Tinanaw ko muna ang paligid bago tuluyang pumasok. Dala namin ni Saint ang mga gamit namin, sarado pa kasi ang bahay. Medyo may kalakihan na ang bahay namin, nag-improve dahil sa dalawa kong ate. Dahan-dahan kong inilagay sa paanan ng pintuan ang mga gamit, pagkatapos ay dinukot ko sa bulsa ang spare key at binuksan ang pinto.
"Kawawa naman tong bahay niyo Bibiko, maganda pero laging walang tao" napailing na sabi ni Saint.
"Yun na nga eh, pumupunta kasi si mama sa mga apo niya. Si papa naman patuloy parin sa pamamasada" tinulak ko ang pinto at binuhat ang mga gamit papasok, tumulong naman si Saint. "Mas mabuti nga kung ganito, para walang disturbo pag nagstart na yung klase natin"
"Haha, mmm, oo nga no?"
"Diyan ang kwarto mo," turo ko sa dating kwarto ng pangalawa kong ate. "Nilinis ko na yan, hehe"
Ngumiti siya at tumango. "Mmm, salamat Bibiko"
"Nah, bawal ang hiya-hiya dito," natawa ako. "Wag kang magpasalamat pag di pa tapos ang tulong , baka sa susunod ay hindi na iyon mauulit" dagdag ko pa.
Ngumuso siya.
"Tsaka sa college, di ka makaka-survive kung magpapadala ka sa hiya"
"Ganun ba yun?"
"Oo, sige, iwan muna kita rito ah? Aayusin ko muna to" isinenyas ko ang mga gamit ko na nakalapag sa sahig.
"Okay" aniya at hinila ang mga gamit papunta don sa kwarto. Tumalikod na ako at nagsimulang nag-ayos.
----
Dumating si mama kasama ang bayaw ni ate na binatilyo. Umupo sila sa sofa at inilapag sa sahig ang mga nabiling groceries.
Tsk, tsk, what a bountiful harvest
"Ae, ipagtimpla mo nga kami ng kape" utos ni mama. Yung kasama niya ay pawang wala namang pakialam at nasa cellphone lang ang atensyon. Hindi ako umimik at sinunod lang ang utos niya. Pagbalik ko, nakita ko si Saint na kakalabas lang.
"Oh hija, nandyan ka lang pala sa kwarto, lika samahan mo kami" natutuwang anyaya ni mama. Nag-angat naman ng tingin yung kasama niya at halatang nagulat sa presensya ng pinsan ko.
"Pasensya na po tita, hindi po ako lumabas kasi inaayos ko pa po yung mga gamit ko"
"Naku, ayos lang yon"
Napailing nalang ako at inilapag ang kape sa lamesita na nasa gitna. Tapos muli akong umalis para magtimpla ng kape para kay Saint, mainit na tubig lang yung sakin—di kasi ako umiinom ng kape.
"Kumusta si ate?" tanong ni mama patungkol kay Auntie Meli.
"Okay naman po" tipid na sagot ni Saint. Napansin ko yung binatilyo na sumulyap sa kanya, napailing nalang ako.
"Mabuti naman, balita ko ay bumalik na si Caesar?" tanong ni mama at nailang naman si Saint.
"Ma" sita ko pero hindi ako pinansin.
"Opo, maayos lang din po sila" nahahalata ko sa boses ni Saint na pinipilit niyang maging masigla. Inis kong tiningnan si mama dahil sa pagiging insensitive niya. Nilingon niya ang kasama at hinawakan ito sa balikat.
"Siyanga pala, eto si Joshua, bayaw ng ate Alice mo" ngumiti yung Joshua. Well, kilala ko na yan pero hindi ako close kay ate kaya hindi ko siya madalas na napapansin. Kaswal na ngumiti si Saint.
"Hello ate" masiglang bati niya sa pinsan ko.
"Hi" tugon ni Saint.
"Ano nga iyong kukunin mo sa kolehiyo?" tanong ulit ni mama.
"Psychology po"
"Hmmm, hindi ko pa narinig yan ah? Bagong kurso ba yan? Pagti-titser, police, at nars lang kasi ang pamilyar sakin" takang sabi ni mama.
"Opo"
Tsk, napailing nalang ako sa isip ko.
"Ahh Tita, aalis na po ako" tumayo si Joshua at nagmano sa kanya. Nakangiting tumango si mama.
"Sige, mag-ingat ka, at salamat sa paghatid"
"Hehe, walang anuman po. Salamat po sa kape, kuya Ae!" pahabol niya pa bago tuluyang umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Kwentuhan mo naman ako hija" eksayted na sabi ni mama. Natawa si Saint.
"Hehe, automatic po yon"
"Hayy, na-miss talaga kita, matagal na rin kasi kayong di bumibisita rito. Nung pumunta si ate ay hindi ka naman isinama"
"Haha, busy po kasi ako nun"
Tumayo na ako dahil out of place ako sa topic nila. Niligpit ko ang mga mug at hinugasan. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto at nag patugtog ng musika sa pamamagitan ng bluetooth speaker na nasa study table.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomansPamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...