Chapter 27

0 0 0
                                    


Pagpasok ko ay napansin kong tahimik ang bahay. Naka-off ang tv, sarado ang mga kwarto at tanging si Saint lang ang nakita kong nakaupo sa sofa. Kinakalikot niya ang kanyang cellphone.

"Nasan sila?" hinubad ko muna ang tsinelas bago pumasok.

"Umalis na sila"

"Iniwan ka nilang mag-isa?"

"Hindi, kasama ko si Joshua. Nandun oh," isinenyas niya ang kwarto nito "...n-naglalaro" nauutal niyang tugon sabay iwas ng tingin.

Weird

Umupo ako habang nakapandekwatro.

"San ka galing?" tanong niya at itinago na ang cellphone.

"Kay Krim"

"Pumunta kang mag-isa?" taka niyang tanong. "Hindi ko nakitang may naghatid sayo, naglakad ka ba?" dagdag niya pa.

"Nandiyan lang ang bahay nila" turo ko sa katapat na bahay.

"Lumipat sila?" gulat niyang tanong. Tumango ako.

"Oo, kahapon lang" tugon ko. Kumunot ang noo ko nang ngumiti siya sakin nang may halong pang-aasar. "Anong nasa isip mo huh?" pinanlakihan ko siya ng mata.

She chuckled. "Lahat talaga gagawin ni Krim para mapalapit sayo"

Kakaiba talaga ang takbo ng utak nito...

"Tsk! Hindi ako ang dahilan kung bakit lumipat sila"

"Weh?" tinaasan niya ako ng kilay.

I rolled my eyes. "Ikaw talaga, sa sobrang inlove mo kay Pruk dinadamay mo na rin ako" sabi ko at namula siya. "Lumipat si Krim para kay Kris, yun lang yun"

"Bakit naman kay Kris?" dami niyang tanong.

"Kukunin si Kris ng daddy nila kaya lumipat siya at..." inilagay ko ang hintuturo sa ibabaw ng bibig. "Wag mong sabihing dito sila lumipat"

"Okay" natatawa niyang sabi. "Wag kang mag-alala, maingat ako"

Knowing Saint, she can keep a secret. She's one of the people who choose to be on my side even if other's are treating me wrong.

-----------

My head aches after sleeping for a long time. Gusto ko pa sanang matulog pero naririnig ko ang ingay mula sa ibaba kaya lumabas nalang ako at nakisali sa kanila. Nandito si Saint ,si ate at ang fiancee niya, si mama, at si papa pero hindi parin lumalabas si Joshua.

Gabi na ah? Hindi parin siya tapos maglaro?

Hindi sa na-mimiss ko siya kundi dahil hindi siya ganito dati. Nakakapanibago.

"Luto na ang ulam! Kumain na tayoo!" narinig kong sigaw ni mama mula sa kusina. Tumayo naman sila at pumunta roon, ganun din si Saint. Tanging ako nalang ang natira. Bigla akong nagtaka sa inaasal niya.

Hindi ba niya tatawagin si Joshua?

"Anak, pakitawag nga kay Joshua!" utos ni papa.

"Opo" nasa baba lang ang kwarto ni Joshua katabi ng kay Saint kaya hindi na kailangang umakyat. Kumatok ako sa pintuan. "Joshua?" bumukas ito.

"O-Oh...k-kuya?" nakasuot siya ng sando kaya lantad ang payat niyang braso.

"Kakain na tayo lika na"

"Sige" aniya at pabatong ibinalik ang cellphone sa higaan. Pumunta na kami sa kusina at nakita ko silang nag-umpisa na sa pagkain.

"Upo ka rito anak" ipinaghila ako ni papa ng upuan. Tumabi naman sakin si Joshua, nasa harap niya si Saint pero di tulad noon ay hindi sila nagngitian.

Anong problema nila? Hindi naman sila ganito dati ah?

Umiwas ako ng tingin nang nahuli ako ni Joshua at nagconcentrate nalang sa pagkain. Unti-unti na ngang nagbabago ang mga tao sa paligid ko. Hindi na ako magugulat kung pati si Krim ay magbabago rin. There is no permanent thing in this world—even friendship.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon