"Hey" tawag ko at lumingon naman si Clovis."Working student ka?" Tiningnan niya ang kabuuan ko.
"Oo" tumango ako.
"Sipag mo naman" bakas ang paghanga sa kanyang mukha.
"Bibiko!" Saint's voice echoed from afar.
"Bibiko? You have a girlfriend?" takang tanong ni Clovis at napatingin sa kanya. Natawa ako.
"Pfft! Hindi, pinsan ko siya. Ganyan lang talaga ang tawagan namin"
"Ahhh"
Lumapit si Saint at pinalo ako sa braso.
"Aray!" kunwari'y nasasaktan kong sabi
"Ba't mo ko iniwan?"
Napakamot ako sa ulo. "Sorry, nakalimutan ko. Si Kris?" pagkasabi ko ay tinaasan niya ako ng kilay sabay tingin kay Clovis. Ngumisi siya.
"Sumabay sa mga kaibigan niya" muli niyang sinulyapan si Clovis at ngumisi.
"Tara na nga" pag-iiba ko ng usapan at pinandilatan siya ng mata.
"So pa'no hanggang dito nalang ako" sabi ni Clovis paglabas namin sa campus. "Bye, see you tomorrow nalang"
"Bye" kinawayan ko siya. Bumungisngis naman si Saint na animo'y kinikilig.
"What?" inis ko siyang nilingon.
"Kaya pala..." aniya at ngumisi. "Kaya hindi mo na pinapansin si kuya Krim"
"Hindi ako ang nag-give up sa friendship namin," natigilan siya sa sinabi ko. Tumingin siya sakin at kumurap.
"Ano?"
"Kanina lang ay tinawagan niya at sinabing hindi na niya ako guguluhin pa at ngayon..." nagbaba ako ng tingin. "...hindi na niya ako pinapansin"
"Bakit? Dahil ba kay ate Clovis?"
"Hindi" sagot ko at nilingon siya. "Dahil gusto niya ako"
"Alam ko pero naguguluhan parin ako. Gusto ka niya pero iniiwasan ka niya? Hindi ba dapat ikaw ang umiwas?"
"Kasi sabi niya na parang hindi ako kumportable"
"Ang gulo parin" aniya pero hindi na ako nagsalita at pumara na ng traysikel. Ayoko nang pag-usapan pa si Krim, gumugulo lang ang utak ko. Sumakay na kami sa traysikel at nang huminto na ito sa Frost Supermarket ay hinanda ko na ang sarili ko dahil paniguradong hindi na naman ako papansinin ni Krim.
--------------
"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try again later. Beep"
Sumilip ako sa bintana pero bigo ako dahil nakasarado rin ang lahat ng bintana at pintuan sa bahay nila. I sighed. Friendship is over, hindi na ako aasa pa na papansinin niya ako ulit. Nakakalungkot lang isipin na sa isang taon na friendship namin, ngayon pa siya susuko dahil lang sa nararamdaman niya.
I'm just being honest about my feelings that I keep acting so weird in front of you and it's making you feel uncomfortable
I love you Ae
Biglang nag-init ang gilid ng mata ko dahilan para kumawala ang likido ng kalungkutan mula dito.
I'm jealous of her because I like you
"Kung kelan maayos na kami ni mama, saka ka pa aarangkada" naluluha kong sabi. Di-nial ko ulit ang number niya pero...
"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try again later. Beep"
Mas lalo akong naluha. Nanghihinayang ako sa samahan namin. Ganito pala ang pakiramdam ng iniiwan, lalo na kapag walang sapat na dahilan.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...