Naalimpungatan ako nang nagring ang cellphone ko. Sinagot ko ito.
"Yo" kaswal kong sagot.
"Tsk! Wag kang magpa-cute, may atraso ka pa sakin"
Ngumuso ako.
"Sorry, di kita natawagan kasi medyo nabusy ako nitong nakaraang araw" bumangon ako at sumandal sa dingding.
"Meow!" halos mapatalon ako sa gulat nang may pusang tumalon sa kama—ang alaga ni Saint.
"What's that? Yan ba yung pusang binili mo sakin?"
"Oo" sagot ko at binuhat si miming.
"Ba't nasayo yan?" taka niyang tanong.
"Nandito kasi ang pinsan ko"
"Hmmm, mukhang may bago ka nga'ng kasama ngayong pasukan" walang-gana niyang sabi ngunit ramdam kong nagtatampo siya. Magdadahilan pa sana ako nang bigla niyang ibinaba ang linya. Napailing nalang ako habang tinitigan ang pangalan niya sa screen.
"Tsk! Tinopak na naman!" inis kong sabi. Tiningnan ko si miming at hinaplos, pumikit ito. Hays! Hindi ako mahilig sa pusa pero ang cute niya.
"Ang cute mo miming! Sana ganyan din ako ka-cute" kinurot ko siya.
"Meoowww!" nahila ko ang kamay ko sa gulat nang bigla niya itong kinagat. Buti nalang di bumaon yung pangil niya sa kamay ko pero namula parin iyon at may maliit na galos. Shit! Lumundag ito at patakbong lumabas. Napangiwi ako sa hapdi at iwinasiwas ang kamay ko sa ere.
"Ang cute mo nga, mana ka naman sa kanya, parehas kayong mga may topak" patungkol ko sa kaibigan kong tumawag kanina.
------
Natawa ako nang nakita ang ayos ni Saint, kulay asul na blouse na 3/4 ang manggas tapos jeans. Tsk, asul girl.
"Pangit ba?" nailang siya bigla at tinuro ang suot niya. Umiling ako.
"Hindi naman. Mahilig ka parin sa asul?" Naalala ko pa yung maliit pa kami na halos blue lahat ng laruan niya. Natatawa siyang tumango.
"Pfft, tara"
Nilingon kami ni mama na pansamantalang nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.
"Saan kayo pupunta?"
"Sa Frost Supermarket, don sa pinagta-trabahuan ko"
"Aba hija, ayos lang ba sayo na magtrabaho?" tanong niya pa kay Saint.
"Opo, kahit wala pa akong experience, kakayanin ko naman po"
"Mmm, mabuti yan, tingnan mo sina ate Alice mo, self-supporting lang ang ginawa nila nung college, siyempre, pumapasada rin si Arturo pero hindi na kami nahirapan. Aba ngayo'y may kanya-kanya nang trabaho at propesyonal pa" dagdag niya pa nang may halong pagmamalaki.
"Ganun po ba, napakasipag talaga nila Tita at ang tatalino pa" namamanghang sabi ni Saint habang nakatingin sa mga awards nila na nakapaskil sa dingding.
Lumapad ang ngiti ni mama.
"Malapit na nga'ng ikasal yang si Anes" Tumikhim ako para agawin ang atensyon. Nilingon nila ako.
"Aalis na po kami ma, baka hindi na namin maabutan si madam" naglaho ang mga ngiti ni mama.
"Sige, mag-ingat kayo" hindi na ako tumugon pa at nagmamadaling lumabas. Sumunod naman si Saint. Pagdating sa kanto, agad kaming pumara ng jeep papunta roon. Maswerteng si papa ang huminto, sinenyasan niya kami na sa frontseat umupo. Napangiti ako.
"Salamat at nakauwi ka na anak"
"Namiss ko kayo pa"
Pinaandar niya ang sasakyan.
"Mabuti naman at sumama karin iha" aniya habang sa kalsada parin ang tingin.
"Opo, dito po kasi ako mag-aaral ng kolehiyo"
"Aba'y maganda yan dahil paniguradong tuturan ka nitong pinsan mo at hindi ka mahihirapan" natawa ako sa sinabi niya. "Bakit? Hindi ba't tutulungan mo naman talaga ang pinsan mo?"
"Siyempre naman pa, pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi na siya mahihirapan"
Natawa narin si Saint. Maya-maya ay dumating na kami sa Supermarket.
"Sige pa, ingat po kayo"
"Mmm, dalhan mo ko ng pandesal mamaya"
Ngumiti ako. "Sige pa"
"Ang laki pala ng Supermarket nila no?" tanong ni Saint pagkababa namin.
"Oo, at malaki rin ang sahod nila saka kaibigan ko ang may-ari niyan"
"Bag niyo po ma'am" sita ng guard sa kanya.
"Ay oo nga pala" mabilis niyang binuksan ang bag, napailing naman ako. Wala akong dalang bag kaya kinapkapan lang nila ako.
"Parang mall na pala ito no?" aniya nang nakapasok na kami. Tumango lang ako at ngumisi. Umakyat kami sa third floor kung saan naroon ang office ni madam, walang elevator dito at tanging stairs lang at escalator ang dadaanan mo para makapunta sa itaas. Ayoko ring dumaan sa escalator kasi maraming tao roon.
"Excuse me miss?" tawag ko sa isang staff.
"Yes po?"
"Nandyan ba si madam?"
Tumango siya. Kumatok ako sa pinto at bumukas naman ito. Tumambad sa harap namin si madam.
"Oh, mamshie ikaw pala?" Ngumisi siya at nilingon si Saint. "Girlfriend or just friend?"
Napailing ako at natawa rin. "Nahhh, she's my cousin"
Tumawa siya. "Akala ko pa naman na-convert ka na"
"Pfft, tsaka na kapag tatahol na ang mga pusa" biro ko.
"Hahaha! Hello pretty, I'm Leahna, just call me madam nalang or mamshie" masigla niyang bati.
"Ahh hehe, hello po madam" mahiyaing ngumiti si Saint.
"Taray! Talagang madam ang bumabagay sakin no?" pamumuri niya pa sa sarili niya. "Sige, pasok kayo"
Nilingon ko si Saint at halos matawa ako sa reaksyon niya. Na-weirduhan siguro siya kay madam kaya ganun nalang ang pagtataka niya.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...
