Chapter 32 : Manloloko
- AJ's POV -
"Sh*t, AJ! Ano bang ginawa mo?" sabi ko sa sarili ko.
Nakaalis na si Monique at hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Bakit ba naman kasi napakabobo ko? Bakit ba naman kasi inassume ko agad na alam na ni Monique ang sakit ni Louise nang sabihin niyang binibisita niya ito dito.
Gago ka, AJ! Mapapasama ka niyan kay Louise. Paano ka pupuntos niyan?
Kinuha ko ang bear at dumiretso na sa kwarto ni Louise. Saka ko lang naalala na hindi nga pala pumayag si Louise na tumanggap ng kahit sinong bisita. Mga close relatives lang ang pwedeng dumalaw sa kaniya dahil alam na nila ang tungkol sa sakit niya. At syempre ako dahil ako pa lang naman ang napagsasabihan niya.
Kumatok ako bago binuksan ang pinto. Wala akong naabutang ibang bisita kaya naisipan kong magstay ng mas matagal.
"Louise, may dala akong prutas at bulaklak." ani ko habang inaayos ang mga dala ko.
"Maraming salamat, AJ. Nagabala ka pa." sabi naman niya. Saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti bago muling ibinalik ang mata sa kanyang cellphone. Parang may itinatype siya. Makatext ata. Sino naman kaya yun?
"Dinalan din kita ng bear para mas bumilis ang paggaling mo."
Lumapit ako sa kama niya para ilagay ang bear. Napansin kong seryosong seryoso si Louise sa kanayng tinatype sa phone kaya bahagya akong napasilip. Hindi ko lang makita ng ayos dahil medyo dim ang ilaw ng phone niya. Di ko mabasa. Lumalabo na ata ang mga mata ko.
"Ah, sorry, AJ." aniya na parang natauhan. "May sinasabi ka ba? Sorry, medyo distracted lang."
"Mukhang importante ang katext mo a."
"Ah, hindi naman. may sinasabi ka ba kanina?" tanong niya.
Bahagyang kumunot ang noo ko habang iniisip kung may sinabi nga ba ako. Parang wala naman. Oh, sh*t kailangan ko nga palang sabihin sa kaniya na alam na ni Monique ang sakit niya. Patay ako nito. Baka hindi na niya ako payagang bumisita dito.
"Wala naman ata. Pero may gusto akong sabihin... about kay Monique." tahimik lang siya habang inaantay ang mga saasbihin ko. Kinabahan tuloy ako. Grabe! Mahaheart attack ata ako nito. Buti na lang nasa ospital ako. Madaling madadala sa emergency room. "Kasi.. ano.. paano ko ba sasabihin ito?" tanong ko sa sarili ko.
"Basta sabihin mo lang, AJ." aniya.
"Baka magalit ka. Natatakot ako sayo, Louise." humalakhak siya sa pagamin ko. Oo, natatakot talaga ako sa kanya. Simula ng nagustuhan ko siya. Ayaw ko ng magagalit siya sa akin.
"Hindi ako magagalit. Promise." sagot niya at nagtaas pa siya ng kamay, simbolo na nangangako siya.
"Okay, ito na.." huminga ako ng malalim bago mabilisang nagsalita. "Kasi nadulas ako at hindi ko inaasahang masabi kay Monique na may sakit ka. Akala ko alam niya pero hindi pala. Nagkamali ako. Naipit din ako kaya nasabi kong may Leukemia ka. I'm sorry, Louise. I'm sorry. Di ako nagiisip. Wag ka magalit. Please!" Parang gusto ko ng lumuhod sa pagkakamali ko. Bobo ko kasi. Kainis.
Hindi siya nagsalita kaya kinabahan ako ng todo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Galit ba siya? Tahimik lang siya at seryosong nakatingin sa akin. Walang reaksyon at sa tingin ko ay kinikimkim lang niya ang lahat ng galit niya sa loob loob niya at maya maya ay sasabog na siya. Lagot ako nito.
BINABASA MO ANG
My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)
Teen Fiction[: c o m p l e t e d // BOOK 1 of The Bully Series :] From "Revenge on Mr. Bully", I change the title to "My Bully and I".