Chapter 13 : Bear
- Louise's POV -
Parang kani kanina lang, umiiyak ako dahil kay Arvin. Pero sa totoo ay wala akong dapat iiyak dahil totoo naman ang sinabi niya na inaapi api lang niya ako. Ang dapat kong gawin ay ang tanggapin ang katotohanan. Ang dapat kong iniiyakan ay ang mga bagay na hindi totoo pero pilit na pinapalabas na totoo.
Ikinatuwa ko na rin ang nangyaring iyon. Dahil kung hindi nangyari iyon, hindi ko makakasalubong si Tristan, hindi niya ako yayakapin at lalong hindi niya sasabihin na proprotektahan niya ko. Sa katunayan, talagang kinilig ako. Parang mas nadagdagan ang pagkacrush ko sa kanya. Bukod sa gwapo na siya, ang bait bait pa niya. Mamaya ay mananaginip na naman ako dahil sa kakaisip sa kanya.
Kanina ay inihatid niya pa ako dito sa bahay. Inintay niya pa akong makapasok sa loob ng pinto bago siya umalis. Talagang mabilis na kumabog ang dibdib ko. Parang hinahabol ng mga kabayo. Ni hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Nahihiya ako.
Kakatapos lang naming kumain ni mommy. At ngayon ay maggagawa na ako ng aking homework. Umupo ako sa study table ko at nagsimulang magbuklat ng libro. Ano ba ito? Hindi ko maintindihan. Talagang bulok ako sa english. Leche! Mas gusto ko pa ang math. Sumakit tuloy agad ang mga mata ko kaya naisipang umidlip lang ng konti sa may kama. Papikit na ako ng may bigla akong narinig na kalabog.
Bigla akong napatayo para hanahap kung saan nanggaling ang ingay. Napansin ko na lang na natumba na ang lampshade na nasa tabi ng kama ko. May bumato ng lampshade ko! Nakabukas ang bintana kaya siguro nakapasok ang pinambato ng kung sino man yun! Walang hiya! Hinanap ko agad ang may sala kaso wala akong nakitang tao sa labas.
Napakunot ang noo ko. Bumalik ako sa loob at isinarado na ang mga bintana. Mga siraulong tambay! Walang magawa sa buhay. Maninira pa ng gamit. Tsk! Pumunta ako sa may lampshade para itayo iyon pero may nakita akong kakaibang bagay. Hindi ito akin. Lumuhod pa ako para limutin ang malambot na bagay. Isang maliit na white teddy bear. Iniharap ko ito sa akin at napansing may nakalagay na Sorry sa heart nito sa harap.
Napaisip ako kung sino ang maglalagay nito dito. Este, sino ang mambabato nito dito. Muli akong tumayo para buksan ulit ang aking mga bintana. Doon na nahagip ng tingin ko ang nakatayong si Arvin. Nung magtama ang mga mata namin, agad siyang tatakbo pero sumigaw agad ako.
"Arvin, wait lang! Intayin mo ko, baba ako."
Hindi ko na sinarado ang bintana at agad na bumaba para makalabas ng gate. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang bumaba para makausap ang isang ito. Siguro gusto kong magalit dahil sa ginawa niya kanina. Sa pangaaway sa akin at sa pangaaway niya kay Tristan. Hindi ko alam.
Nang makarating ako sa may gate namin, akala ko hindi ko na siya makikita. Akala ko hindi ko na siya maaabutan pero mali ako. Andun pa rin siya. Matikas na nakatayo sa harap ng gate namin. Kahit madilim ay kitang kita ko ang nakasimangot niyang mukha. Nakakainis ang pagmumukha niya.
"Bakit ka nandito? Ikaw ba ang nagbato nito sa bintana ko?" diretsong tanong ko. "Alam kong ikaw dahil ikaw lang ang tao dito. Alam mo bang bumagsak ang lampshade ko dahil sa pagbabato mo? Nadito ka ba dahil gusto mo lang manira ng gamit? Nang aasar ka ba talaga?!"
"E?" gulat na tanong niya. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya. "Ah.. sinadya ko yun. Para masira ang mga gamit mo." aniya habang tumatango na hindi mapalagay.
"Ano?!" Sigaw ko sa kanya. Sabi ko na nga ba! Gumaganti siya sakin dahil sa pagaaway nila ng pinsan niya. Ako na naman ang pagbubuntungan nito. Teka, bakit ako ang pagbubuntungan niya ng galit niya? Eh siya ang may kasalanan kung bakit sila nagaway. "Sira!" ani ko.
"Tsk!"
Hindi na siya muling nagsalita kaya nabalot kami ng katahimikan. Lumunok ako bago muling nagsimulang magsalita.
"Bakit mo nga pala binato ito sa bintana ko? At.." Tiningnan ko ng maigi ang bear. "Sorry? Bakit may sorry?"
"Ha? Wala lang. Trip ko lang. Yan ang nakita ko sa basuran kaya yan ang pinambato ko." sagot niya. Uminit ang dugo ko. Okay lang sana kung wala lang yung sagot niya kaso dinagdagan pa niya na galing itong basurahan.
Tiningnan ko ang bear. Napansing hindi naman ito mukhang galing basurahan. Puti pa rin ang kulay nito. Kung galing ito doon siguradong dapat ay madumi na ito. Ngunit hindi ito madumi. Niloloko niya ko. Bumaling ako sa kanya at nagiwas siya ng tingin.
"Sabihin mo nga. May gusto ka na ba sakin?" tanong ko. Napatakip ako sa bibig ko. Ano ba itong nasabi ko. Bakit ko iyon nasabi? Napa irap ako sa kawalan. Patay. Paano ko ba babawiin ang sinabi ko? "Ah. Joke lan-"
"Ano? Ako? Magkakagusto sayo? Sa mukha mong yan? Nananaginip ka ata ng gising." aniya na nagpainit na naman ng dugo ko. Nagda daydream? Yun ba ang punto niya? Ako magda daydream sa kanya? No way! Si Tristan ang crush ko kaya kung mag da daydream man ako ay siguradong dahil sa kanya lang.
"Kung ganun, para saan ito?" seryoso kong tanong. Humalukipkip siya kasabay ng paghinga ng malalim.
"Sabi ko nga, wala lang! Trip ko nga lang! Hindi ba makaintindi ha?!" Pasigaw niyang tanong.
Umirap ako pabalik sa bahay at bahala na siya diyan. Umuwi na siya! Sumasama lang ang loob ko. Dapat ay hindi na siya nagpunta dito para manggulo. Sumilip ako pabalik nung may maisip ako para asarin siya. Tutal inasar niya ako ngayon ngayon lang, gagantihan ko siya.
Naglakad ako pabalik na ikinagulat niya. Kinunot ko pa ang noo ko bago ko itinapon sa sahig ang teddy bear na galing sa kanya. Sabi niya, galing itong basurahan? Sabi niya, wala lang ito. Pwes, ipapakita ko sa kanya ang ginagawa sa mga bagay na wala lang. Ngumiti ako sa kanya bago sinimulang pag apak apakan yung bear. Kahit naaawa ako, kailan kong gawin ito. Nang maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko. Ang inis na ginagawa niya sakin. Kung may puso pa siya ay sana maramdaman niya pa. Pero mukhang malabo dahil wala siyang puso.
"Teka!" Pigil niya at bahagya akong itinulak para maalis ang pagkakatapak ko sa bear. "Anong ginagawa mo? Bakit mo inapakan yung bear?!" sinimulan niyang ipagpag ang mga nadumihang parte.
"Hmm.. Wala lang din. Trip ko lang." ang sagot ko habang ginagaya ang pagkasagot niya sakin kanina. Gusto ko ng humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon niya. Tulad ko ay nainis din siya. Naapektuhan siya kaya natuwa ako. Wag niyong sabihing may puso na siya. Haha!
"Ang sama mo." aniya sa mababang tono. "Hindi na kita kilala."
Tinitigan ko siya ng maigi at nakitang seryoso na ang mukha.
"Kung ayaw mo nito, pwes, sabihin mo! Hindi yung itatapon mo na lang basta basta at pag aapak apakan! Diyan ka na nga!"
Naglakad na siya palayo pero bago iyon. Itinapon muna niya sa basurahan ang kaawa awang bear. Nalungkot ako. Naguilty ako sa ginawa ko. Hindi ko na dapat ginawa iyon. Bakit ko nga ba naisip yun? Ang gusto ko lang naman ay yung asarin siya para maramdaman niya kung anong nararamdaman ko. Pero bakit ganito ang nangyari? Sumama ang loob ko at pinagsisihan ang lahat. Ang sama sama ko!
Nang hindi ko na siya natanaw sa aking paningin, pumunta ako sa basurahan at kinuha ang bear. Muling ipinagpag at tiningnan ang nadumihang parte. Buti na lang at wala ng basura ngayong gabi. Kanina pa nga pala kinuha ng garbage collector ang mga basura. Kapapalit pa lamang ng plastic. Maswerte pa ako dahil hindi ito nagamoy basurahan.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay. Mukhang hindi ata si Tristan ang mapapanaginipan ko. Mukhang hindi siya ang maiisip ko hanggang sa pagtulog ko. Sinuntok ko pa ang ulo ko para tumino ang utak ko. Urg! Kahit nakapikit ang mga mata ko, ang seryosong mukha pa rin ni Arvin ang nakikita ko. Bakit ganito?!
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".