Chapter 48

1 1 0
                                    


The next day...

"Nasan si kuya Krim?" takang tanong ni Saint kay Kris.

"Maaga siyang umalis eh, ako nalang ang maghahatid sa inyo" bumaling siya sakin. "Ae, okay lang ba kayo ni kuya?"

Matagal akong nag-isip bago sumagot.
"Ewan ko sa kanya"

The next day...

"Ba't kasama mo yan?" kunot-noong tanong ni Kris nang nakasalubong kami sa hallway. "Alam ba to ni kuya?"

"Bakit? Ano ba kami?" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nasasaktan narin kasi ako sa ginagawa niya tapos ngayon parang ako pa ang mali.

"Alam mo ba kung sino yan?"

"Wala na akong pakialam don"

"Ae!"

Inakbayan ko si Clovis. "Tara na"

The next day...

"Absent yata si Krim ngayon"

"That's weird"

"Ae, may alam kaba?" tanong ng kaklase ko. Umiling ako at nagkunwaring tulog para makaiwas sa tanong nila.

The next day...

"He's here" nagsimula ang mga bulungan nang dumating si Krim. Nagtama ang paningin namin pero saglit lang.

"Uy Ae, pansinin mo naman"

"Hehe, mukhang bad mood eh" sabi ko.

Pag-uwi ko...

"Uy kuya pansin kong hindi ka na sinusundo ng kaibigan mo"

Bumuntong-hininga ako.

"Nag-away ba kayo?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot.

Lumipas ang maraming araw ay mas lalong lumalabo ang lahat. Kahit na kasama ko na si Clovis, ramdam ko parin ang pag-iisa. Pinilit kong wag pansinin ang pagbabago niya pero sa tuwing naalala ko ang dating kami ay hindi ko mapigilang masaktan.

One week after...

"Good morning Ae!" bati ni Clovis at nilapag ang milkshake sa armchair ko.

"Uy, salamat dito ah?"

"No problem" aniya at pansamantalang umupo sa bakanteng upuan na nasa unahan.

"Are you two dating?" tanong ni Cindy habang naglalagay ng pulbo sa mukha. Nagkatinginan kami ni Clovis at natawa. "What's funny?" dagdag pa niya.

"Hindi ko siya girlfriend" sagot ko.

"Yeah, we're just...friends" dugtong naman ni Clovis.

"Friends with benefits?" napaangat ako ng tingin nang may biglang nagsalita.

"Krim?" sambit ko sa pangalan niya pero hindi niya ako pinansin. Well, aasa pa ba ako na babalik siya sa dati? Umupo lang siya na parang walang nangyari. Nagkatinginan kami ni Clovis.

"Anong problema niya?" takang tanong ni Cindy.

"Don't know" I shrugged my shoulders.

-----------------

Habang patuloy na nagdidiscuss ang instructor ay kinuha ko ang tumbler at uminom ng tubig. "Blah...blah...blah..."

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon