"Kuya Ae!" pang-aasar ni Joshua nang dumating kami. Hindi na tumuloy si Krim kaya kumaway nalang ako sa kanya. Pinanood ko siyang umalis."Oh susi!" nasalo niya agad ang ibinato kong susi. Si Saint nama'y tahimik lang sa tabi habang kinakalikot ang cellphone. Malamang si Pruk ang kausap niyan.
"Kayo nalang ang magmiryenda, magpapahinga lang ako. Pakilagay nalang din ito sa ref" utos ko kay Joshua at inilapag sa mesa ang dalawang paper bag ng pandesal.
"Yes Kuya!"
"Bibiko," tawag ko kay Saint.
"Hmmm?" nag-angat siya ng tingin.
"Magpahinga karin minsan, sige ka isusumbong kita kay Auntie"
Ngumuso siya. Ang bigat ng katawan ko habang umaakyat ako sa hagdan. Last practice kasi namin kanina sa PE kaya todo bigay ako. Idagdag mo pa ang mga matang palaging nagmamasid sa amin ni Krim na siyang nagpapa-stress sakin.
Naging komportable na ulit ako pagkatapos kong nagbihis. Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at lumanghap ng hangin. Nang dumapo ang tingin ko sa family picture na nakasabit sa dingding ay naisip ko si mama.
Kumusta kaya siya? Na-mimiss niya rin ba ako?
"Mukhang imposible yun," sagot ko sa sarili. Kinamumuhian na niya ako simula nung nalaman niyang may karelasyon akong lalaki. Gusto kong mag-explain pero hindi niya ako binigyan ng chance. Magdamag akong umiyak nung mga panahong iyon dahil sa mga masasakit na salitang ibinato niya sa akin. Naaalala ko pa ang mga sinabi niyang...
Wala kang kwentang anak!
Pumikit ako dahil muling nanumbalik ang kirot sa aking dibdib.
Hindi kita pinalaki para magiging ganito.
Ang tanga-tanga ko kaya deserve kong makatanggap ng mga salitang iyon. Huli na ang pagsisisi ko dahil sirang-sira na ang relasyon namin ni mama.
Simula nung ipinanganak ka, puro problema lang ang idinudulot mo sa amin!
Masakit pero totoo. Dahil sa pagiging sakitin ko noon ay naghirap ang mga magulang ko. Isa akong perwisyo sa pamilya namin noon pa.
Pero iba si papa at si ate Anes. Silang dalawa lang ang kakampi ko dito sa bahay. Pero ngayong malayo na sa amin si ate, si papa nalang ang natira para sa akin. Hindi kailanman ipinaramdam ni papa na isa akong pabigat sa kanila. Hindi niya binilang ang mga pagkakamaling nagawa ko. Sa halip na sisihin ako at kamuhian, kinausap niya ako ng masinsinan at pinayuhan. Hindi ko mapigilang mapaluha ulit habang iniisip ang lahat ng ito.
Pinahid ko ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Ang ilan ay dumaloy sa gilid ng aking tenga.
~I lay my love on you, it's all I wanna do, everything I breath I feel brand new...
Dahan-dahan akong bumangon habang pinakikinggan ang ringtone ko. Ngalan ni Krim ang nakita ko sa screen at agad ko namang sinagot.
"Yo"
"Yo" ginaya niya ang inaantok kong boses. "Sleepyhead"
"Napatawag ka?"
"I want to talk to you"
"Para saan?"
"I just want to talk to you"
"Bakit?"
"Because I need someone to talk to" malumanay niyang sagot. Alam kong may problema kapag ganito siya magsalita.
"Sige ibuhos mo lang, kailangan mo ring i-express ang sarili mo minsan" pagkasabi ko ay bumuntong-hininga siya.
May problema nga...
"Gustong kunin ni papa si Kris" (Remember, broken family si Krim as stated from chapter six :) )
"Ano?!" pasigaw kong tanong dahil sa gulat.
"Tsk, wag kang sumigaw, masakit sa tenga"
"Papayag ka ba?"
"No way" matigas niyang tugon. "Magiging miserable lang ang buhay ni Kris sa bago niyang pamilya"
"Anong plano mo?"
"Lilipat kami ng tirahan"
"Ano?!" napasigaw ulit ako.
"Tsk, ang ingay mo. Oo, lilipat kami at may nahanap na akong spot. Kapag nakalipat na kami, sisiguraduhin kong hindi iyon malalaman ni papa"
"Krim, baka anong gawin nila sayo"
"Hindi mangyayari yon. Kahit magulang namin siya, ako ang nagpalaki kay Kris. Ako ang guardian niya at kung si Kris ang mag dedesisyon, hindi siya sasama sa kanila"
"Kung ganon, ba't kailangan mo pang lumipat?"
"Iba si papa, kapag may gusto siyang kunin, gagawin niya ang lahat para makuha ito. Madalas kong naiiwan mag-isa si Kris dito sa bahay at baka sa susunod na pag-uwi ko ay wala na akong maabutan kaya mas mabuting lilipat nalang kami"
Hays, bakit ba may ganitong uri ng mga magulang?
"I see"
"I have to end this call, kailangan na naming umalis"
"Ngayon na agad?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah" Toottt! Binaba niya na ang tawag. Marahan kong ibinalik ang cellphone sa mesa at tumingin sa bintana. Ngayon narealize ko na...
Hindi lang pala ako ang may problema sa mundo.

BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
Lãng mạnPamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...