Chapter 8 : Betty
- Tristan's POV -
"Tristan!" ang narinig ko sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Nagmamadali na sana ko dahil pupunta pa ako sa gym para practice namin ng basketball pero nung makita kong si Louise ang tumawag sakin, huminto agad ako.
"Uy, ikaw pala." sabi ko tapos nginitian ko agad siya.
"Hmm. May gagawin ka ba?" ang tanong niya na parang hindi mapakali. Naglilingon pa siya sa paligid kaya napalingon din ako. Wala na masyadong tao dahil kanina pa ang labasan.
"Ah.. Wala naman." pagsisinungaling ko. Tiyak na masesermunan ako ng coach namin kapag hindi ako nakapunta ngayon. "Bakit?" tanong ko.
"Ah.. Pwede mo ba kong samahan? I mean, pwede ba tayong sabay umuwi?" Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko maikakailang may gusto ako kay Louise. Bakit hindi? Maganda siya, mabait at hindi maarte. "Kung ayaw mo, kahit diyan lang palabas ng school. Gusto ko kasing may kasabay. Kung okay lang."
Tumango na lang ako at hindi na nakapagsalita. Napangiti na lang ako. Naglakad na siya kaya sumunod na rin ako. Tae. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Buti na lang hindi namin madadaanan ang gym para makalabas ng gate. Hindi ko kailangang mangamba na makikita ako ni coach.
Tumingin ako sa kanya tapos parang hindi siya mapakali.
"May problema ba?" tanong ko. Umiling lang siya pero halata pa ring may bumabagabag sa kanya. Ayos lang naman siya nung nakita ko siya kanina nung lunch ah. Tinanong pa nga niya ako kung may girlfriend ako. Nag-init tuloy ang mukha ko. Sana'y hindi niya napansin na namula ako. Kung nagkataon, nakakahiya naman. Ang mga lalaking tulad ko ay kinikilig pala? Ibang usapan na ito.
"Tungkol ba yan kay Arvin?" ang nasambit ng bibig ko. Tumingin siya sakin at ikinaway kaway pa ang kamay.
"Naku! Hindi! Hindi! Bakit mo naman nasabi yan?"
Tama nga ang akala ko. Tungkol nga kay Arvin. Sa pagsasalita niya, sigurado akong dahil kay Arvin yun. Bakit ba lagi na lang si Arvin? Anong meron sa kanya? Na wala ako. Joke lang!
Pero totoo, naiinis ako kapag nakikita ko silang magkasama. Mas naiinis ako kapag nakikita si Louise na umiiyak dahil sa pinsan ko. Wala naman siyang masaming ginawa pero palagi na lang siyang inaapi ng pinsan ko. Kalalaking tao ay nambubully sa isang babae.
Grade three ako ng lumipat sa school ng pinsan kong si Arvin. Sabi ni Tita, wala daw masyadong kaibigan si Arvin dahil lumalayo siya sa mga kaklase niya. Dahil siguro iyon sa pagkamatay ng papa niya.
Nang mga ilang araw pa lang ako doon, may napansin agad ako. Hindi siya nagiisa. Lagi siyang may kasama. Isang babaeng medyo mabilog, na nakasalamin at tinatawag niyang "matabang betty". Palagi kong nakikita ang mga estudyanteng tumatawa dahil sa pagkutya ni Arvin sa batang babae.
Laging lumalayo ang batang babae pero hinding hindi siya tinitigilan ni Arvin. Walang araw na hindi ito iiyak. Napansin ko yun. Palagi siyang umiiyak. Sinubukan kong pagsabihan si Arvin noon.
"Bakit ganoon mo na lang tratuhin yung babae? Anong kasalanan niya sayo?" tanong ko pagkarating namin sa bahay nila. Doon na kasi ako tumira nung magaral ako sa school dito.
"Bakit? Kailangan ba may kasalana muna? Teka. Hindi ka ba natutuwa?" Medyo naiyamot ako sa sagot niya. Paanong natutuwa? Oo, napapasaya niya ang mga tao sa paligid niya pero paano na lang ang nararamdaman ng babae? Nasasaktan siya.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".