Chapter 21 // Galit [ Christine's POV ]

2.8K 126 13
                                    

Si Christine po ay ang older sister ni Arvin. Si Ate Tin. :)

Chapter 21 : Galit

- Christine's POV - 

Pagkaalis ni Arvin papuntang canteen, pumasok ako sa silid kung saan natutulog si Louise para icheck kung okay na siya. Kanina, hindi ko pinapayagad na pumasok si Arvin sa kwarto dahil natatakot ako na pagkagising ni Louise ay magaway lang sila. Hindi makabubuti iyon dahil baka mas sumama pa ang pakiramdam niya. 

Pinihit ko ang door knob at marahang pumasok para hindi makagawa ng ingay. Kung natutulog pa siya ay ayokong makaistorbo. Pero pagtingin ko sa kanya, gising na pala siya. 

"Ate Tin, ikaw pala." sabi niya at bahagyang babangon pa. 

"Ay naku. Wag ka ng bumangon. Ichecheck lang naman kita." ani ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa katabing kama niya. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba?" 

Umiling lang siya sa tanong ko. 

"Ate, si Arvin po?" tanong niya kaya napataas ang isang kilay ko. Alam kong hahanapin niya si Arvin dahil kahit papaano ay siya pa rin ang nagdala sa kanya dito.

"Pumunta lang ng canteen para bumili ng pagkain mo. Babalik din siya agad." sabi ko at bahagyang ngumiti para mapanatag ang isip niya. 

Akala ko matutuwa siya sa sinabi ko pero mukhang hindi. Nalungkot siya. Bumangon siya sa pagkakahiga at umayos ng upo. Para bang may importante siyang sasabihin.  

"Ate, kapag dumating po si Arvin, pasabi pong nakaalis na ako." sabi niya na nagpagulat sa akin. 

"Bakit naman? Ayaw mo ba siyang makita? Pinabili ko siya ng pagkain dahil sabi ko baka nagugutom ka kapag gising m-"

"Ate, please." Pagmamakaawa niya na hindi ko maintindihan. 

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko na alam ang sasabin. Maraming tanong ang nabuo sa isip ko. Bakit ayaw niyang makita si Arvin? May problema kaya sila? Nagaway na naman ba? Magkagalit? May hindi pinagkaintindihan?  

Kahit marami akong tanong, ni isi ay hindi ko nasambit. Marahan akong tumango bago nagpaalam para lumabas na ng silid. Kung may problema man sila o nagaway. Sa kanilang dalawa na lang iyon. Wala na ako doon. Hindi dapat ako nakikialam. Mga bata pa sila at normal naman siguro iyong hindi pagkakaintindihan at lalo naman ang pagaaway. 

Ilang saglit, kumalabog ang pinto sa harap. Napalingon ako at nakita ang nagmamadaling si Arvin. Nagulat ako sa bilis niyang nakabili. Malayo ang canteen at sigurado akong magtatagal ng ilang minuto kung balikan ito.

Inilapag niya ang pagkain sa lamesa ko at dali daling tumungo sa silid. 

"Ay Arvin." pagpipigil ko sa kanya. Agad siyang lumingon pero bahagyang kumunot ang noo. Nagdalawang isip tuloy ako sa aking sasabihin. Ayokong magsinungaling sa kapatid ko pero umoo na ako kay Louise na sasabihin kong wala na siya kahit nakahiga pa rin siya kama doon sa loob. "Umalis na pala si Louise. Nagmamadali e." Ani ko. Napansin kong halos lumaglag ang panga ni Arvin dahil sa narinig. Nagulat ako sa naging reaksyon niya. Ang kaninang maaliwalas na mukha, ngayon ay parang nagdilim. Para bang nabagsakan ng buwan. 

"Ano?!" pasigaw na tanong niya. 

Gusto kong umangal dahil sa lakas ng boses niya. Sinisigawan niya ba ako? Hindi niya dapat iyon ginagawa dahil kahit saang anggulo ay nakakatandang kapatid niya ako. Dapat ay nirerespeto niya ako. 

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon