Sinabi ni madam sa kanya ang lahat ng gagawin, schedules namin at iba pa. Dumaan muna kami saglit sa isang bakeshop para bumili ng pandesal at hinintay naman nila ako. Bumili nalang din ako ng makakain namin.
"Thanks" tinanggap iyon ni Krim ng walang pag-alinlangan, hindi kasi yan tumatanggi kapag binibigyan ng kahit ano. Kapg meron naman siya, bibigyan ka niya at hindi ka rin dapat tatanggi. Ganyan siya.
Binigyan ko rin si Saint.
"Uuwi na tayo, don nalang tayo sa bahay magmiryenda"
"Sige"
Umangkas kami sa motorsiklo at umuwi. Pagdating namin, may motorsiklo rin na nakapark sa labas. Sigurado akong yung Joshua ang may-ari nito at bukas ang pintuan kaya paniguradong nandito na sila. Bumaba kami at pumasok sa bahay.
"Saan kayo galing?" bungad ni mama. Nakaupo sila sa sofa at nagmimiryenda.
"May pinuntahan lang, importante" sagot ko at hindi na siya nagtanong pa. Sinulyapan ko si Joshua na naglalaro ng kung ano sa kanyang cellphone, pero bigla itong huminto at ngumiti kay Saint.
"Hi ate!"
"Hello" si Saint. Napailing ako, hindi niya ata nahahalatang nagpapapansin ito sa kanya.
Tsk, ewan ko lang pag malaman mong may Pruk na yan
Iniwan ko sila at pumunta ako sa kusina. Binuksan ang cabinet na nilalagyan ng mga canned goods at maingat na nilagay roon ang pandesal na binili ko para kay papa. Isinara ko iyon at nagtimpla ng kape. Inarrange ko ang mug ng kape sa iisang pinggan at sinerve ito kila Saint.
"Kumusta Krim" tanong ni mama sa kanya.
"Ayos lang po" tipid niyang sagot at muling nagpatuloy sa pagnguya.
"Mabuti naman, si Kris?" tanong ni mama tungkol sa kapatid niya. Nakinig lang ako at uminom ng kape. Kilala ni mama si Krim, pumupunta kasi siya dito sa bahay noon at minsan ay sumasama rin ang kapatid niya tuwing weekends. Close kaming tatlo, pero mas close ako kay Krim.
"Mag-fifirst year na po, don din siya mag-aaral sa Northern College"
Tumango si mama.
"Bilib rin ako sa talino ng kapatid mo"
"Hindi po siya matalino," diretsong sagot ni Krim at ang ngiti ni mama ay napalitan ng pagtataka. "Masipag lang talaga siyang mag-aral"
"Ganun ba"
"Opo"
Katabi ni Saint yung Joshua at pasimple siyang nakasilip sa nilalaruang cellphone nito. Nilagok ko ang natirang tubig, uulitin ko—hindi ako umiinom ng kape. Patuloy silang nag-usap pero hindi na ako nakinig ng maigi dahil hindi ako maka-relate.
"Ahh, Tita, hindi na ako magtatagal pa baka hinihintay na ko ng kapatid ko"
Ngumiti si mama. "Sige, mag-ingat ka"
Tinanguan niya lang ito at bumaling sakin.
"See you next week" nakangiti niyang sabi, hindi na mukhang tinotopak. Ngumiti ako. Hindi talaga gumagana ang topak niya kapag kaharap si mama.
"Bye" I waved my hand pero huli na dahil nakatalikod na siya. Pinanood ko siyang umalis. Tumayo na ako at niligpit ang mga mug. Hinugasan ko ito saka nagluto ng hapunan. Narinig ko pa si Saint at si mama na nagkukuwentuhan pero hindi ko na narinig dahil nilakasan ko ang agos ng tubig sa faucet.
-----
Pinatay ko ang ilaw para matulog. Hindi ko na nakausap si Saint dahil tumawag si Pruk. Lakas maka-bebe time ng dalawang yun. Hindi pa man ako nakahiga ay tumunog ang cellphone ko na nasa study table.
"Tsk!" usal ko bago pinindot ang answer button. "Yo..." inaantok kong sagot.
"Sleepy?"
"Sobra, ba't ka napatawag? Alas otso na" Umupo ako sa kama at humikab.
"Inaantok ka nga"
Tsk, sino ba ang hindi inaantok sa ganitong oras?
"May sasabihin ka?"
"Wala, may itatanong lang"
Kumunot ang aking noo. Ano kayang itatanong niya, sana naman hindi yung napag-usapan namin ni Saint tungkol sa kanya, malakas kasi ang pakiramdam niyan.
"Tulad ng?"
"Ano bang sinabi mo sa pinsan mo tungkol sakin?"
Natawa ako, sabi ko na nga ba.
"Konti lang naman" nakanguso kong tugon.
"Gaano kakonti?"
"Basta, konti lang talaga"
"Hmmm, okay, matulog ka na" at ibinaba niya na ang linya. Napailing ako habang nakatingin sa screen. Abnormal talaga! Tumawag lang para don? Ibinalik ko ang cellphone sa study table at nag-pray muna bago umidlip.
-------
A/N:
Annyeong!
Please check the multimedia for visual purposes. Since hindi ko pa nabigyan ng casts yung mga characters sa una kong story, dito ko nalang ilalagay sa story ni Ae.
Thunyaphat Pa-teerachai-chareon (Namfah) as Saint
Kim Min Jae as Ae
Lee Do Hyun as Krim
Photo not mine.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...
