Chapter 28 // Luha [ Louise's POV ]

2.1K 82 41
                                    

Chapter 28 : Luha

- Louise's POV -

Hindi ko makuha ang gustong sabihin sa akin ni Tristan about kay Arvin. Hindi kami masyado nagkakasabay ni Arvin sa paguwi dahil sanasabi niya may importante daw siyang pupuntahan. Hindi ko na sinubukang magtanong dahil ayokong isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.

"Betty!" tawag sakin ng isang pamilyar na boses kaya mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Si AJ na naman kasi yun. Ano na naman kayang kailangan niya sa akin? Palagi na lang siyang nagpapapansin. Gabi gabi na rin akong nakakatanggap ng message sa facebook at maya't maya na lang akong nakakareceive ng text galing sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung saan niya nakuha ang number ko.

"Uy, Betty." aniya ng maabutan niya ako. Matangkad siya at malalaki ang mga hakbang kaya madali niya akong nahabol. Ako naman ay sakto lang ang height at talagang mabagal maglakad kahit binibilisan ko na.

"Ikaw pala, AJ. Sige, uwi na ko. Bye!" pagpapaalam ko at agad na sumubok tumakas kaso bigla niyang hinawakan ang bag ko at hinigit ako pabalik. Halos mawalan ako ng balanse sa paghigit niya ng bag ko.

"Teka, ihahatid na kita." sabi pa niya. Kumunot naman agad ang noo ko.

"Hindi mo na ko kailangang ihatid, AJ. Wag kang pasaway." sabi ko.

"Aw, pasaway. Tsk tsk tsk." aniya at napahawak pa sa baba niya. "Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"Oo?" ang nagaalinlangan kong sagot. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Magagalit kaya ang isang to? Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, talagang matigas ang ulo niya at ni mga teachers namin noong grade school ay sinusuway niya. Well, magkatulad sila ni Arvin. Pero ngayon naman ay nagbago na si Arvin. Sa tingin ko ay tumino na siya.

"Well, that will do." sabi niya sabay hawak ng kamay ko.

"Ano??" Naguluhan ako. Hindi ko nakuha ang sinabi niya.

"Sabi mo, pasaway ako. Edi ito. Ngayon, sinusuway na kita." sabi niya habang nilalapit ang kanyang mukha sa akin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Parang hahalikan pa niya ako.

Nabigla ako kaya natapik ko ang bibig niya. Hindi naman yung malakas na tapik. Yung mahina lang. Nagulat siya sa ginawa ko. Kahit ako rin naman. Hindi ko dapat ginawa yun. Ano bang nasa isip ko? Siguro hindi niya talaga ako hahalikan, nagassume lang ako.

"I'm sorry." sambit ko at nagiwas na lang ng tingin. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Hinawakan niya ang kabilang kamay ko na pinantapik ko sa bibig niya kaya ako napatingin sa kanya. Ngumisi muna siya bago niya iyon inilapit sa kanyang labi. Doon niya iyon hinalikan. "Don't do that again, Louise. Lalo akong naiinlove sayo."

Malalim ang mga titig niya kaya nanliit ang mga mata ko. Parang kinokontrol niya ako ngayon. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Naguguluhan na ko.

"AJ, please." sabi ko sabay hila ng kamay kong hawak niya. "Kami ni Arvin. Mahal ko siya at mahal rin niya ko. Siguro naprepressure ka lang dahil magkaaway kayo ngayon. Na parang gusto mong makuha ang lahat ng sa kanya. Na ilayo lahat ng mahalaga sa kanya. Please wag mo kong gamitin."

"Bakit ba ganyan na lang ang tingin niyo sa akin? Do you think I'm using you because I'm mad at him? Hell no, Louise. I'm in love with you!"

"I'm really sorry, AJ." sabi ko habang umiiling. Wala na kong ibang gusto pang sabihin. Sana maunawaan niya ko. Si Arvin talaga ang gusto ko.. noon pa man.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon