"Blah...blah...blah.."
Habang nagdidiscuss ang instructor ay hindi ko maiwasang lingunin si Krim. Kanina pa siya walang imik, hindi niya ako kinakausap, hindi niya ako binati, at hindi rin niya ako sinalubong pagdating ko.Hay...
Nakakapanibago. Nakakawalang-gana pero dibale na, titiisin ko nalang. Iisipin ko nalang na transferee ako dito kung sakaling hindi na niya ako papansinin pa.
"Mag-isa ka yata" napahinto ako sa paglalakad nang narinig ang boses ni Clovis. Nilingon ko siya saka pilit akong ngumiti.
"Hi"
"Nag-away ba kayo ni Krim? Ba't hindi kayo nagpapansinan?"
"A-Ahh," bumuntong-hininga ako. Wala nang dahilan para magsinungaling. "Hindi kami nag-away, ewan ko...bigla lang kaming nagkakaganito eh" malungkot kong sagot.
"I'm sorry"
"Okay lang"
"Gusto mo, sabay ka nalang samin?"
Umiling ako. "Ayoko munang kumain sa cafeteria, bibili lang ako ng pagkain tapos kakainin ko na sa classroom" paliwanag ko.
"Samahan nalang kita"
"N-Naku, wag na hehe" nahihiya kong sabi.
"Wag ka nang mahiya, my treat!" Napayuko ako. Sigurado ba siya? "Hey," inangat niya ang baba ko na siyang ikinagulat ko. Agad kong inalis ang kamay niya.
"I-I'm sorry" napapahiyang sabi niya.
"Ayos lang yun, nabigla lang ako" huminga ako ng malalim. "Tara na"
"S-Sige" at pumunta na kami sa cafeteria.
"OMG, they are dating?"
"That bitch is really—" tinakpan ko ang tainga ni Clovis at natawa naman siya.
"Don't worry, It's okay" inalis niya ang kamay ko. "Anong gusto mo?" tanong niya nang nasa lane na kami.
"Naku, nakakahiya naman, ako nalang ang magbabayad"
Ngumiti siya. "Wag ka nang mahiya, ayos lang talaga sakin"
I guess I don't have any choice
"S-Sige, kahit ano nalang"
"Nice" aniya saka nag-order na para sakin. After naming umorder ay nakasalubong namin si Krim sa hallway. Napahinto ako at napatingin sa kanya pero parang hindi niya ako nakita at diretso ang tingin sa harap saka nilagpasan ako.
Krim...
"Okay ka lang?" tanong ni Clovis at tumango naman ako.
I'm not okay. Nalulungkot ako.
------------
"Ae!" tawag ni Clovis sakin nang lalabas na sana ako.
"Hmm?"
"Sabay na tayo"
"Ah, eh, pa'no sina Tessie?" isinenyas ko ang mga kasama niya.
"Nagpaalam na ako sa kanila"
"O-Okay" sabi ko at sabay kaming naglakad. Nasa hallway na kami nang biglang...
"Halt!" hinarang kami ng mga grupo ng mga estudyante. Tinapunan nila ng masamang tingin si Clovis. Kumunot ang noo ko.
"Hey you!" turo nila kay Clovis. "Ang landi mo!"
"Wait," awat ko sa kanila at tinuro ang nasa likuran nila. "Ano yon?" lumingon sila kaya nakakuha agad ako ng tiyempo at dali-daling tumakbo habang hila ang kamay ni Clovis paalis doon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Adios!"Hufff...Huff..." habol namin ang hininga nang nakarating na kami sa tagong parte ng building.
"Muntik na tayo dun ah?" natatawa kong sabi.
"Taray ng mga fans niyo" natawa narin siya.
"Dito ka lang ah?"
"Huh? Bakit?"
"Magbibihis muna ako sa restroom"
"Ahh, sige"
"Basta wag kang magpapakita sa kanila"
Natawa siya. "Don't worry"
Umalis na ako. Pagdating ko sa restroom ay binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay.
ENNNKKKKK
Napalingon ako nang tumunog ang pinto ng isang cubicle at nakita kong lumabas si Krim mula doon. Mabilis kong inalis ang tingin ko at napahilamos nalang.
LUB...DUB...DUB...DUB...
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siya mula sa salamin. Akala ko ay titingin siya sakin at kakausapin niya ako pero para akong invisible sa harap niya. Sinuot niya ang cap at agad na umalis. Nanlumo ako habang sinusundan siya ng tingin.
Friendship over na ba talaga kami?
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...