Chapter 46 // Louise

2.5K 60 29
                                    

Guys, I want to apologize dahil now lang ako nakapag update. Di ako makapagupdate sa laptop kaya phone lang ang gamit ko ngayon. :(

So, this is the last chapter. Huhu. Kailangan na nating magba bye kina Arvin at Louise. Di ko alam kung magugustuhan niyo ang chapter na ito pero sana kahit paano matanggap niyo ang ending. Hehe.

Btw, I will be using third person point of view. :)

And basahin po ng maayos dahil magulo ang ending.

Chapter 46 : Louise

- Author's POV -

"Arvin! Arvin!!" paulit ulit na sigaw ng hindi magkamaliw na si Lily.

"H- indi ako ma-kahing-a." putol putol na sambit ni Arvin habang hawak hawak ang kanyang dibdib. Waring nagsisikip ito.

"Arvin!" halos manlaki na ang mata ni Lily. Hindi na niya alam ang gagawin. Tuliro na siya at hindi makapagisip ng ayos. "Help! Please! Somebody help us!!" yun na lang ang tanging naisigaw niya habang unti unting bumuhos ang mga luha niya sa kanyang magkabilang pisngi.

"I- m s-orry.." ani Arvin. "Lo-"

"Arvin, hold on.. Please." ani Lily ngunit hindi na nagsalita si Arvin. Bumaha na ang mga luha niya habang niyayakap ang binata.

"Ang bungangera mo rin ano. Wag ka ngang maingay. Di ako makatulog." -Arvin
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin?! Sabihin mo na nga para magawa ko na!" - Louise

"Panget na nga, masungit pa. Tsk. Gusto ko lang namang sabihing mukha kang kamote." - Arvin
"Eh ikaw, ang tirik ng buhok mo. Mukha kang pinya!" - Louise

"Dahil di mo ko sinunod, parurusahan kita.." - Arvin

"Sorry.. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman inaasahang sayo tatama yung sinipa kong bato." - Louise

"Wala na kong ipagagawa sayo. Uwi na ko." - Arvin

"Nung magkalapit kasi ang mga mukha namin, parang gustong kumawala ng puso ko dito sa dibdib ko. Tapos parang gusto ko na siyang halikan. Ewan! Naguguluhan nga ako." - Arvin

"Kung iniisip mo na gusto kita, mali ang iniisip mo, hindi kita gusto. At kahit kailan, hindi kita magugustuhan." - Arvin

"Bakit naman ako magkakagusto sa kanya? Gwapo ba siya? Matalino? Mayaman? Ano ang dahilan para magustuhan ko siya? Wala naman di ba?" - Louise

"Sabihin mo nga. Ganyan ka ba kataray sa lahat ng lalaki?" - Arvin
"Hindi!! Kasi sayo lang ako nagtataray!!" - Louise

"Special treatment ba?" - Arvin
"Hindi ka espesyal kaya bakit naman magiging espesyal ang pagtrato sayo? Hello? Hari ka ba? Sa totoo lang?" -Louise

Tumulo ang mga luha niya. Pinahid niya ito pero nanatiling nakapikit ang kanyang mata. Hindi niya ito matanggap. Ramdam na ramdam niya ang sakit. Parang tinutusok ang kanyang puso.

"Kahit siguro ilang beses pa ako mamatay at kahit ilang beses pa ako mabuhay, kahit saang planeta pa man ako magpunta, ikaw lang Louise. Ikaw lang ang mamahalin ko. Mahal na mahal kiya." iyon ang tanging nasabi ni Arvin. Bakas ang mga ngiti sa kanyang mukha. Parang wala na siyang hahanapin pang iba. Tunay ang kanyang pagmamahal.

"May sinasabi ka ba?"

"Sabi ko, mahal na mahal ko si Louise." ulit niya sabay bukas ng kanyang mga mata.

Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang tumambad sa harap niya ang isang pamilyar na babae.

Hindi siya nakagalaw. Waring huminto ang oras. Dahan dahan niyang inikot ang kanyang mga mata sa paligid at napagalaman niyang nasa isang pamilyar na lugar siya. Sa isang coffee shop na hindi kalayuan sa kanilang bahay.

My Bully and I (Revenge On Mr. Bully)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon