Chapter 36 // Notebook [ Arvin's POV ] + [ AJ's POV ]

2.1K 78 15
                                    

Chapter 36 : Notebook

- Arvin's POV -

Inikot ikot ko ang pink na notebook sa aking daliri. Nasa akin pa ito hanggang ngayon dahil tinamad akong magbalik sa lost and found kanina. Ang layo ba naman noon sa Principal's Office. Nakakatamad. At wala rin ako sa mood kaya baka bukas ko na lang ibabalik o baka hindi ko na ibalik.

Luma na ang notebook na ito at sigurado akong hindi na ito hahanapin ng may ari. 

Bumangon ako sa kama dahil nakarinig ako ng malakas na kalabog sa may gate. Sumilip muna ako sa bintana ko para makita kung sino ang tao. Noong makita ko na si Louise iyon ay bigla akong napatago sa may kurtina.

Ano kayang ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Hindi ba dapat ay hindi na siya nagpapakita sa akin dahil sa ginawa niya? Napakawalang kwenta niya. Umiinit ang dugo ko tuwing naiisip ko siya.

Muli akong humiga sa kama ko at nagtaklob pa ng kumot sa mukha. Ayokong makita ang pagmumukha niya. Baka mas mainis lang ako.

"Arvin! Buksan mo ito!" sigaw niya. "Arvin! Please! May itatanong lang ako sayo!" 

Tinakpan ko ang tenga ko pero naririnig ko pa rin ang sinasabi ng malaki niyang bunganga. Hindi ko na pinansin at maya maya ay tumahimik na rin.

Tumayo ako sa kama para sumilip sa may bintana. Nakita kong makulimlim na ang kalangitan at mukhang uulan pa ata. Sumilip ulit ako sa may gate namin at hindi ko na nakita si Louise. Syempre umalis na yun. Malamang dahil baka maabutan pa siya ng malakas na ulan. Siya lang ang maging kawawa.

[ A/N: Hindi pa po umaalis si Louise. Nagiintay po siya sa labas ng gate nina Arvin. Hindi lang napansin ni Arvin dahil nakaupo si Louise. Siguro nangalay. Haha ]

Maya maya ay umulan na nga ng malakas, lumapit ako sa bintana para isarado iyon ng maayos ngunit ng pagsilip ko ulit sa labas ay natanaw ko ang basang basang si Louise. 

Dali dali akong lumabas ng bahay at dinaluhan siya. Ipinasok ko siya sa loob at binigyan ng isang tuwalya para ibalot sa kanyang sarili.

"Sira ka ba!" sigaw ko sa kanya. "Bakit hinayaan mo ang sarili mong mabasa ng ulan? Paano kung magkasakit ka niyan?" medyo nagaalalang tanong ko.  Oo, nagaalala nga ako. Kahit papaano ay gusto kong nasa maayos siyang kalagayan. Yung ligtas at hindi nasasaktan. Sh*t! Ano ba tong sinasabi ko.

"Arvin.." bulong niya at nanginginig pa rin siya sa lamig. Lumapit ako ng konti para mas marinig ko siya ng maayos. Napansin ko naman agad sa mga labi niya ang kanyang pamumutla. 

"Teka, kukuha muna ako ng damit at mainit na tubig-" sabi ko at akmang aalis na pero hinawakan niya ang kamay ko kaya natigil ako.

"Arvin, nasaan na yung pink na notebook?" tanong niya.

"Anong notebook? Teka nga, kukuha muna ako ng damit. Hindi pwede yang basa dahil baka magkasakit k-"

"Please, nasan na yung notebook?" 

Parang hindi niya narinig ang mga sinabi ko. Parang wala siyang pakialam sa sarili niya. Parang mas mahalaga pa ang notebook na hinahanap niya. Medyo nairita ako sa pagpapakita niya ng halaga sa lumang notebook na yun kaya kung anu ano na lamang ang sinabi ko. Wala na akong ibang maisip kaya sinabi kong tinapon ko na.

"Wag ka ng makulit. Walang notebook dito. Itinapon ko na. So kukuha na ko ng damit. Magintay ka lang diyan." 

Di ko na narinig ang pagrereklamo niya kay tumaas na ako ng kwarto para kumuha ng damit. Nahirapan pa akong pumili dahil tiyak na malalaki ang mga tshirt at shorts ko sa kanya. Kahit alin na lang ang kinuha ko doon para makababa na rin agad. Ang importante ay ang makapagpalit siya. Wag siyang maarte.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon