Hello! De-dedicate ko po ito kay theusernameisperfect dahil sa paggagawa niya ng bagong book cover ng RMB. Ang ganda po. Thank you! :**
Chapter 6 : Homework
- Arvin's POV -
Betty calling..
"Huy, Yago! Ano ba yan? Kanina pa! Bakit ayaw mong sagutin?"
"Hayaan mo siya!" ang sagot ko kay Steve. Sa totoo, wala akong pakialam kahit ilang beses pa tumawag yang si Betty. Wala ako sa mood makipagusap lalo na sa kanya.
Nakita ko ba naman siya kanina. Walang suot na salamin. Eh tinext ko na sa kanya kahapon na magsuot ng salamin. Tapos di niya susundin! Peste! Dapat ata mas tinatakot ko pa.
"Oh? Saan ka naman pupunta?" Tanong naman sakin ni AJ. Sa totoo, di ko rin alam. Basta tumayo lang ako at parang gusto kong maglakad lakad. Kahit saan basta hindi ko makikita yung Betty na yon.
"Kahit saan." sagot ko tapos umalis na rin agad.
"Maganda ka kaya." Nagpaulit ulit sakin ang sinabi ni Tristan kay Betty kahapon. Tama. Sakto kasing pupunta na rin akong classroom nun. Di ko naman inaasahang madadatnan ko sila doon. Malas! Tapos narinig ko pang sinabi ni Tristan na maganda si Betty? Talaga lang ha?! Baka lumalabo na ang mata niya.
Mas nainis ako dahil napansin kong parang namula ang mukha ni Betty. Mukhang kinikilig ata. Tsk! Napakafeeler naman niya. Sa tingin niya, gusto siya ng pinsan ko. In her dreams!!
Sinipa ko malakas ang batong nakita ko sa daan. Medyo naaasar kasi ako. Hindi ko naman alam kung bakit.
"Aray!" ang narinig kong sigaw ng isang babae na parang natamaan ng sinipa kong bato. Paharang harang kasi. Nakaupo siya sa may tabi ng puno habang hawak hawak ang kanyang cellphone. Nagtetext ata.
Lumingon sakin ang babae at nagulat ako na si Betty pala yun.
"Hoy Arvin!" ang sigaw niya habang nagmamadaling tumayo. "Akala ko ba magkikita tayo ngayon. Yun kaya ang text mo kanina tapos biglang hindi mo ko sisiputin. Kanina pa kaya kitang tinatawagan. Bakit hindi mo sinasagot!! Ha! Hoy! Naririnig mo ba ko? Bakit nakatulala ka lang diyan!"
That caught me. Anong sinasabi niyang nakatulala? Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya. Sinong nakatulala? Tsk! Napakabunganera talaga nitong babaeng to. Naiinis lang ako kaya hindi ko siya sinipot.
"Yung homework ko? Asan na?" tanong ko sa kanya. Siya kasi pinaggawa ko nun kaya dapat iaabot niya sakin ngayon. Math kasi yun at hindi naman ako magaling dun. Oy! Hindi sa matalino si Betty. Hindi siya matalino no! Sa totoo nga, yun lang Math ang kaya ng utak niya.
"Oh ito na!!" sabay bigay sakin ng papel. "Nakakabwiset! Gutom na gutom na ko tapos ngayon pipila pa ko. Buti ikaw, basta ka na lang sisingit kung saan mo gusto! Eh ako?! Pipila pa ako ng isang oras para makakain. Bwiset talaga!"
"Grabe!! Grabe ka makatalak! Nakalunok ka ba ng megaphone?! Diyan ka na nga!"
"Hoy teka! Tungkol nga pala sa text mo kahapon.." napatigil ako dahil sa sinabi niya. Oo nga pala. Hindi nga pala niya sinunod yung utos ko. Lagot ka sakin!
Humarap ako sa kanya at gumawa ng nakakatakot na tingin, as always. Hinawakan ko ang braso niya at diniinan pa para mas matakot siya.
"Di ba sabi ko, MAGSALAMIN KA?! NASAN NA ANG SALAMIN MO?!"
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".