Before anything else, gusto ko pong iinform kayo, mga readers, na papalitan ko ang title ng storyng ito. From Revenge on Mr. Bully to "My Bully and I". Kung gusto niyong malaman kung bakit, dahil wala naman po itong revenge. As in wala, kaya naisip kong palitan na lang.
Kung may suggestions or violent reactions, please comment na lang po sa baba.
Papalitan ko po ang title kapag napost ko ang chapter 44. Baka kasi malito kayo kapag pinalitan ko agad.
Chapter 43 : Boses
- Arvin's POV -
"Arvin!" narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. "Arvin, gumising ka! Gumising ka please!!" dagdag pa niya pero hindi ako umimik.
Maya maya ay narinig ko na lamang ang paghikbi niya. Sumakip ang dibdib ko na para bang ayokong marinig ang pagiyak niya.
Gusto kong gumalaw para pahirin ang mga luha niyang kasalukuyang tumutulo sa may kamay ko pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Parang akong bato na walang buhay.
Gusto kong sabihing, "Louise, wag ka ng umiyak. Andito ako oh." pero parang hindi ko maigalaw ang mga labi ko.
"Arvin, lumaban ka! Kaya mo yan. Alam kong magsusurvive ka. Please! Gumising ka na."
Dahan dahang humina ang boses niya at parang unti unting nawala ang pagkahawak niya sa kamay ko. "Louise, asan ka na? Wag mo kong iwan. Dito ka lang please!"
"Andito lang ako, Arvin." sagot niya pero unti unting naglaho na parang echo sa aking tenga.
"Arvin?" tanong ng isang pamilyar na boses na naman. "Christine! Tawagin mo ang doktor sabihin mo, may luhang tumulo sa mga mata ni Arvin, bilis!"
"Yes, ma." agad na responde ng kapatid kong si Ate Tin.
Naramdaman kong may idinamping malambot na panyo ang mommy ko sa gilid ng aking mga mata. "Arvin?" galak na galak na tawag ni mommy sa akin. Doon ko na dahan dahang naimulat ang mga mata ko. Medyo malabo pa ang mga ito dahil parang matagal ko ng hindi nagamit.
"Henry! Ang anak natin gising na!" bulaslas ng mommy ko pero hindi ko pa rin siya maaninag ng maayos. "Arvin, anak! Salamat sa Diyos at gising ka na." dagdag pa niya.
Ilang saglit ay may pumasok na mga doktor sa aking silid at ichineck ang mga vital signs ko. Ichineck nila ang mga mata ko at kung ano ano pang tiningnan nila sa akin. Ilang minuto rin iyong tumagal.
Sinilip ko ang pamilya ko sa may gilid. Andito si Daddy, si Mommy at si Ate Tin. Hindi maipinta ang ngiti sa kanilang mga labi sa sobrang saya. Pero bahagya akong nalungkot nang makita na may pinapahid si mommy sa kanyang mata. Wari mo'y umiiyak siya, hindi dahil malungkot siya pero dahil muli siyang nagkaroon ng pagasa.
"Ma'am, Sir, congrats po. Sa tingin po namin ay okay na ang anak niyong si Arvin." ani ng isang lalaking doktor.
"Doc, maraming salamat." ani ni Daddy.
"Salamat po, doc." dagdag pa ni Ate Tin.
Hindi ko narinig na nagsalita si Mommy. Nakatingin lang siya sa akin at ngumiti na lamang nang mahuli niya akong nakatingin sa akin.
"Mas maganda pong hindi mabibigla ang pasyente. Iwasan po nating pasamain ang loob ng pasyente dahil baka po makadagdag iyon sa kanyang stress. Kailangan po hinay hinay lang po. Okay po?" ani ng lalaking doktor.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".