"Sige na anak, tanggapin mo, wala naman dito ang mama mo" pamimilit ni papa nang hindi ko tinanggap ang pera na ibibigay niya. Nagtaka tuloy sina Saint sa akin."Pa, may pinagkakakitaan naman po ako, ngayong Biyernes ay magkakasahod rin ako"
Ngumiti siya, kinuha ang kamay ko at inilahad ito sa aking palad. "Anak, kahit malaki ka na ay may responsibilidad parin naman kami, bilang magulang mo. Wag mo nang isipin yung sinabi ng mama mo"
"Salamat pa" hindi nalang ako nag-angal pa dahil ang dalawa ay nasa paligid ko lang. Ayokong makabitaw ng anumang mga salita na makabubunyag ng conflict namin sa pamilya.
"Siya, mauna na ako sa inyo. Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid? Ikaw Joshua?" aniya at isinabit ang bimpo sa balikat.
Tumango ako. "Ihahatid po kami ng kaibigan ko"
"May motor din po ako Tito"
"Sumabay ka na sakin at baka biglang susulpot ang LTO, minor de edad ka pa naman" sabi ni papa kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Lumingon pa siya sa amin.
"Bye kuya Ae! Bye ate!"
"Mag-ingat kayo anak" habilin pa ni papa bago sila nakalabas. Hindi pa man sila nakaalis ay nakarinig kami ng pamilyar na ugong ng motorsiklo, sigurado akong si Krim ito.
"Tara na Bibiko, nandito na siya" tumango naman si Saint at sumabay sakin. Maingat kong ini-lock ang pinto. Paglingon ko, nagsalubong ang paningin namin ni Krim. Ngumiti siya sakin, pero tipid lang.
Nilingon ko si Saint na saglit na nagtitipa sa kanyang cellphone. "Bibiko, mamaya na yan, aalis na tayo" natatawa kong sabi at mabilis naman niya itong itinago.
Tsk, tsk, puro kasi lovelife
"Nabasa mo ba yung pina-research ni sir?" tanong ko kay Krim.
"Yeah, why?" tumaas ang isa niyang kilay.
"May notes ka?"
"Why? Hindi ka nag-search?" tumango ako.
"Okay, I'll let you copy"
Nagningning ang mga mata ko. "Thanks"
"Tsk, tsk" umiling siya at parang disappointed na tumingin sakin. "Dean's lister ka pa naman"
Ngumuso ako. "Wala kasing signal kagabi" totoo, wala talagang signal kagabi kaya hindi rin ako nakapagdownload ng bagong kanta. Pinaandar niya na ang motor kaya sumakay na ako, nagtaka ako dahil walang sumunod. Paglingon ko, nagte-text pa pala si Saint.
Tsk! Isa pa to!
"Bibiko, lagot ka talaga kay Auntie!" sigaw ko at nataranta naman siya.
"Ayan na!" aniya at umangkas. Haysss, pag-ibig ano ba itong ginawa mo sa daigdig?
-----
"Ano nga yung sinabi mo? Yung tungkol kay Felix?" usisa ko habang nagla-lunch kami. Hindi kasi sumabay yung kapatid niya samin dahil may groupwork sila at may mga kaibigan narin siya. Si Saint naman ay sumabay rin sa kanyang kaibigan kaya eto kami ngayon, kumakain sa bench na nasa ilalim ng puno sa field. Dito rin kasi kami dati kumakain. Kapag tanghali ay walang naglalaro ng volleyball dito at presko ang hangin dito kaya mapapasarap ang kain mo. May mga iilang estudyante na nakaupo rin sa kabilang mga bench pero may kanya-kanya kaming business, di tulad sa cafeteria na kaunting dada mo lang ay mapapalingon na yung iba.
"Ahhh, that..." sumubo siya at ngumuya. Ako naman ay nag-abang sa susunod niyang sasabihin, nilunok niya muna ang pagkain bago nagpatuloy. "He added me on Facebook"
What the hell...
"Inaccept mo naman?"
"Of course, I need to get informations"
"Tsk, pano kapag idadamay ka non? At pano ka niya nakilala?!"
"Maybe he's just interested" biro niya pero hindi iyon nakakatawa. Kinabahan ako habang napatitig sa kanya. Ano na naman ba ang binabalak ng kahog na yon? Ba't ayaw niyang tumigil? Gigil kong hinawakan ng mahigpit ang kutsara. Hindi ba't nahuli na siya ng mga pulis?
Tsk, tsk, di kaya...nakatakas siya? O may tumulong sa kanya? Sino naman ang tutulong sa kanya?
"Phones are prohibited kung sakali mang nahuli siya," sabi niya sakin. "May kutob akong hindi siya nahuli, Ae" mas lalo pa akong kinabahan nang sambitin niya ang aking pangalan.
Bakit ba hindi ko man lang naisip yon?
Nung araw na naabutan kami ng mga pulis ay tumakbo siya, kaya may posibilidad na hindi siya nahuli ng mga ito. Oh no. Napatampal ako sa noo!
"What should I do now?" nag-alala ako para sa sarili ko. Napasinghap ako nang dumapo ang kamay niya sa aking balikat.
"Chill, kaya nga ihahatid na kita mula ngayon. Huwag kang lalabas kapag yung pinsan mo lang ang kasama mo, tawagan mo ko"
Natawa ako.
"Sino ka si Superman?" umismid siya. "Hindi sa lahat ng panahon ay magiging free ka" dagdag ko pa.
"I'll manage my time from now on"
"Krim naman..."
"He can't kill us, kailangan niya lang talaga ng pera"
"Pa'no ka naman nakasisiguro?"
"Just my instinct"
"Does it help?"
"Of course, titigilan ka rin niyan kapag mapagtanto niyang mahirap kang lapitan"
"What if, mambibiktima na naman siya ng iba? What if i-uupload niya sa social media yung..." huminto ako sa pagsasalita dahil nag-iinit na ang mga mata ko.
Ngumisi siya. "Hindi lahat ng pagkakataon ay sang-ayon sa kanya ang mundo. Come on, everything will be fine. Trust Him" tinuro niya ang itaas at tinapik ulit ako sa balikat.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...