Chapter 18 // Pagsubok [ Monique's POV ]

3.2K 104 24
                                    

Chapter 18 : Pagsubok

- Monique's POV -

Naglalakad ako sa corridor nang makasalubong ko si Miss Gonzalez, teacher namin sa english. Masaya ko siyang binati kaya masaya rin siyang bumati pabalik. Napagusapan pa nga namin ang pagkakakuha ko ng top score sa long exam niya last week. Hindi naman sa ako lang ang nakakuha ng mataas na score. Sa katunayan ay pareho kami ng nakuha ni Tristan. 

Medyo matagal rin kaming nagkapagkwentuhan ni Ma'am . Pero noong paalis na ako ay may ipinaalala siya about sa project namin.

"Ah, Monique.. Yung project ng mga kaklase mo ay hanggang 4PM lang. Ikaw na ang magcollect at magpass sakin."

"Yes, Miss." sagot ko habang tumatango.

"Paki sabi na rin sa section E."

"Ah. Opo." sagot ko na naman. Tumango si Miss Gonzalez bago nagpaalam.

Tinanaw ko siya na naglalakad palayo habang binabati ng iba pang mga estudyante. Nang makaliko na siya ay saka ako nagpatuloy sa aking paglalakad. Nakakadalawang hakbang palang ako nang may biglang kumalabit sa akin.

Lumingon ako at nakita ang nakangising si Charez, isa sa mga mabubuti kong kaibigan. Tulad nang nakaraang araw, masayang masaya na naman siyang pumasok ngayon. Siguro ay dahil sa boyfriend niyang si Earth San Diego. Isang sikat na foot ball player ng ibang school. Hula ko ay marami siyang girlfriend. Kilalang playboy at hindi nagseseryoso ang isang yan. Hindi ko na itatanong kung anong nagustuhan niya sa lalaking yan dahil tulad ng sabi ng iba "Full package" daw siya. Pero kahit ganun, wala pa rin akong tiwala sa kanya dahil hindi siya nakokontento sa isa. Ilang beses ko na ngang sinasabi iyon kay Charez pero hindi siya nakikinig.

"Mag de date kami mamaya." ani Charez habang parang sumusuka ng rainbow. 

"Teka, may long exam tayo bukas ah." pagpapaalala ko sa kanya.

"Siguro, pagkarating ko na lang sa bahay saka ako magrereview." sagot niya.

Hindi na ako muling nagsalita dahil alam kong masasayang lang ang laway ko. Kahit anong pagpipigil ang gawin ko, alam kong gagawin pa rin niya. Medyo may katigasan ang ulo.

Nakarating kami ng classroom na puro San Diego ang bukang bibig niya. Talagang gustong gusto niyang ang lalaking iyon. Naiirita ako dahil baka sa loob ng isang linggo ay iwanan siya nito. Ayokong makitang umiiyak ang kaibigan ko.

Kumukuha ako ng mga gamit sa locker ko nang mamataan ko Arvin Yago na magisang naglalakad sa corridor. Papalapit ng papalapit siya sa direksyon namin. Bahagya kong inayos ang buhok ko at patagong lumingon sa kanya. Nakasimangot niyang mukha!

Hindi niya kasama ngayon ang mga kaibigan niyang sina Leo dahil sa pagkakaalam ko ay nagkaroon ng konting hindi pagkakaintindihan ang dalawa.

Yung about naman doon sa usapan nila ni Tristan na ang matatalo sa basketball game ay hindi papasok sa buong linggo ay hindi na natuloy. Nakausap at nakumbinsi ko kasi si Tristan na wag na ituloy dahil hindi naman talaga sila nanalo. Well, nanalo sila by default pero hindi magandang pakinggan na iyon ang dahilan ng kanilang pagkapanalo. Buti hindi rin ako nahirapang pakiusapan ang iba niyang ka team. Sinabi ko na lang na hindi na sila magiging cleaners.

Natauhan lang ako nang tumigil siya sa harap ng classroom nila. Hinugot niya ang itim niyang cellphone sa kanyang bulsa at nagsimulang magpipindot. Hindi na ako nahiyang lumapit sa kanya. Nagulat pa nga si Charez sa bigla kong pagalis.

"Yago, yung mga project daw natin sa English ay hanggang 4PM lang daw sabi ni Miss Gonzalez." ang pormal kong sabi sa kanya. Tumingin siya sakin mula sa pagtingin niya sa kanyang phone pero hindi naman siya umimik. "Kung gusto mo, sabay na tayong magpasa ng mga project mamay-"

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon