Chapter 22

1 1 0
                                    


  "One...two...and three! Good!" sigaw ni Tessie habang tinitingnan kami isa-isa at pumalakpak. Final practice namin ngayon sa sayaw para sa PE.

"Okay, let's take a break muna" tumango kaming lahat at kanya-kanyang pumwesto sa sahig para magpahinga. Saktong pumasok si Krim dala ang isang bote ng tubig. Napatili ang lahat.

"Yieeeeee! Ang sweet naman!"

"Kung si Krim ang magiging boyfriend ko naku!"

"Hoy te nananaginip ka nang mulat ang mata diyan! Nandyan ang asawa niya! Nasa harap mo"

"Alam ko!" at nagtawanan sila. Nakangiting tinanggap ko ang bote.
Well, unti-unti na akong nasasanay sa mga tukso sa aming dalawa ni Krim. Kinumbinsi niya kasi ako na kailangan kong sabayan nalang ang mga tukso at hihinto rin iyon. Halos lahat na yata ng page sa school namin ay naglalaman ng pictures naming dalawa. Dibale na kung ano ang sasabihin ng iba at least alam ko sa sarili ko na hindi kami tulad ng sinasabi nila. Kahit bi si Krim, hindi siya gagawa ng ganoong kalokohan lalo na't magkaibigan kami.

"So? Weekend na pala bukas" tumabi siya sa akin.

"Mmmm, hindi ko ginastos masyado ang perang bigay ni papa kaya paniguradong hindi ko mababawasan ang sweldo ko mamaya" 

"That's good. Meron narin akong naipon, besides may iba pa akong raket maliban sa pagtatrabaho don"

Ngumiwi ako. "Tsk, oo na! Ikaw na ang madiskarte!"

Tumawa siya. "No need to be jealous" and he patted my head.

"Yieeeeeeeee!" tukso muli ng mga kaklase namin at pilit naman akong ngumiti.

"Ano ba! Masyado kayong PDA!" si Tessie.

"Susss! Nagseselos ka lang"

"Oo nga!" sabat nung isa at natahimik si Tessie.

"Alam mo Ae, kung hindi ka lang naging syota ni Krim? Liligawan ka na nito"

Tae na... paano nila nakakayanang maging honest sa harap ko?

"Andrea!" Tiningnan siya nito ng masama.

"What?!"

"I'm not desperate to do that!"

"Whatever" she rolled her eyes. Hindi ko na sila pinansin.

"Ah Tessie..." tawag ko sa kanya.

"Yes?"

"Can I excuse myself for a while?" Tanong ko. "May pupuntahan lang kami" dagdag ko pa at tumango siya.

"Okay"

Tumayo na kami ni Krim tapos lumabas. Hindi na kami nagsuot ng facemask dahil useless lang naman yun. Last day kasi nung nagsimula kaming magsuot ng facemask, may sikretong kumuha ng picture at in-upload iyon sa page. Mukhang hindi na nga namin matatakasan ito.

"Krim..." tawag ko sa kanya sa kalagitnaan ng aming paglalakad. Huminto siya at lumingon sakin, nagtatanong ang mga tingin.

"Mukhang lumalala pa yata ito, hindi parin sila tumitigil"

Bumuntong-hininga siya at hinawakan ako sa balikat.

"Don't worry, if you're uncomfortable I will find a way to stop them" ramdam ko ang seguridad na nagpapagaan ng aking kalooban. Tinitigan ko siya sa mata habang nakangiti. Bigla siyang sumeryoso.

"Tsk... don't look at me like that" saka umiwas ng tingin. "Let's go"

"Saan?"

"Saan nga ba?" sarkastiko niyang tanong dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Oo nga pala, siya lang naman ang masungit kong kaibigan!
"Edi sa classroom, tsk!" inis niyang sabi at iniwan ako.

Mood swing na naman?

"K-Krim!" tawag ko pero di siya lumingon. "Hoy! Lokong to ah?" mabilis akong humabol.

--------------

"Bye madam"

"Bye mamshie" Leahna fixed her hair and smiled. Nilagay ko ang sobre na naglalaman ng sweldo ko sa bag. I waved at her for the last time at sumunod naman sina Krim na nakangiti rin. 

"Ayos ah" nakangiting sabi ni Saint at binuksan ulit ang bag niya. "First time kong nagkaroon ng pera na hindi galing kay mama" dagdag pa niya.

Napailing nalang ako.

"Oo at magtipid ka"

"Siyempre Bibiko" pagkasambit niya sa callsign namin ay lumingon si Krim. Awkward akong napangiti. Ayokong mag-imagine pero sa itsurang ito...

Ganito rin dati nung una kong nakilala si Pruk at nakita niya kaming magkasama...

Hindi siya mukhang galit...

Hindi rin malungkot...

Parang...

Ayokong mag-imagine pero...

Parang nagseselos siya?

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon