Hidden Chapter 1 // The Letter

1.7K 73 34
                                    

Dear Arvin,

          November 24 noong nakipagbreak ako sayo, siguro tatlong taon na ang nakakalipas mula ng nangyari yun. Siguro ngayon, nakalimutan mo na yun. Sorry kung ipapaalala ko ulit sayo gamit ang sulat na ito. Peace, wag ka ng magalit. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na ipinabigay ko ito sayo. Well, kung makakarating nga ito sayo.

              Alam kong masakit ang mga sinabi at ginawa ko sayo noon pero yun na lang ang tanging paraan na naisip ko sa mga oras na iyon. Siguro masasabi mong mahina ako dahil basta basta na lang kita isinuko, pero believe me, gusto lang kitang ingatan.

           Sinabi kong, "nagbago ka na at nahihirapan na ko". Totoo yun. Nagbago ka nga, pero hindi ko sinabing mas nagustuhan ko ang bagong ikaw. Kahit minsan na parang ewan ka, masaya ako na kasama kita palagi. Hindi ko rin niliwanag na kasabay ng pagbabago mo, na nahihirapan na ako dahil mas nahuhulog ako sayo, mas lumalalim ang pagtingin ko sayo, Arvin at sa tingin ko ganoon ka rin sa akin. Siguro natakot na rin ako na baka sa susunod ay hindi ko na makaya na makita kang nasasaktan. At baka hindi mo na rin makaya kapag nawala ako.

           Sinabi ko ring, "hindi na kita gusto". Totoo rin yun. Siguro dahil puro pagmamahal na lang ang natitira sa akin. Sobrang mahal kita kaya gusto kong isipin mong ayoko na sayo. Alam mo ba kung bakit gusto kong isipin mo na wala na akong gusto sayo? Dahil ayaw kitang masaktan.

          Siguro iniisip mo ngayon na bakit kita iniwan kung ayaw kitang masaktan. Dahil gusto kong makamove on ka agad. Gusto ko na kapag wala na ako, nakahanap ka na ng mag mamahal sayo ng mas matimbang sa akin. Ayaw kasi kitang makitang umiiyak ng sobra sa harapan ko at marinig ang mga salitang, "bakit mo ako iniwan?", "di ba sabi mo mahal mo ako?" di ba ang drama ko.

            Gusto ko lang maging makatotohanan. Hindi kasi malababong mangyari iyon kapag ako pa rin ang mahal mo sa oras na iyon. Kapag nakita mo akong nakahiga na walang malay, ayokong makita kang sobrang nasasaktan. Madudurog ang puso ko, Arvin.

              Mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ko at sana masaya ka na ngayon. 

             Good bye, Arvin.

                                                                                                                                               Love,

                                                                                                                                        Matabang Betty

---

Sinabi ni Louise na "tatlong taon na ang nakalilipas". Ibig sabihin po, gusto niyang mabasa ito ni Arvin after 3 years.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon