Chapter 20

2 1 0
                                    


"Mauna na ako sa inyo," tinapik ni papa ang aking balikat.

"Mag-ingat po kayo" ngumiti lang siya at lumabas na. Tapos na kaming kumain, hinihintay nalang namin si Krim pero mukhang di na kailangan dahil narinig namin ang ugong ng motorsiklo niya sa labas. Nagkatinginan kaming tatlo. Pilyo namang ngumiti sakin ang dalawa pero inirapan ko lang.

"Ano? Aasarin niyo na naman ako?" inis kong tanong pero ngumisi lang sila.

"Kuya, nag-blush ka ata" hindi ko siya nilingon. Tumayo na ako para salubungin si Krim.

"Hey" nakangiti niyang bati at dahan-dahang lumapit sakin. Nailang tuloy ako, feeling ko nasa likod yung dalawa at nang-aasar ang mga ngiti.

"Kumain ka na?"

"Yup" he patted my head.

"Tsk" hinawi ko ang kamay niya, mahirap na.

"Ayieeeeeeee!"

"Nangangamoy asukal!" nilingon ko si Joshua at inirapan.

"Yieeee, HAHAHAH!"

"Tumigil kayong dalawa at baka kayo ang magkatuluyan" diretso kong sabi kaya natahimik sila. Napangisi ako dahil sa reaksiyon ni Saint.

Kala niyo ah...

"Let's go, pfft!" hinila ni Krim ang kamay ko. Hindi na ako nagsalita pa at sumakay na kami sa motorsiklo, maliban kay Joshua. Pagdating sa school, hindi ako mapakali dahil sa klase ng tingin na ipinukol ng ibang mga estudyante, lalo na ang mga freshmen.

Tsk, hindi naman ako bago rito pero bakit ganyan sila makatingin?

"Sige bibiko, kitakits mamaya"

"Bye!" kinawayan ko siya.

"Pfft, bakit bibiko?" naguguluhang tanong ni Krim.

"Palagi kasi kaming mapagkamalang magsyota kaya sinabayan nalang namin" natatawa kong sagot. Hindi na siya kumibo pa at naunang naglakad. Taka ko siyang sinundan.

Anong problema non?

----------

"Ginugulo ka parin ba niya?" tanong niya.  Nagkaroon kami ng pagkakataon dahil saglit na umalis yung dalawa para bumili ng drinks.

"Hindi na eh"

"Buti naman kung ganon..." saglit siyang tumigil. "Alam mo ba kung sino siya?" umiling lang ako.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang background niya kasi hindi naman lahat sinabi niya sakin, akala ko isa lang siyang normal na edtudyante rito pero nagulat nalang ako nang natuklasang wala pala siyang record dito" sagot ko.

"He's a bad guy. Marami na siyang nabiktima dito, kadalasan mga babae. Humihingi siya ng pera after niyang pagsamantalahan ang kanyang mga biktima." bumuntong-hininga siya saka tinitigan ako. "Pag hindi naibigay ang gusto niya ay hinahabol niya ang mga ito at binabantaan, yung iba ay sinisiraan sa pamamagitan ng pag-upload ng malaswang video sa internet." Napatingin ako sa kanya habang nagsasalita siya.

Paano niya nalaman ang mga ito?

"Pfft, don't look at me like that. I'm not a secret agent. May kakilala akong pulis na pinagtanungan ko tungkol sa lalaking yon at kasalukuyang nasa kamay nila ang hayop na yon"

"Krim..."

"What?" tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi makatao ang ginagawa niya kaya nararapat lang sa kanya na tawaging hayop," hindi ako nakapagsalita. "Listen, kahit na nakakulong na siya, kailangan mo paring sumabay sakin dahil marami pa siyang kauri na gumagala sa paligid"

Tiningnan ko nalang siya at tumango.

"Oh? Anong nangyari dito? Ba't ang seseryoso niyo?" si Kris. Nagtaka naman si Saint at palipat-lipat ang tingin samin.

"Wala, ano ka ba. Usapang lalake lang" sagot ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Tsk, kahit kelan may pinagmamanahan.

"Mukha ba kayong mga lalake?" aniya at bumaling sa kanyang kuya. "Oh kuya, ikaw ba ay nanliligaw kay Ae?"

"Shut up and just sit" masungit na tugon nito sa kanya sabay sulyap sakin. Napayuko naman ako at itinuon nalang ang atensyon sa pagkain.

"Ehem!" lahat kami ay napatingin kay Kris nang bigla siyang tumikhim. Nakangiti siya na parang may ibig sabihin. Iniharap niya sa amin ang kanyang cellphone at nagulat ako nang nakita ang picture namin ni Krim na nakaharap at saktong inabutan niya ako ng towel. At may caption pang: 'The kind of relationship I wanted' #KrimAe?!

Kumunot ang noo ko. Kahapon to ah?

"What the hell" mahinang sabi ni Krim.

"See? Usap-usapan kayong dalawa ngayon sa Confession page ng school"

"Bakit hindi ko alam?" inis kong tanong.

"Hindi ka kasi nakafollow sa page kaya hindi ka updated"

"What a nonsense" walang ganang sabi ni Krim at...

Inagaw ang cellphone mula kay Kris.

"Kuya ano ba!" lumapit ito sa kanya para agawin ang cellphone pero iniwas niya ang sarili at hinarangan ang kamay nito gamit ang kanyang siko.

"Damn this Genevie!"

"Sinong Genevie?" taka ko paring tanong.
"The one who posted it." tugon niya bago ibinalik ang cellphone sa kapatid. Napailing nalang ako. Ano bang nangyayari at biglang kumalat ang letrato naming dalawa sa Facebook page?

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon