Chapter 10

0 1 0
                                    

Gumising ako at agad na naligo. Tiningnan ko ang sarili sa salamin pagkatapos ay naghilamos at nagsipilyo. Nauna akong natulog kagabi, ayokong asikasuhin ang makulit na Joshua na yon. Lumabas ako sa banyo pero laking gulat ko nang nakasalubong ko si Joshua.

Tsk, ba't ang aga nito?

"Good morning kuya" aniya.

"Mmm, morning" at nilagpasan ko siya. Binilisan ko ang kilos para makapaghanda na agad. 

"Good morning Bibiko" pumasok si Saint sa kusina pagkatapos kong naihanda ang mga pagkain. Nakasuot siya ng uniform pero nakapulupot parin ang tuwalya sa kanyang ulo.

"Good morning" ngumiti ako. "Sina mama ba hindi pa gumising?"

"Hindi pa eh, bango naman ng gulay"

Natawa ako sa kanya.

"Ang aga mo namang naligo, hindi ka ba na-stroke sa ginaw?" natatawa niyang tanong saka tinikman ang niluto kong gulay.

"Pfft, manhid ang katawan ko" biro ko. "Tawagin mo nga si Joshua, maaga ring gumising ang isang yon"

Natawa siya. "Naaalala ko tuloy si Siri sa kanya" biglang naging malungkot ang itsura niya. "Kumusta na kaya sila ni mama?"

"Nakakamiss no?" ngumisi ako. Tumango siya. "Magkikita rin kayo soon"

"Hayyy...gusto ko nang umuwi"

"At ano namang gagawin mo don?"

Bumuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin.

"Sige na tawagin mo na siya" utos ko. Tintitigan ko ang hapag at nanumbalik sa aking ala-ala ang mga memories namin dito noong bata palang ako. Yung mga araw na kompleto pa kami dito sa bahay.

-----

"Thank you ah?" itinaas ko ang milkshake na nilibre ni Krim. Gumalaw ang buhok niya nang siya ay tumango.

"How's last night?"

Ano daw? Last night? Taka akong napatingin sa kanya, kasi di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Anong last night ba?

"Hindi ba sila nagtalo?" tanong niya ulit at alam kong sina mama ang tinutukoy niya. Umiling ako.

Muntik nga eh...

"Hindi pa"

Natawa siya.

"Hindi kita natawagan kagabi kasi nakatulog ako" paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong. Ganito talaga siya noon pa, bigla nalang magpapaliwanag.

"Okay lang, pagod rin ako kahapon eh, alam mo na, all around rin ako sa bahay"

Tumawa ulit siya at tinitigan ang kamay ko. Napailing siya habang nakatingin dito.

"Buti hindi nagkagasgas yan" tukoy niya sa kamay ko.

"Hahaha! Sa dinami-dami, yung kamay ko pa talaga ang chineck mo?"
Hindi siya sumagot at lumagok lang ng C2, ayaw niyan kasi sa milkshake, hindi na raw siya bata.

Nagring ang bell kaya bumalik na kami sa classroom. Medyo nakakairita ang mga babaeng tumitingin sa akin na parang kinikilig. Tsk, wag ako. Doon na ako nakahinga nang maluwag nang nakapasok na kami sa room. As usual, pinagtitinginan na naman kami ng mga kaklase. Hindi ko sila pinansin at nagsoundtrip nalang habang naghihintay sa instructor.

"Class dismissed"

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin ng cellphone at inayos ang aking buhok, masyado na akong nahaggard dahil narin sa napakaraming discussions. Si Krim naman ay tumayo lang na parang walang pakialam sa itsura niya kung maayos pa ba o hindi. Sabagay, fresh parin siyang tingnan kahit magulo ang buhok niya.

"Hurry up" utos niya sakin.

"Teka lang" isinilid ko ang natirang gamit sa bag bago tumayo, pero iniwan niya ako kaya dali-dali akong humabol sa kanya. Taeng topak yan! Naabutan ko parin siya at tinabihan ko siya habang naglalakad. Nilingon niya ako pero blangko lang ang kanyang ekspresyon.

"Nagkikita parin ba kayo?" bigla niyang tanong.

"Hindi na"

"Hindi ka na ginugulo?"

"Hindi na" sagot ko parin.

Bumuntong-hininga siya. "Buti naman" nilingon niya ako at tinitigan sa mata, tinitigan ko lang din siya. "Sa susunod, wag ka nang magtiwala nang basta-basta kahit pakitaan ka pa ng mabuti. Your real friend treats you what he really feel and has flaws"

Hindi ako nagsalita.

"Fake people sometimes seems so genuine so you must be extra careful" dagdag niya pa at hindi na muling kumibo hanggang sa narating namin ang classroom ni Saint. Mabilis siyang kumilos nang nakita kami at pumunta kami sa kanya-kanyang restroom para magbihis ng damit pantrabaho.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon