Chapter 26

0 0 0
                                    


Ang sarap ng tulog ko after hearing those comforting words. I'm so lucky for having Saint. Hihiga sana ulit ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. 

I lay my love on you, It's all I wanna do, Everything I breath I feel brand new—

"Yo!" masigla kong sagot kay Krim.

"You sound happy today? What's up?" natatawa niyang tanong.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Well, I just feel okay after being comforted"

"By whom?"

Sasabihin ko ba?

"By Saint"

"Tsk, it must've been better if you talked to me" dismayado niyang sabi. What's with him?

"May problema ka, ayokong dumagdag pa"

"Why not? It's just a small problem"

Eto na naman siya.

"Okay ka na ba?" pag-iiba ko ng usapan at narinig ko siyang bumuntong-hininga. Huhulaan ko, nakasimangot na naman siya.

"Yeah, and I'm just here" pagkasabi niya ay nanlaki ang mga mata ko at sumilip sa bintana. Pero wala siya roon.

Ano bang trip niya?

"Nasan?" tanong ko at humalakhak siya.

"We're neighbors" what?! Sumilip ako para alamin kung saang banda siya nakatira.

"Saan ba?" tanong ko ulit habang sumisilip.

"Wait..." sabi niya at...Nakita kong bumukas ang bintana nung bahay na katapat lang pala namin. What the! Paano siya napunta diyan? I mean, ba't hindi ko siya nakita?

"Paanong hindi kita nakita?" taka kong tanong. He chuckled.

"Nasa loob ka kasi" kumaway siya mula sa bintana. "Come here" utos niya.

"Tsk! Bakit?" kunot-noo kong tanong.

"Nothing, I just want you to come" binaba niya na ang tawag. Inilagay ko ang cellphone ko sa cabinet, sinuot ang hoodie at bumaba.

"Oh bunso, saan ka pupunta?" tanong ni ate habang kumakain ng chips. Nasa tabi niya ang kasintahan na agad na ngumiti sakin at ginantihan ko rin.

"Sa kaibigan ko lang po" hindi ko na hinintay pa ang tugon niya at nagmamadaling umalis papunta sa bagong kapitbahay.

"Ae!" pahabol nila pero huli na dahil nasa labas na ako ng bahay ni Krim. Hindi pa man ako kumatok ay bumukas agad ang pinto. Bumungad sa paningin ko ang presko niyang ngiti.

"You're fast" nakangiti niyang sabi na animo'y nang-aasar. I rolled my eyes.

"Let me in"

Ikinumpas niya ang kamay at agad naman akong pumasok. Namangha ako habang nilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Ang mesa't upuan ay maayos na nakahanay. Malinis rin ang sahig pati na ang mga dingding at wala kang makikitang alikabok o bahay ng gagamba. Malinis din ang disenyo ng mga dingding at napalitan na ng bagong kurtina ang bintana. Walang sofa pero disente paring tingnan ang sala. Abandonado dati ang bahay na to at nakakamangha lang na naayos nila agad.

"Iba ka talaga..." puri ko saka umupo sa stool malapit sa bintana. Napalingon ako nang nakarinig ng mga yabag.

"Good morning!" bati ni Kris na nakasuot pa ng pajama.

"Good morning" ngumiti ako. Nakangisi niyang nilingon si Krim.

"Hmmm, so sabay pala tayong mag-aagahan ngayon parang namamanhikan lang"

"Shut up!" inis na suway ni Krim sa kanya at muling ngumiti nang tumingin sakin. "Let's eat?"

Umiling ako. "Kumain na ako"

"You can eat again" pamimilit niya pa. "Follow me" aniya at pumunta sa kusina. Nagkatinginan tuloy kami ni Kris.

"Pfft! Mukhang wala ka nang magagawa, lika nalang" sabi niya kaya no choice ako kundi ang sumunod.

-----------

"Thanks for today" paalam ko matapos tinawagan si Krim ng ka-grupo niya para sa practice. Napakamot siya sa batok.

"You can come here later"

"Naku, baka hindi na"

"Bukas nalang" Kris inserted. Nag-aalinlangan ako pero isinenyas niya ang kapatid kaya...

"Sige, bukas" pumayag nalang ako. Lumapit si Krim at inayos ang hoodie ng jacket ko.

"Take care" natawa ako sa sinabi niya at pinalo siya ng mahina sa braso.

"Malapit lang naman tayo" tumalikod na ako.

"See ya!" pahabol niya. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at patakbong tinungo ang daan pabalik sa amin.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon