Habang nagkukuwentuhan kami, lumabas si Joshua mula sa kusina at umupo sa tabi ni Saint. Naagaw niya ang atensyon ni ate."Hi" bati ni ate at bumaling sa akin. "Who's he?"
"Hello po ate, I'm Joshua kapatid ni kuya Ram" pakilala niya. "Pansamantala po akong nakatira dito habang wala si Tita" dagdag niya pa.
"Ganun ba, salamat Joshua"
"No problem po, hehe"
Tumayo si ate. "Alright, dito muna kayo at ipagluluto ko kayo ng miryenda. Miss ko na ring mag bake"
Tumayo rin ako. "Tutulungan na kita ate" napangiti siya.
"Sige" sabi niya at iniwan namin ang dalawa sa sala.
----------
Bumalik ulit sa dating sigla ang tahanan dahil nandito na ulit si ate. Kinagabihan, dumating sila mama, si kuya Hanz, at ang pamilya ni ate Alice. Nag-uusap sila tungkol sa nalalapit na kasal ni ate Anes. Tahimik lang kaming tatlo ni Saint at Joshua na nakikinig sa kanila sa hapag-kainan. Si papa nama'y panay ang sulyap kay kuya Hanz na animo'y kinikilatis ito.
"Dito na po kami titira after ng wedding" nakangiting sabi ni ate. Tumango si papa.
"Buti kung ganun" nakangiting tugon ni papa.
Tinapos ko na ang pagkain at tumayo na. Out of place lang naman ako sa kanila eh.
"Oh, Ae saan ka pupunta?" tanong ni papa. Tiningnan ko muna sina mama bago sumagot.
"Sa kwarto lang po, may kailangan kasi akong gawin eh"
"Sige" pagkasabi ni papa ay tumayo rin si Joshua at pumunta sa sala. Tinapos naman ni Saint ang kanyang pagkain at sumunod sakin.
"Bibiko, pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya nang nakahabol.
"Mmm, tungkol saan?"
"Saka ko nalang sasabihin," at hinila niya ako patungo sa labas. Huminto kami sa balkonahe at umupo. "Hindi sa nakikialam ako pero na-weweirduhan talaga ako sa inyo ni Tita" kumunot ang noo niya. Hindi ako nakapagsalita, nakatitig lang ako sa kanya.
"May problema ba?" ngayon ay nakatitig na siya sakin. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatingin. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ang totoo dahil kahit wala pa akong sinasabi ay bumibigat na ang pakiramdam ko.
"P-Pano mo naman nasabi?" tanong ko, nauutal dahil sa pagkabigla.
"Nung unang araw ko palang dito, pansin ko nang malamig ang pakikitungo niya sayo. Hindi ko nalang pinansin dahil akala ko ay natural lang yon pero nung mga sumunod na araw, ganun parin ang naoobserbahan ko. Pasensya na kung masyado akong mausisa pero...nag-away ba kayo ni Tita?"
Please Saint, wag ngayon.
Napailing ako.
"Kung ganon, bakit parang may something?"
Mahirap man pero hindi ko na kayang itago pa ito. Noon paman ay sinasarili ko lang ang mga problema ko. Kahit nasasaktan na ako ay pinipili ko paring manahimik. I trust Saint.
"Nagsimula ang lahat nung nalaman nila na may karelasyon akong lalaki" panimula ko.
"Si Felix ba?"
Tumigil sa pagtibok ang puso ko nang sinambit niya ang pangalang ito. Paano niya ito nalaman?
"P-Paano mo nalaman?" taka kong tanong.
"Nung nasa amin ka pa lang ay alam ko na kung sino ang ex mo. May time na tumawag siya at naiwan mo ang cellphone mo sa kwarto ko, sinagot ko iyon at nalaman ang pangalan niya"
Now I'm speechless. Hindi ko inakalang ganito pala ang nangyari. Buong akala ko ay kami lang ni Krim ang nakakaalam.
"Sinubukan kong magtanong sayo tungkol don pero ayokong malaman iyon ni mama kaya hinintay kong ikaw mismo ang magsabi sakin ng totoo" I feel embarrassed. Kahit anong gawin ko ay hindi ko kayang itago ang totoo. Malalaman at malalaman rin ng mga taong nasa paligid ko.
I sighed.
"Okay lang yan Bibiko. Nauunawaan kita. Kung ako man ang nasa sitwasyon mo ay ganyan rin ang gagawin ko lalo na kapag hindi ako binigyan ng chance para ipaliwanag ang side ko" ramdam ko ang mga salitang binitawan niya. She's right, hindi nga ako binigyan ng chance na makapag explain dahil pakiramdam nila ay sila palagi ang tama...at ako ang mali. Pero kahit ganun ay hindi ako nagtanim ng galit kay mama at sa ate Alice ko.
"Hindi ko alam Bibiko. Hindi ko alam kung magkakaayos paba kami ni mama" naluluha kong sabi.
"Shhh," niyakap niya ako. "Diba sabi mo sakin noon, lahat ng problema'y may solusyon?" tiningnan aniya ako. "Maniwala kang maaayos rin ang lahat" I feel comfortable and relieved by her words.
Thank you Saint...
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...