Chapter 1

9 1 0
                                    


"Aaron, sa'yo ko ipinagkatiwala ang aking anak. Bantayan mo siya ng maayos" maawtoridad na bilin ni Uncle Caesar at tinapik ang pinsan ko sa balikat. I really hate to be called 'Aaron', pero sanay na si Uncle kaya wala na akong magagawa.

"Opo Uncle"

"Ingatan mo ang sarili mo, anak"

Yumuko lang siya.

"Opo pa" malamig niyang tugon ngunit naroon parin ang respeto.

Napangiti ako, unti-unti nang gumagaan ang loob ni Saint sa kanyang ama. Kahit naman gaano kasakit yung nakaraan, hindi na ito mapapalitan ng galit; maghihilom lamang ang sakit sa pamamagitan ng pagpapatawad. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil hindi ko naranasan na iwan ng ama.

Lumapit si Pruk sa amin.

"Ahh, excuse me po Tito, pwede ko po bang makausap si Saint ng ilang sandali?"

"Sige"

At umalis ang dalawa. Naiwan kaming dalawa ni Uncle. Medyo awkward para sa akin ang magsalita, presko pa kasi sa isip ko ang nangyari nung birthday ni Saint.

"Ehem" tumikhim siya dahilan para naging alerto ako sa susunod niyang sabihin. "Nung mga araw ba na kasama mo ang anak ko, hinahanap niya ba ako?"

Nag-angat ako ng tingin at tumango nalang.

"Ganun ba" pansin ko na medyo may guilt sa boses niya. "Marami nga ang naging pagkukulang ko sa kanila bilang ama"

Gusto kong sabihin sa kanya na 'tama po kayo Uncle' ngunit kabastusan yun.

"Nung panahong sinunog ang mall na pinagmamay-ari namin, parang gumuho ang mundo ko—hindi lang dahil mahalaga sakin ang negosyo kundi yun lang din ang tanging bumubuhay sa pamilya ko, bukod don ay wala na akong ibang pinagkakakitaan," nagsimula na nga siyang magkwento kahit hindi naman ako nagtanong. Feeling ko, gusto lang niya na maikwento ko ito kay Saint or baka ako lang talaga ang masasabihan niya.

"Naireport namin iyon sa mga pulis ngunit walang nangyari pagkatapos ng imbestigasyon. Hindi ko na alam ang gagawin nang nagsimula na kaming naghirap. Wala ni isa man sa mga ina-apply-an ko ang naghire sa akin. Gabi-gabi akong di makatulong hanggang sa nalunod ako sa depresyon. Para akong mabubuang, balak kong magpatiwakal ngunit ayokong makita ng mga anak at sisisihin nila ang sarili dahil sa akin kaya umalis nalang ako"

Parang ayaw magregister lahat ng iyon sa utak ko—sobrang hirap pala ng naranasan ni Uncle.

"Akala ko matatapos lahat ng paghihirap ko kapag tatalon ako sa Hanging Bridge, pero sadyang hindi ko pa talaga panahon para mamatay dahil may sumagip sa akin matapos akong nakahawak ng kuryente at naghingalo. Sa kasamaang palad, natrauma nga ako dulot ng pagkakuryente at hindi na nakauwi. Nakibalita sila tungkol sa pamilya ko ngunit, hindi na nila ito natagpuan sa tirahan namin. Hindi ko iyon natanggap at nadepress na naman ako."

Hindi ako nagsalita. Nabigla ako nang  tumawa siya nang mahina. Weird.

"Pasensya na, alam kong hindi mo inaasahan ito"

"Ayos lang po iyon Uncle, besides, alam kong sobrang bigat na nyang dinadala mo"

Ngumiti siya dahil sa sinabi ko, pakiramdam ko tuloy sobrang laki na ng naitulong ko.

"Salamat Aaron"

"No problem Uncle"

Sabay kaming napalingon nang nakarinig ng mga yabag. Tiningnan ko lang si Saint na parang nag-blush ata.

Hmmm...ano kayang napag-usapan ng dalawang to'

"Sige, Aaron, aalis na kami baka nainip na iyong si Chan"

I just waved my left hand.

"Sige po Uncle, bye"

Tipid siyang ngumiti at tumalikod na. Saglit  na ngumiti si Pruk sa akin at sobrang tamis ng ngiti nang bumaling na kay Saint.

Tsk, tsk... this lovers

Napangisi ako dahil sa kakornihan nila. Ganito rin ako noon nong nagkamali ako ng taong minahal.

Tsk, hindi ko naman talaga alam na scammer pala ang kahog na yon. Kung alam ko lang, edi sana pinabugbog ko na siya sa mga kapitbahay naming barako, joke. Simula ng pagkakamaling iyon, namulat ako sa katotohanan. Ayoko nang magmahal, ayoko nang magtiwala.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon