Chapter 3 : Chichirya
- Arvin's POV -
Ah ah. Nasan na ba yung panget na babaeng yun?! Tiningnan ko ang relo ko at nakitang 4:10PM na. Tae! Late na siya ng 10 minutes.
Napabalik ang tingin ko kay Monique, ang Miss Perfect ng school namin. Bakit ganun? Uupo lang naman siya sa tabi tapos magbabasa ng libro pero bakit ang ganda ganda niya?
"Sorry late ako!!" Ang sabi ni Betty na parang hingal na hingal. Itsura niya. Ang panget! Lumalaki pa ang butas ng ilong. Parang unggoy.
"Bakit ngayon ka lang?! Nagkukupad ka na naman! Ginawa mo ba yung pinapagawa ko sayo?!"
"Oo, eto." Sabay abot sakin ng maliit na pink envelop.
"Bakit sakin mo binibigay yan?! Doon kay Monique. Ikaw ang magbigay." itinuturo ko gamit ang aking mga labi ang kinauupuan ni Monique.
"Huh?! Bakit ako?! Eh ikaw tong nanliligaw!" ang asar na asar niyang sabi.
Oo! Nanliligaw ako! At hindi ko kailangan ng opinion ng kung sino man sa inyo!! Kahit ganito ako, naiinlove din naman paminsan minsan!! Syempre hindi ako maiinlove sa kung sino sino diyan. Choosy ako sa babae. Ang gusto ko, maganda, makinis ang balat, maputi, maliit, matalino, mabait, at malambing. At lahat ng ito ay na kay Monique lang.
"Ibibigay mo ba yan o tatawagan ko na si Tristan." Inilabas ko pa ang cellphone ko para takutin siya.
"Grabe ka talaga!! Kainis!!" Padabog pa siyang umalis. Tsk, kunot noo na naman. Kala mo naman ang ganda. Puro tagihawat naman ang mukha.
Nakita ko siyang lumapit kay Monique. Sa wakas, inabot na niya ang love letter ko. Hoy! Ako ang gumawa nun pero pinaedit ko lang sa kanya.
Dahil masyado akong malayo, hindi ko marinig ang pinaguusapan nila. Napansin ko lang na umiiling na itong si Monique. Tae! Ano kayang pinagsasabi ng panget na yun?!
Bumalik na sa harap ko si Betty.
"Oh? Anong nangyari? Ano bang sinabi mo? Bakit hindi niya tinanggap? Pumayag ba siyang manligaw ako?"
"Ang dami mong tanong! Kung ganyan lang din pala sana ikaw na lang ang nagabot sa kanya nito." Sabay palo ng letter sa dibdib ko.
"Aray! Siguro kung anu anong sinabi mo."
"Aba! Ako pa pinagbintangan! Hoy! Hindi tinanggap to ni Monique dahil ayaw niya ng manliligaw. Hindi daw siya nagpapaligaw. Kaya uuwi na ko!" Pasigaw niya sinabi yun sakin. Laki talaga ng bunganga ng babaeng to. Nagmumukha na siyang hippopotamus.
Paalis na siya pero pinigilan ko siya. "Hoy! Di pa ko tapos sayo!"
Hinawakan ko ang backpack niya at hinili siya patalikod. Wala ako sa mood para maheartbroken. Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sakin na hindi tinaggap ni Monique ang letter ko. Ang gusto ko lang ngayon ay pagtripan ang isang to.
"Hoy!! Anong ginagawa mo!! Bitawan mo ang bag ko!!" galit na galit niyang sigaw.
Tumigil kami sa harap ng ministop. Mukhang nagcrave ata ako sa chichirya ah.
"Eto, gusto ko nito. Eto pa. At eto." Ang pagtuturo ko. Eto naming si panget, kinukuha ang lahat ng ituro ko. Hindi ko na nga makita ang mukha niya dahil sa dami niyang dala.
"Ano bang gagawin mo dito? Bakit ang dami mong binib-"
Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya at nagpatuloy pa rin sa pagtuturo.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".