"Good morning" bati ni Joshua at pilit naman akong ngumiti. "Teka, umiyak ka ba?"Lumingon ako sa paligid at baka may makarinig. "Medyo" sagot ko at pumunta na sa kusina.
"Ate!" rinig kong tawag niya kay Saint. "Kain na tayo!"
"Teka lang"
Pumasok si papa sa kusina. Yumuko ako para hindi niya mahalata ang mugto kong mga mata. Naghain ako ng pagkain at saktong dumating na rin sina Saint.
"Good morning Bibiko!" natawa ako dahil sa tawagan namin ay nanlaki ang mga mata ni Joshua. It means, hindi parin siya sanay.
"Morning"
"Si ate nasan?" tanong ko.
"Maaga siyang umalis kuya, may pupuntahan daw"
"Ganun ba" hindi ko na tinanong kung nasan si mama dahil alam kong mahimbing parin itong natutulog.
"Oh anak, nakatulog ka ba ng maayos?" nag-aalalang tanong ni papa habang nakatingin sa aking mukha.
"P-Po?"
"Umiyak ka ba?" patay na this.
"Hindi po, napuyat lang po ako" hindi na nagtanong pa si papa kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagkatinginan kami ni Joshua at tinaasan niya ako ng kilay.
---------
Tulad ng kahapon, sumabay si Saint kay Kris at ako naman kay Krim. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa itsura ko. Paniguradong tatanungin rin niya ako tungkol dito.
"Hey! Hintayin niyo ko!" sabay kaming napalingon nang narinig ang isang pamilyar na boses. "Thanks" nakangiting sabi ni Clovis nang huminto kami.
Naninibago na naman ako dahil sa kilos niya. Noon ay tumitingin lang siya sa amin pero ngayon pinapansin na niya kami.
Hmmm, siguro nag-aadjust lang siya.
Sinulyapan ko si Krim na diretso lang ang tingin at walang imik.
She likes you...
Pumasok bigla sa aking isipan ang sinabi niya kahapon kaya hindi ko maiwasang magduda kay Clovis.
"Nakapag-review ka na ba?" tanong niya...sakin.
"Ahhh—
"Of course, magrereview talaga siya kung hindi wala siyang maisagot" hindi ako nakapagsalita dahil sa pagsabad ni Krim.
"Hehe, o-oo nga" ramdam ko ang pagkapahiya ni Clovis. Pagdating sa classroom ay nauna siyang pumasok at hindi na kami kinausap pa.
"Galit ka ba sa kanya?" tanong ko nang kami'y umupo. Inirapan niya ako. What's with him? "Huy, tinopak na na naman ba?" kinalabit ko siya.
"Oo, kasi manhid ka" inis niyang sabi at nilagay ang baba niya sa kanyang braso saka pumikit.
"Ano bang sinasabi mong manhid ako?" tanong ko pero hindi na niya ako sinagot. Hindi ko nalang siya kinulit at inaliw nalang ang sarili sa pakikinig ng musika.
Hindi ko talaga naiintindihan. Gusto kong intindihin pero hindi naman niya sinasabi sa akin.
May gusto ba talaga sakin si Clovis?
Kung may gusto man si Clovis sa akin ay ayos lang naman kasi normal lang yun. Pero hindi ibig sabihin nun na magkakagusto rin ako sa kanya. Ayokong mag-imagine dahil baka nagkamali lang si Krim.
Baka friendly lang talaga si Clovis kaya ganyan siya makitungo.
"Hey Ae," speaking of the angel, nandito na siya sa harap ko. Nakakagulat lang.
"Ano yun?"
"Pwede mo ba akong samahan saglit sa labas?"
Bakit ako? Bakit hindi si Tessie? Gusto ko siyang tanungin ng ganito pero baka maging harsh lang ako sa kanya.
"A-Ah" nilingon ko si Krim na mahimbing na natutulog. "Sige pero balik tayo agad ah?"
Natawa siya. "Oo naman"
Tumayo na ako.
"Thanks" aniya at naunang naglakad. I sighed. Hindi ko dapat pagdudahan si Clovis.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomantikPamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...