Chapter 29 // Anak [ Cassandra's POV ]

1.9K 68 26
                                    

Si Cassandra po ay ang mommy ni Louise. :)

--------------------------------------------

Chapter 29 : Anak

- Cassandra's POV -

Busy ako sa trabaho nang tawagin ako ni Jamie, isa sa mga empleyado dito sa companyang pinagtratrabahuhan ko.

"Ma'am Cassy, may tawag po sa inyo. Kaibigan daw po ng anak niyo." aniya. 

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi dahil may tumawag sa akin sa opisina pero dahil tumawag ang 'kaibigan' ng anak ko. Natuwa ako dahil nalaman kong may kaibigan pala ang anak ko. Wala naman kasi siyang naikwekwento o nababanggit sa akin.

Kinuha ko ang telepono at itinapat ito sa aking tenga. "Hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"Good afternoon po. Ito na po ba ang mommy ni Louise?" bahagyang napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ng isang lalaki. Hindi ko naman inaasahang lalaki pala ang kaibigan ng anak ko.

"Yes, ito nga. Sino to?" medyo nagaalala kong tanong.

"Si AJ po ito. Kaibigan ng anak niyo. Sasabihin ko lang na andito sa ospital si Louise. Nawalan kasi siya ng malay."

Halos mataranta ako ng marinig ang nangyari sa anak ko. Agad kong tinanong kung saang ospital niya dinala ang anak ko para makapunta na ako agad. Hindi pa tapos ang trabaho ko pero nagpaalam na agad ako dahil hindi ko makakayanang magtrabaho dito ng hindi nakikitang maayos ang kalagayan ng anak ko. Ganoon ko siya kamahal.

Nang makarating ako sa nasabing ospital, dumiretso agad ako sa may nurse station para magtanong kung saan dinala ang anak ko. Itinuro naman agad nila ang direksyon. Kumaripas ako ng takbo at hinanap ang nasabing kwarto. Binuksan ko ang pinto at naabutan ang isang lalaking matiyagang nagbabantay kay Louise. Lumuwag ang pakiramdam ko ng makitang okay naman siya.

Lumapit agad ako kay Louise at hinawakan ang kanyang kamay.

Nilingon ko ang lalaking nakaupo sa may gilid. "Salamat sa pagtawag agad sa akin, hijo."

"Wala po yun." sabi ng lalaki habang tumatayo. Humarap siya sa akin. "Mas maganda po atang kausapin niyo muna ang doktor para malaman ang kanyang kalagayan." aniya.

Mukhang tama nga ang sinabi niya. Hiniling kong bantayan niya muna ang anak ko habang wala pa ako. Pumayag naman siya kaya maluwag akong nakaalis sa silid niya.

Nagtanong ako kung saan ko makikita si Dr. Porter, ang nasabing doktor ng anak ko.

"Ay naku, ma'am, paalis na po si Dr. Porter. Tingnan niyo po sa may lounge baka mahabol niyo pa." sabi ng nurse na pinagtatanungan ko.

"Ah. Sige salamat." tumakbo ako papuntang lounge at naabutan ang napakaraming tao. Ni hindi ko alam kung saan ko mahahanap si Dr. Porter. Hindi ko siya kilala at wala akong ideya sa itsura niya. Mukhang mahihirapan akong maghanap sa kanya.

"Ma'am!" sigaw ng nurse kaya napalingon agad ako sa kanya. "Ayun po si Dr. Porter." aniya sabay turo sa naka black polo shirt na matipunong nakatayo sa may gilid ng pinto na parang may inaantay.

"Naku, salamat ulit." sabi ko sabay takbo papunta sa doktor.

"Excuse me, doc. Ako po yung mommy ni Louise Silva. Pwede ko po bang itanong kung anung kalagayan ng anak ko?" tanong ko.

Tumingin siya sa may relo niya at sakto naman na may dumating na isang babaeng mukhang doktor din.

"Let's go hon?" masayang tanong ng babae. 

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon