Chapter 26 // Pinsan [ Tristan's POV ]

2.6K 87 35
                                    

Chapter 26 :

- Tristan's POV -

"Monique at Tristan, malapit na ang National Quiz Bee. Nakapagaral na ba kayo?" tanong ni Miss Gonzalez.

"Yes, maam. Nagaaral na po kami." sagot naman ni Monique in short Monmon habang tumatango.

"Mas maganda kung sabay kayo nagrereview para matulungan niyo ang isa't isa."

"Opo." muling sagot ni Monmon.

Hindi talaga ako nakikinig. Maya't maya akong lumilingon sa mga taong dumadaan sa corridor. Lahat sila ay titingin samin tapos magbubulungan na lang. Yung iba ay ang lalakas pa ng bulongan kaya narinig ko.

"Uy, bagay silang dalawa." sabi nung isang babae.

"Tama, matalino tapos gwapo at maganda pa." sabi naman ng isa pa.

Napailing na lang ako sa mga naririnig ko. Ano bang sinasabi nila. Hindi porke ganito kami ay bagay na kami. Hindi ba nila alam na ugali dapat ang tinitingnan hindi ang mukha? Tsk.

"Uy, Tristan, nakikinig ka ba?" tanong ni Monmon sabay kunot ng noo.

"Ah. oo naman. Ano nga ulit yun?" balik na tanong ko.

"Basta galingan niyo, mga anak. Kayo ang magaangat ng school natin. Kapag kailangan niyo ng tulong, wag kayong mahiyang puntahan ako." 

"Yes, maam." muling sagot ng masunuring si Monmon.

Nang makaalis na si Miss Gonzalez, piningot agad ni Monmon ang tenga.

"Aray, Mon! Bakit mo ginawa yun?!" ani ko.

"Hindi ka kasi nakikinig. Hindi mo ba alam na importante ang sinasabi ni maam tapos ikaw parang wala sa sarili mo. Paano na lang kung nasa Quiz Bee na tayo? Wag mong sabihing mawawala ka rin sa sarili mo."

"Ay, ewan ko sayo, Monmon. Wag ka masyadong matakot dahil alam kong kaya natin to." sabi ko tapos umalis na para tumungo sa canteen. Lunch break na kasi kaya marami na namang tao sa canteen.

Hinanap ko agad ang mga kaibigan ko at nakitang nasa table namin silang lahat. Nang makalapit ako sa kanila ay nakipag fist bump muna ako sa kanilang lahat. Ganito talaga kami ng mga kabarkada ko. Nakasanayan na kasi namin.

"Uy, yung practice mamaya, Tristan. Makakasama ka ba?" tanong ni Leo.

"Mukhang hindi. Punta ako sa bahay nina Monique, mamaya." sabi ko.

"Uyyyyyy!" sigaw nilang lahat. Natawa na lang ako.

"Ano ba kayo! Hindi ako magsasaya doon no! Magaaral kami." umiling ako.

"Asus! Aral daw!" at nagtawanan na lang kaming lahat. Mga baliw talaga sila. Syempre tulad nila, baliw din ako.

Binaling ko ang tingin ko sa table na nasa dulo at nakita ko si Louise na nakaupong magisa doon. Lumingon ako sa paligid at hindi ko naman nakita si Arvin. Tatayo na sana ako para puntahan siya nang biglang umupo si AJ sa harap niya.

Nagusap silang dalawa at mamaya ay may itinuro na si Louise. Sinundan ni AJ ang tinuturo ni Louise kaya napasunod na rin ako. Natanaw ko sa malayo si Arvin na may dala dalang pagkain. Binalik ko ang tingin sa kanilang dalawa at nagpapaalam na si AJ.

Naguluhan ako bigla. Bakit naman kaya magkausap ang dalawa? Mukhang hindi ito maganda ah.

Kinahapunan ng maglabasan kami, nagstay muna ako saglit sa may court para panuodin ang mga kaibigan kong maglaro. Mamaya kasi ay aalis na ako at didiretso sa bahay nina Mon. Napansin kong nakajersy at naka rubber shoes si AJ at mukhang magprapractice din ng basketball.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon