sigaw ni Tita Cassy.
"Yes, Ma!" sigaw namang pabalik ni Louise ng hindi tumitingin sa mommy niya.
Medyo nakalayo na kami sa bahay nina Louise pero hawak hawak pa rin niya ang braso ko. Napansin kong napapatingin ang mga nakakasalubong namin kaya bahagya akong napahiya.
Tumigil ako at hinila ang braso ko sa kamay niya. Napatingin siya sa ginawa ko kaya napaiwas ako ng tingin.
"Saan mo pala gustong pumunta, Arvin? Narinig kong may sasabihin ka sakin." aniya.
Binalik ko ang tingin sa kanya at nakitang nakatungo na siya at nilalaro ang isang maliit na bato sa kanyang paanan.
Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin lahat ng dapat kong sabihin. Ayokong lumabas ng mali ang mga salita sa bibig ko. Alam kong magiging masama ako sa kanya pero t*ngn* naman oh. Ang hirap!
"Mag icecream na lang tayo." presenta niya.
"Sige." maikli kong sagot.
Nang makabili na kami ay naglakad kami papuntang park. Tahimik lang doon at wala ng tao dahil gabi na rin. Umupo lang kami sa bench at doon ko lang naramdaman ang lamig. Hindi ko alam kung dahil sa icecream ba yun o dahil sa malamig na simoy ng hangin dito sa park.
Nilingon ko siya na enjoy na enjoy sa pagkain ng icecream. Doon ko lang napansin na nakauniform pa pala siya. Agad kong tinanggal ang jacket ko at akmang ilalagay sa kanyang likod per pinigilan niya ang kamay ko.
"Okay lang ako, Arvin. Isuot mo na yan." aniya at nagpatuloy sa kanyang icecream.
"Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".