Chapter 38 // Selfish [ Louise's POV ] + [ Arvin's POV ]

2.1K 82 29
                                    

Chapter 38 : Selfish

- Louise's POV -

"Kapag lumuhod ba sa harapan mo ang nambubully sayo, magiging masaya ka na?

Kapag umiyak ba siya, tatawa ka na?

Kapag hindi ka niya pinansin ng isang araw, magpapaparty ka na? 

Kapag nawala na ba siya sa buhay mo, makukuntento na ang buhay mo?"

Bahagya kong iminulat ang mga mata ko dahil sa paulit ulit na mga salitang narinig ko sa aking panaginip. Ito ang mga salitang nakasulat sa unang pahina ng diary ko.

Parang tinutusok ang puso ko dahil naaalala ko si Arvin. Isinulat ko ang mga salitang iyon dahil noong panahong yun ay galit na galit ako sa kanya na para bang gusto ko na siyang saktan, pagtripan at paiyakin tulad ng mga ginagawa niya sa akin.

"Kapag lumuhod ba sa harapan mo ang nambubully sayo, magiging masaya ka na? Kapag umiyak ba siya, tatawa ka na? Kapag hindi ka niya pinansin ng isang araw, magpapaparty ka na? Kapag nawala na ba siya sa buhay mo, makukuntento na ang buhay mo?" narinig kong sabi ng isang lalaki. Sigurado akong hindi iyon isang panaginip dahil gising na gising ako ngayon.

Binaling ko ang aking tingin sa may gilid ko kung saan nanggagaling ang napakalamig na boses at doon ko nakita seryosong si Arvin. 

"Ganito ba ang gusto mong gawin ko? Ito ba, Louise? Gusto mo kong mawala sa buhay mo para makontento na ang buhay mo?" tanong niya sa akin pero hindi ako nakasagot dahil parang nanuyo ang lalamunan ko. "Alam kong may galit ka pa rin sa akin dahil sa mga ginawa ko sa iyo noon.. Alam kong nasaktan kita noon pero sana naman wag mo kong saktan ngayon." Napansin ko agad ang pagkuyom ng panga niya.

"Arvin.. hindi yan dahil doon. Iba ang dahilan ko ngayon." gusto ko na sanang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko pero pinilit kong maging malakas.

May kinuha siya sa may bulsa niya at inilapag niya ito sa may kama kung saan ako nakahiga. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dalawang sulat ko para kay Arvin na gusto kong makarating sa kanya pagkaraan ng tatlong taon. 

Hinablot ko agad ang mga sulat para ilayo iyon sa kanya pero hinawakan niya naman din agad ang nanginginig kong kamay.

"3 years? Sa tingin mo, makakalimutan kita kapag nakalipas ang 3 years, Louise? Sa tingin mo ha?Damn, Louise! Hindi!!" tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at umikot na para bang hindi mapakali. Tumingin siya sa akin bago itinuro ang kanyang dibdib kung saan nakalagay ang kanyang puso. "Ang sakit sakit. Kahit ilang libong taon pa ang lumipas ay hindi ko makakalimutan ang sakit na ipinadarama mo sa akin ngayon, Louise. Mababaliw na ko." 

"Arvin, I'm sorry.." Yun na lang ang taning nasambit ko. Wala na kong ibang gustong sabihin kundi ang sorry.

"Naguguluhan ako, Louise. Hindi ko alam kung hindi ko maintindihan o ayaw ko lang talagang intindihin. Alam kong may sakit ka pero alam mo naman sigurong aalagaan naman kita, di ba?" Tumulo na ang luha niya kaya parang biglang nadurog ang puso ko. "Please, Louise, wag mo kong iwan. Hindi ko makakayanang mawala ka sa akin. Please.."

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumagsak ang mga tuhod niya at lumuhod siya sa harap ko.

"Arvin, wag mong gawin ito." aniko at sinubukan ko siyang pigilan pero kulang ang lakas ko.

"Di ba kapag lumuhod ako dapat masaya ka na. Ito na oh. Louise, umiiyak na rin ako, dapat tumatawa ka na-"

"Arvin, please.." hindi ko na napigil ang sarili ko at naluha na rin ako. Ayokong makitang ganito siya. Mahina at parang hindi makalaban.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon