Napakamot ako sa batok nang nilingon ko si Krim na nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya."Magkape ka muna"
"No need, kumain na ko"
Anong connect?
"Hindi kakainin ang kape, Krim" sarkastiko kong sabi. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"My tummy's full, hindi na kakasya ang kape" natawa ako dahil may sense naman ang sinabi niya.
"Tsk, I'm not a clown, don't laugh at me"
"Hindi ko naman sinabing clown ka"
"Pero yun ang pinaparamdam mo"
Pinaningkitan ko siya ng mata. Ano ba't tinotopak na naman siya! Bumukas ang pinto ng kwarto ni Saint at lumabas siya mula roon na naka-jogging pants at T-shirt. Napailing ako habang nakangisi
Kahit kelan, ayaw magsuot ng short
Tumayo na si Krim. "Sasabay siya satin?" taka niya pang tanong. Tumango ako.
"Ayaw mo?"
Hindi siya sumagot at naunang lumabas. Nilingon ko si Saint na nagtaka rin sa naging kilos niya. Lumapit siya sakin na nagtatanong ang mga tingin.
"Anong nangyari don?" tanong niya pa.
"Tinopak," sagot ko nang nakangiwi. "Tara" yaya ko at lumabas na kami. Nilock kong maigi ang pinto. Nadatnan namin siya na nakaupo sa bench na malapit sa bakod.
"Tara na"
Tumayo siya at hindi parin ako kinausap. Hindi ko ito pinansin. Nakita namin sa labas ang isang mio na kulay itim. Sumakay siya at pumadyak sa starter pedal. Umugong motorsiklo. Nilingon niya kami at wala paring emosyon ang kanyang mga mata.
"Sumakay na tayo" sabi ko kay Saint at sumunod naman siya. Masyadong awkward ang paligid dahil wala ni isa sa amin ang makapagsalita.
-----
"Diyan lang" turo ko sa Supermarket. Inihinto niya kami malapit sa isang kotse. Pagtapak ng mga paa niya ay agad kaming bumaba.
Pinangunahan ko sila, pumunta kami sa kinaroroonan ni madam at hindi na ako nagtanong pa sa mga staffs. Kumatok na ako sa pinto at bumukas ito. Sumilip si madam mula sa loob at medyo nagulat nang nakita ang bago kong kasama. Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Ikaw talaga mamshie! Hindi ko in-expect na magdadala ka ng model dito! I love you na talaga" kinikilig niyang sabi. Napaismid naman ako.
Adik sa gwapo!
"Hi model!" sumingkit ang dulo ng kanyang mata dahil sa todo ng pagngiti. Tinanguan lang siya nito.
"I'm Leahna, pero call me madam nalang" natatawa niya pang dagdag ngunit tango parin ang sagot nito.
"Pasok na kayo"
Sa tuwing tinatanong siya ni madam ay tango lang o di kaya ay tipid na salita ang sinasagot niya. Napailing nalang ako.
"Bibiko" tawag ni Saint.
"Mmm?"
"Okay lang ba kung magtatanong ako tungkol diyan sa kaibigan mo?" nag-aalinlangan niyang tanong.
Natawa ako.
"Oo naman" Hindi kasi yan nagtatanong ng personal pag walang pahintulot. Isa sa mga itinuro ni Auntie na nadala niya.
"May kaya ba siya? Nasa itsura niya kasi"
Natawa ako, nakalilito talaga ang panlabas na anyo.
"Hindi, katulad lang rin natin siya. Maitsura lang talaga kaya mapagkamalang may kaya"
"Ganun ba, kaya pala nakakapagtataka lang na kailangan niya pang magtrabaho"
"Pfft, oo, siya rin kasi ang nagpapaaral sa bunso niyang kapatid"
"Wala na ba silang mga magulang?"
"Broken family sila, hindi maayos ang buhay nila sa mga magulang kaya pinili niyang maging independent"
Sinulyapan niya si Krim at tumango-tango. "Nakakaingit naman" nagtaka ako sa sinabi niya.
Anong nakakainggit don?
"Nah, maayos ang buhay natin Bibiko, nakakaawa nga sila eh"
"Ang cool kaya" namamangha niya pang tugon.
Tsk, tsk! Kakaiba rin ang takbo ng utak nito
"Bibiko, walang cool sa paghihirap. Naging cool lang kasi may itsura siya, hindi ba?"
"Hindi naman sa ganun," aniya. "Cool yun kasi nagagawa niya ang mga bagay na hindi ko nagagawa. Kaya niyang mag-survive nang hindi umaasa sa mga magulang niya"
Natahimik ako, tama siya.
"Wala ba siyang ibang trabaho?" tanong na naman niya. Hindi ko siya masisisi. Kahit sino siguro ay magiging interesado rin sa buhay ng kaibigan ko.
"Oo, pagtutugtog"
"Pagtutugtog? Ng gitara?" tumango ako.
"Tumutugtog siya sa sikat na bar dito sa amin, pero kalaunan ay huminto rin dahil nilalandi siya ng may-ari at binantaan ng asawa nito"
"Ganun ba"
"Oo"
Hindi na kami nag-usap pa dahil bumalik na ito sa kinaroroonan namin. Pinandilatan niya ako ng mata, marahil ay narinig niya ang usapan namin ni Saint. Nagbaba ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...