Chapter 41 // Ama [ Fred's POV ]

1.7K 61 12
                                    

Frederick or Fred po ang pangalan ng Daddy ni Louise. :)

------------------------------------------

Chapter 41 : Ama

- Fred's POV -

Magsi six pa lang ng umaga at kakarating ko pa lang dito sa Pilipinas. Paglapag na paglapag pa lang ng eroplano sa airport ay napagpasyahan ko ng dumiretso agad dito sa ospital. Dala dala ko pa dito ang mga maleta at mga pasalubong. Hindi ko na inisip dumiretso sa bahay dahil alam kong nandito ang magina ko.

Ngayon ay nakaupo lang ako sa tabi ng kama ng anak kong si Louise at hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin ngayong andito na ako.

Marahan kong pinadaanan ng aking kamay ang kanyang matamlay na mukha. Ibang iba na ang itsura niya. Sa natatandaan ko, noong umalis ako sa Pilipinas ay malusog pa ang pangangatawan ng anak ko. Bata pa siya noon at talagang masiglahin pa. Ngayon sa nakikita ko ay hindi mo na alam kung saan napunta ang masayahing batang iyon.

Tumungo ako at hindi ko maiwasang hindi malungkot.

"Fred, bibili muna ako ng pagkain para makakain ka na." ani ng asawa kong si Cassy. Hinawakan niya ang balikat ko kaya ko ibinaling ang aking tingin sa kanya. "Alam kong pagod ka sa byahe. Pwede kang tumulog doon sa sofa para makapagpahinga ka." dagdag pa niya.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan iyon. "Salamat, Cassy." sagot ko.

Napakabait talaga ng asawa ko. Sa loob ng maraming taon na pagtratrabaho ko sa ibang bansa ay hindi pa rin nagbabago ang asawa ko. Nagsisisi ako na kinailangan ko pang magtrabaho ng matagal sa ibang bansa. Sa totoo ay ayaw kong mapahiwalay sa kanila. Kapagnalulungkot ako ay iniisip ko na lamang na para sa ikabubuti nila ito. Pero ngayon ay parang hindi ko na gugustuhin pang bumalik doon. Parang gusto ko na lamang alagaan ang magina ko. Gusto kong bawiin lahat ng taon na hindi ko sila kasama. Gusto kong maging isang mabuting ama at asawa.

Noong malaman ni Cassy ang sakit ni Louise ay itinawag niya agad iyon sa akin. Ang sabi niya pa ay pumayag daw si Louise na magpagamot sa America. Pero kanina lang ay nabanggit niya sa akin na bigla daw nagbago ang isip ni Louise at hindi na daw ito pupunta sa America. Walang naman daw sinasabi ang anak naman kung anong dahilan.

Maya maya ay biglang nagbukas ang pinto. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang wala pang limang minuto mula ng umalis itong si Cassy.

"Cassy, ang bilis mo naman atang nakabili ng pagkain." ani ko pero paglingon ko ay isang binata ang nakita ko. Kung hindi ako nagkakamali, ito ay kababata ni Louise.

Hindi maitatago sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako dahil sa panlalaki ng kanyang mga mata. Para pa siyang naistatwa sa kanyang tayo. Bahagyang napakunot ang noo ko. Lumikot ang kanyang mga mata na para bang hindi mapakali.

Ilang saglit ay ako naman ang nagulat dahil sa bigla niyang pagyugo. "Tito! Arvin Yago po, kaibigan ni Louise." aniya. Hindi ako nagsalita kaya dahan dahan siyang umayos ng tayo. "Nakarating na po pala kayo. Ang sabi ni Tita Cassy, limang araw pa kayo bago makauwi kaya akala ko po sa isang araw pa kayo dadating." dagdag pa niya.

Bahagya akong napangiwi dahil sa halip sa akin ay sa nakahiga kong anak siya panandaliang tumingin. Dahil doon ay ibinaling ko na rin ang aking tinging sa anak ko. Baka mamaya ay gising na pala siya. Nang makita kong masarap pa ang tulog niya ay tumingin na ako sa binata.

"May relasyon ba kayo ng anak ko?" diretso kong tanong. Napansin ko naman agad na nanlaki muli ang mga mata niya.

"P-o??" medyo nauutal pa niyang sagot.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon