Chapter 32

0 0 0
                                        


"Magandang umaga po" bati ni Krim kay papa pagpasok niya. Buti nalang nakaligo na ako agad bago paman siya dumating.

"Magandang umaga rin iho" sabi ni papa at bumaling sakin. "Kumain ka na anak, isama mo na rin ang kaibigan mo"

"Sige pa"

"No need na po Tito" pagtanggi niya pero pinandilatan ko siya ng mata. "Hehe, sige nalang po, mukhang magagalit po ang anak niyo eh" bawi niya at natawa si papa.

Lumabas si Saint mula sa kanyang kwarto at sunod naman si Joshua. Masaya ako ngayong okay na sila.

"Hi kuya!" bati ni Joshua sa kanya.

"Hello" magiliw niyang tugon dahilan para manibago ako. Hindi siya ganito dati eh. Taka naman siyang tiningnan ni Saint.

Tumalikod na ako papuntang kusina. Sumunod naman sila. Nanlaki ang mga mata ko nang kinurot niya ako sa pisngi.

"Ang kulit mo rin" bulong niya at umiwas naman ako ng tingin.

"Yieeeeee!" tukso ng dalawa at huminto nang pumasok si papa. Tumingin pa ito kay Krim at ngumiti. Kabado naman akong umupo sa tabi ng aking kaibigan.

----------

"Tingnan niyo" inilabas ni Kris ang cellphone at pinakita sa amin ang bagong post ng page tungkol samin. Tiningnan ko lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad, ganun din si Krim. "Hmmm, hindi ba kayo maiinis?" taka niyang tanong.

"Why would we?" tugon ni Krim.

"Hmmmm" may bahid ng pagdududa ang kanyang tinig.

"Don't get it wrong," depensa ko. "Sa tagal tagal ng issue na yan, nasasanay na ako"

"Agad?"

"Anong agad?" kunot-noo kong tanong.

"Ang bilis niyo namang nasanay" biro niya at nagtinginan sila ni Saint.

"Hmmmm" Saint hummed.

"Alam mo, bad influence ka talaga sa pinsan ko"

"Hindi ah! Saint," siniko niya ito. "Bad influence daw ako sayo?"

"Hindi naman" tugon nito sa kanya.

"Let's go" hinila ni Krim ang kamay ko dahilan para napalapit ako sa kanya.

LUB...DUB...LUB...DUB...DUB...

Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Parang nag slow motion ang paligid at mas lalo akong natigilan nang lumingon siya sakin at ngumiti. Lumitaw ang kanyang biloy.

"Are you okay?" natauhan ako nang humarap siya sakin at hinipo niya ang leeg ko.

"Bye!" iniwan kami nung dalawa.

"O-Okay lang naman ako, bakit?" sinikap kong wag mautal. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Siguro, nagugulat lang ako sa pagbabago ng pakikitungo niya sa akin.

"You look pale" aniya.

"Ikaw rin naman eh"

"What?"

"Ang putla mo rin" tinitigan ko ang mukha niya at napalunok nang napagtantong nasa hallway pala kami. Tumingin ako sa paligid at nakitang pinagtitinginan pala kami. "T-Tara na" hinatak ko siya paalis roon.

Paniguradong may bago na naman kaming picture sa school page mamaya.

"Good morning" saktong papasok na kami sa classroom ay nakasalubong namin si Clovis. Ngumiti ako bilang tugon.

Pagpasok namin at pinagtitinginan kami ng mga kaklase. Hindi ko sila pinansin.

"Here" nilapag niya sa kamay ng upuan ko ang isang box ng chocolate.

"..."

"Galing yan sa Tita ko, marami siyang binigay kaya naglaan ako para sayo"

"Wow, ang sweet naman" tukso ng kaklase ko. Tumayo naman yung iba para silipin ang binigay ni Krim. Nang nakita nila ito ay tumili sila ng malakas.

"Ang sweeetttt!"

"Sanaol!"

"Pahingi isaaa!"

"Ahhhhhhh!"

Napailing nalng ako at mabilis itong itinago. Nilingon ko si Krim na sobrang lawak ng ngiti.

"Tsk! Sinadya mo ba to?"

Kumunot ang noo niya. "What? No!"

Dinuro ko siya sa mukha. "Sabi mo yan ah?"

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon