"Krim, wag ka munang sumabay sakin, mukhang pinag-iinitan kasi tayo ng mga freshmen"Ngumisi siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya.
"K-Krim!"
"Don't mind them" sabi niya at tumingin sa paligid. Napilitan akong maglakad ng nasa ganitong sitwasyon. Bawat classroom na nilalagpasan namin ay tumitili ang ilang estudyanteng nasa labas. Nakahinga ako nang maluwag after kaming nakapasok sa classroom. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase at tinukso.
"Yieeeeee! Kayo ah?"
"Naku Tessie, sana noon palang sinabi mo na ayan tuloy naunahan ka" malakas na sabi nung katabi ni Tessie. Naririnig ko dahil nasa harapan ko lang sila.
"Shut up! be Mahiya ka nga!" Awkward na tumawa si Tessie bago sumulyap sakin.
Tae na
Naagaw ni Clovis ang aking atensyon; nakatingin din siya sa amin ni Krim pero hindi siya sumabay sa panunukso. Masasabi kong iba talaga siya sa mga kaklase ko dahil sa matured niyang kilos.
Alam niya kayang pinag-uusapan kami ni Krim sa socmed?
Malamang.
"So, anong score niyo? Tell us" tiningnan ko ng masama si Paul, isa sa mga pilyo kong kaklase.
"Yieeeeeeeee!"
"Oo nga!"
"Sabihin niyo na!"
"Malalaman din naman yan"
"I-It's not what you think" matigas kong sabi. Tumahimik naman sila. Hindi naman nagpatinag ang kaibigan ko sa mga tukso nila at umupo lang na parang walang nangyari. Umupo nalang rin ako. Tutuksuhin na sana nila ako pero di natuloy dahil pumasok na ang instructor. Nilingon ko si Krim at napailing nang nakitang seryoso pala ito sa pakikinig.
Wala ba siyang pakialam?
-----------------
Nauna kaming lumabas after ng practice at dumiretso ng classroom. Pagkatapos ng afternoon session ay lumabas narin kami agad para makaiwas sa mga freshmen. Binilhan ako ni Krim ng facemask para hindi kami mahahalata.
Hayy, nakakapanibago! Hindi naman kami gaanong napapansin noon pero ngayon? Para kaming mga kriminal na nagtatago.
"Salamat ah" sabi ko nang naisuot ang facemask. Tsk tsk! Ayoko sanang mag facemask pero dibale na.
"Mmm, we need it" natatakpan ang bibig niya pero alam kong nakangiti siya. Ang weird niya talaga ngayon. Nakakapanibagong ayos lang sa kanya na ihatid ako, di tulad noon na halos ipagtabuyan niya pa ako tuwing uwian. Parang mas naging concerned narin siya ngayon. Hindi rin siya madalas na ngumingiti noon pero ngayon?
No Ae, wag kang mag-imagine
Sadyang may mga tao lang din na masungit sa una pero kalaunan ay nasasanay na. Damay din siya dito kaya malamang ginagawa niya ito.
"Bibiko!" napatalon ako nang narinig ang boses ni Saint. Hindi ko man lang napansing nasa labas na pala kami ng classroom nila. Parang bigla akong nailang sa itinawag niya sakin, siguro dahil nandito kami sa campus? oo? Nag-aalala ako na baka may makarinig at gagawin na naman itong issue.
"Bibiko..." humina ang boses ko.
"Okay ka lang?" tanong niya nang buong pagtataka at hinawakan ako sa balikat.
"Mmm, hindi" pag-aamin ko.
"Bakit? Ginulo ba nila kayo?"
"Tinukso lang nila kami pero nawawalan na ako ng ganang lumabas"
"Mabuti pa magpalamig muna tayo" sabat ni Krim.
"Sige"
"Sige po kuya" sang-ayon ni Saint at sumunod samin patungong cafeteria. Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa paligid. Pati siguro sa aking pag-upo ay may mga nakamasid parin sa akin.
Tumayo si Krim at pagbalik niya ay may dala siyang sundae at waffles.
"Here...uh, no need to pay me back" aniya kay Saint nang inabot nito ang pera.
"Naku, salamat kuya" tumango lang siya at bumaling sakin. Inayos niya ang pagkain na nasa harap at inilapit sa akin.
"Tsk, tsk...Lutang" umiiling-iling na sabi niya.
"Pasensya na"
"You're distracted"
"Medyo nga" tugon ko.
"Sanayin mo na ang sarili mo" sabi rin niya. I just shrugged my shoulders. I don't know how to deal with them. "They will stop soon"
"Sana nga"
"Just like...'him' " may halong diin ang kanyang pagkasabi kaya alam ko na kung sino ang ibig niyang sabihin. Nilingon ko si Saint, mukhang wala rin naman itong naiintindihan kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Well, I moved on" sabi ko at sabay kaming napangiti. Hinding-hindi ko na gugustuhin pang balikan ang mapait na karanasang iyon.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...