Dedicated po ito kay miss rizzamaruja. Sobrang ganda po kasi ng 14 pages. Basahin niyo. Ang ganda! ^_^
Chapter 5 : New look
- Louise's POV -
Nasira ang katahimikan ng classroom namin dahil padabog na binuksan ni Arvin ang pinto ng room namin. Napakunot tuloy ang mga noo ng kaklase ko dahil parang nasira ang concentration nila sa pagaaral. Umaga kasi at may 15 minutes pa kami para makapagreview. May quiz marathon kasi kami mamaya at lahat kami ay desididong makakuha ng mataas na marka.
Bumalik sila sa pagaaral at hindi pinansin ang nagyari. Katulad nila, di ko na rin pinansin at bumalik na rin ako sa aking pagrereview.
Dahil nasa harap ako, napansin kong naglakad papunta sa teacher's table si Arvin. Naglilingon siya na para bang may hinahanap. Sino kayang hinahanap nito. Mukhang hindi sakin ngayon nakatuon ang pansin niya ah. Buti naman. Sa wakas! Laya na ko!
"Nasan si Betty?!" Ang sigaw na tanong niya. Ay, hindi pala. Napatungo ako ng bahagya para hindi niya ako makita. Nagsisigaw lang siya doon at hindi ko na pinansin. Feeling ko kasi may papagawa na naman. Sana hindi niya ko makita para umalis na siya. At para makapagreview na rin ako.
Dahil walang sumasagot sa kanya, paulit ulit siyang nagtanong. Nagulantang ang katahimikan ko nung bigla niyang hampasin ang table.
"NASAN SABI SI BETTY!!"
Lumingon ako sa magkabi lang gilid ko at nakita ko na itinuturo na pala ako ng aking mga katabi. Mas nagulat ako nung makita ko na ang buong klase ay nakaturo na sakin. Hindi pwede ito!!
Dahan dahan kong inangat ang aking mukha para tumingin kay Arvin. Nakita kong nakakunot ang noo niya at parang nagulat siya sa kanyang nakita.
"Andyan ka lang pala."
"Ano bang kailangan mo?!" ang tanong ko.
"Sumunod ka sakin, panget." ang utos niya tapos nagsimula na siyang maglakad. Bwiset. Wala akong nagawa kaya napilitan akong sumunod sa kanya.
"San ba tayo pupunta?" ang tanong ko pero hindi siya sumagot. Napansin ko lang naglalakad kami pataas ng stairs. Feeling ko papunta siya sa rooftop.
Nang makarating na nga kami sa rooftop, umupo siya sa may gilid at ipinikit na ang mga mata. Di ko ba alam kung matutulog ba siya dito o ano.
"Hoy! Ano bang kailangan mo?! Sabihin mo na para matapos agad!" ang pasigaw kong sabi kasi naiinis na talaga. Sa halip na nagrereview ako ngayon, eto ako at nakatayo sa harap niya.
"Ang bungangera mo rin ano. Wag ka ngang maingay. Di ako makatulog." ang reklamo pa niya. Matutulog? Kung matutulog siya, anong gagawin ko dito? Tatayo lang at tititigan siya habang natutulog?
Dahil nakatayo lang ako dito, naisipan kong sipain ng mahina ang paa niya. Agad akong lumayo dahil baka gumati siya at ng mas malakas pa. Pero di siya gumalaw kaya inulit ko pa ulit. At paulit ulit kong sinipa iyon.
"ANO BA!! Bakit ba ang gulo mo!!" ang sabi niya na parang nainis na sa ginawa ko.
"Ikaw ang magulo! Ano ba kasing kailangan mo sakin?! Sabihin mo na nga para magawa ko na!" Bakit kasi ang aga aga, sinira na agad niya ang araw ko. Bwiset.
"Wala!! Umalis ka na nga!!" ang sigaw pa niya. Wala daw?! Parang uminit ang ulo ko nung marinig ko yun. May quiz marathon kaya kami ngayon tapos hindi pa ko nakakapagreview. Tapos papupuntahin niya ko dito para sa wala lang!! Nagmadali na agad akong maglakad para makababa na. Mag titime na rin kasi at baka malate pa ko.
"Teka teka.." ang sabi niya kaya napatigil ako. "New look ba yan?" ang tanong niya. Feeling ko, magsisimula na naman siyang mangaasar.
"Eh ano?!"
"Panget na nga, masungit pa. Tsk. Gusto ko lang namang sabihing mukha kang kamote." KAMOTE? Teka, ano bang itsura ng kamote? . . . . For his information. Ang layo ng kamote sa mukha ko. Inaamin kong hindi ako maganda pero duh! hindi naman ako papayag na mukha akong kamote no!
"Eh ikaw, ang tirik ng buhok mo. Mukha kang pinya!" Nagwalk out na lang ako at nagmadaling pumunta sa room. Hay. Wala akong choice kundi tumakbo. Nasa ground floor kasi ang room namin at ang rooftop naman ay nasa fifth floor.
Sa pagmamadali ko, hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko. Buti nakapagpreno pa ako kaya hindi ako nabangga sa kanya. Pinili kong overtake-an ang lalaki kasi ang bagal niyang maglakad.
"Uy, Louise!" nagulat ako dahil parang boses ni Tristan yun. Lumingon agad ako sa lalaki at nakita ko nga si Tristan. Nakangiti siya sakin kaya ngumiti na rin ako. "Mukhang nagmamadali ka ata." ang dugsong pa niya.
"Ay, O-oo. Late na kasi ako." ang nauutal kong sabi.
"Sabi ko naman sayo, mas bagay sayo ang walang salamin." Parang nagrewind tuloy sa utak ko ang ginawa niya sakin kahapon nung inihatid niya ko sa bahay.
"May nakapagsabi na ba sayo na mas bagay kung hindi ka magsasalamin?" ang tanong niya habang tinatanggal ang salamin ko. Nasa tapat na kami ng bahay namin nun at magpapalam na dapat siya. Hindi ako nakasagot at naramdaman ko na lang na uminit ang mukha ko. Buti na lang at medyo madilim ang paligid kaya hindi naman niya napansin ang pamumula ko.
Well, sa totoo, kinilig talaga ako nung sabihin niya sakin yun. Siya nga ang dahilan kung bakit ako nagcontact lens ngayon. Matagal na kong binili ni mommy ng contact lens pero ni minsan hindi ko ito binalak gamitin. Sa totoo, ayos na ko sa look na may salamin pero nung sabihin yun sakin ni Tristan parang gusto kong itry.
"Ah.. Oo.. si mommy kasi. Hehe" ang palusot ko. Ayoko kasing isipin niya na nagpapaganda ako para mapansin niya. Baka malaman niya pa niya na may gusto ako sa kanya.
"Ah.. Baka marami ng manligaw sayo niyan." ang biro niya kaya nagulat ako. Manligaw naman agad? Feeling ko wala rin.
"Naman? Joke ba yun. Hehe. Imposible naman. Di naman ako maganda tulad ng iba diyan."
"Maganda ka kaya." ang nakangiti niyang sabi sakin. Parang naramdaman kong uminit na ulit ang mukha ko. Sabihan ka ba naman ng crush mo na maganda ka! Syempre, kinikilig ako no! At siya rin kasi ang unang taong nagsabi nun sakin. Syempre bukod naman sa mommy ko no! Hindi counted yun.
"Ah.. Eh.. Una na ko. Late na rin kasi ako eh. Bye!" ang pagpapaalam ko at hindi na ko tumingin sa kanya. Ayokong makita niyang nagblublush ako. Sobrang nakakahiya!
"Totoo bang maganda ako?" ang tanong ko sa salamin sa harap ko. Kakarating ko lang sa bahay at dumiretso na agad ako sa kwarto para humarap sa salamin. Tiningnan ang bawat anggulo ng mukha ko. At wala naman masyadong napansin.
Lumayo ako ng konti para makita ang buo kong katawan. Siguro pumayat nga ako. Talagang nagpapayat kasi ako dahil sawa na rin akong matawag na "taba". Inilapit ko muli ang mukha ko sa salamin. Medyo natatanggal na rin ang mga pimples ko. Medyo may konti na lang.
Bigla kong naramdaman na nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko agad iyon para makita kung sinong nagtext. Si Arvintot lang pala. Binuksan ko to at binasa ang message.
From: Arvintot
Gusto kong makitang suot mo ang salamin mo bukas! Kung hindi, LAGOT KA SAKIN!!
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".