Hindi ko naisama si Krim sa practice namin dahil ayaw ng mga kasama ko na may ibang makakita sa steps. Nakisama nalang ako tutal wala naman akong magagawa."Good job Aaron" puri ng leader namin at hinila ang kamay ko. "Dito ka kasi ikaw ang pinakamabilis makakuha ng steps" at iginiya ako sa gitna.
"Yieeeeee, Tessie ah? May pahawak-hawak ka pa sa kamay" tukso ng mga kasama namin. Inis niya itong nilingon.
"Walang malisya sa ginagawa ko Jana" sabi niya dun sa kaklase namin na chubby at mahaba ang buhok.
"Pa-as if ka pa, eh bukambibig—" napahinto siya sa pagsasalita dahil nakatingin sa kanya ng masama si Tessie. Tinitigan ko yung Tessie, namumula nga siya. Shit, totoo ba yun? May crush siya sakin?
Nahh, wag kang mag-assume, hindi ka nga pinapansin nyan
"Yieeeeeeee!" tukso ng iba at nagtawanan sila. Hindi ko nalang pinansin kasi okay lang naman na may magkakagusto sakin. It's not a big deal. Isa pa, hindi rin masyadong malandi si Tessie, di katulad ng iba pag nagkagusto eh panay ang sulyap at tili.
Nakakairita yun
"To the top!" sigaw ni Tessie at ngisi-ngisi naman silang bumalik sa kanilang pwesto. Nagsalubong ang tingin namin pero siya ang unang umiwas. Halata nga. Hindi ko nalang ito inintindi at nagfocus nalang sa practice.
--------
"Hala..." bulalas ko nang nakita si Krim na nakaupo sa bench sa labas ng practice hall, nakapangalumbaba siya pero agad na tumayo nang napansin ako. Nagsilabasan narin ang aking mga kasama.
"Pasensya na pinaghintay kita dito"
"It's okay" ngumiti siya, kumuha ng towel sa kanyang bag at inabot ito sakin.
"Thanks" sabi ko at pinunasan ang pawis sa noo at sa likod ng leeg ko. "Ibabalik ko nalang to bukas" dagdag ko pa pero umiling siya.
"Masanay ka na," natatawa niyang sabi. Ngumiti ako. Noon lang ganito sakin si Krim kapag may exercise kami sa PE pero naninibago parin ako kasi hindi naman ganito sakin yung mga dati kong kaibigan. Inakbayan niya ako.
"Let's go"
Hindi ko parin maiwasang manibago sa mga kilos niya ngayon kahit na sinisigaw ng isip ko na as a friend lang to.
"WAHHHHHHHHH!" sabay kaming napalingon sa mga babaeng nagtilian sa labas ng kanilang classroom. Nakatingin sila sa gawi namin.
"Ang cute nila!"
Shit! Don't tell me...
Inilabas nila ang kanilang mga cellphone kaya dali-dali kaming tumakbo ni Krim. Hindi kami huminto sa pagtakbo hanggang sa narating namin ang classroom ni Saint.
"Hufff!" napahawak ako sa dibdib sa sobrang pagod. Napatingin ako kay Krim na nakapikit narin at hinihingal.
"Anong nangyari?" takang tanong ni Kris. Si Saint nama'y nakatingin rin samin at salubong ang kilay. Nilapitan niya ako.
"Bibiko, ayos ka lang?" bulong niya, tumango lang ako.
"Kukunan sana kami ng letrato, don—" turo ko sa pinanggalingan namin at huminga ng malalim.
"Bakit naman?" taka parin niyang tanong. Pati ako ay naguguluhan rin sa mga babaeng yun, ano bang meron at ginagawa nila ito sa amin. Natatakot na tuloy akong lumabas.
"Hindi ko alam"
"Tsk, they are shipping you" sabat ni Kris at napangiwi.
"What the hell" usal ko. Napatingin rin sa kanya si Krim at muling sumulyap sakin.
"And why is that?" kunot-noong tanong niya sa kapatid. Nagkibit balikat lang ito sabay ngisi.
"Ewan, baka nahahalata kayo"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nang-aasar ba siya?
"Kaibigan lang kami ni Krim" inis kong sabi at nilingon si Saint, pero pati ang loko ay nakangiti na rin.
Ugh! Bakit ba ganito sila?
Nilingon ko si Krim, umaasang tutulungan niya ako para maiwasan ang tukso nila pero parang wala lang ito sa kanya. Feeling ko tuloy ako yung sobrang affected sa sinasabi nila. Baka iisipin nilang may gusto ako sa kanya.
"That's nonsense, let's go" walang ganang sabi ni Krim at hinila ako sa braso.
"Yieeeeee!" tili nila dahilan para napayuko ako. This is not good, kapag nagkataong tuksuhin nila ako sa harap ni papa ay malalagot ako. Kailangan ko itong matuldukan.
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomancePamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...