Pumunta ako sa likod ng aming bahay at doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob. Ang bigat ng kalooban ko na para bang sasabog na ito. Tumingkayad ako sa lupa saka umiyak."Hindi ako galit. Hindi dapat ako magagalit! Nasabi lang iyon ni mama dahil mahal niya ako," pangungumbinsi ko sa sarili ko. Humagulhol ako at paulit-ulit na pinalo ang sarili kong dibdib dahil sa sobrang sikip sa dami ng hinanakit ko sa buhay. Gusto ko lang namang makatulong. Gusto ko lang na ma-proud sila sa akin, na masasabi nilang karapat-dapat ako, na kahanga-hanga ako tulad ng mga kapatid ko. Pero bakit ganito? Kahit ginagawa ko naman ang tama ay mali parin sa paningin ni mama?
AYOKOO NAAAAAAAAAAAAAA
TAMA NAAAAAAAA
ANG SAKIT NAAAAAAAAAA
HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO!
"Bibiko," huminahon ako sa pag-iyak nang dumapo ang kamay ni Saint sa likod ko. "Tama na" pinahid niya ang aking luha. Nilingon ko siya.
"Tama si mama, wala na akong naitulong sa kanila noon paman"
"Hindi yan totoo"
"Totoo yan"
"Hindi," umiling siya. "Hanga nga ako sa kasipagan mo eh, plus matalino pa"
"Pero balewala iyon kay mama"
"Eh si Tito?" aniya at hindi ako nakasagot. "Si ate, ako, at marami pang iba. Nakikita namin kung gaano ka kabait, kung gaano ka kahalaga"
"Pero si mama hindi"
"Hayaan mo yang si Tita. Ganyan din si mama sakin noon. Wala na siyang nakikitang tama sakin, palagi niya akong tinatalakan, sinisisi pero hindi ko alam na mahal niya pala ako sa kabila ng lahat"
"...."
Maybe she's right.
"Baka nag-aalala lang si Tita kaya nagkakaganyan siya"
Ewan ko.
"Nandito lang pala kayo" napalingon kami nang narinig ang tinig ni Joshua. Lumapit siya at inakbayan ako. Bale, napalagitnaan nila ako. "Tahan na kuya"
Suminghot ako upang makahinga. "Ayos na ako" nilingon ko si Saint. "Kayo lang ang hindi"
"Ano?/Ano?" nagulat sila pareho. I stood up and crossed my arms while facing them.
"Gusto kong magkaayos kayo" nagkatinginan sila at bumuntong-hininga. "Kung hindi, iiyak ako dito buong magdamag" pagbabanta ko at natauhan naman sila saka tumayo.
Unang naglahad ng kamay si Saint pero hindi parin makatingin ng diretso. "S-Sorry" aniya. "Sorry kung napagsabihan kita ng ganun"
Ngumiti si Joshua. "Sorry din dahil nagka-crush ako sayo"
Natawa kami. Kasalanan ba ang magkagusto?
"Ayos lang, hindi mo kasalanan na magkagusto sa kanya" sabad ko at napatingin si Saint sa akin.
"Sorry talaga ate"
"Sorry din"
Lumapit ako at inakbayan silang dalawa. Sa wakas...
---------
I lay my love on you, It's all I wanna do, Everything I breathe I feel brand new—
Bumangon ako at sinagot ang tawag.
"Yo" inaantok pa ako. Ang aga ring magparamdam ni Krim.
"Good morning" as usual na pambungad. "Maligo ka na" utos niya.
"Alas singko palang, tsk!" hinawi ko ang kurtina para silipin siya mula sa bintana pero nakasarado ang bintana nila.
"Pupunta ako diyan" sabi niya.
"Ang aga naman" reklamo ko.
"So?"
"So ka diyan, baka makita ka na naman ni Joshua at tuksuhin ako"
"HAHAHAH!" humalakhak siya.
"Wag mo kong tawanan" inis kong sabi.
"I'm just happy to hear your voice" aniya at...
LUB...DUB...DUB...DUB...
Bumagal sa pagtibok ang puso ko at sa bawat pagtibok ay parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang lakas.
"S-Sige maliligo na ko" I ended the call. Napahawak ako sa dibdib ko at kunot-noong tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Ano bang nangyayari sakin?
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...