Pagkatapos ng nakakahiyang eksena sa cafeteria ay hindi ko na sila hinintay pa. Nauna akong bumalik sa classroom. Pagpasok ko, sinalubong ako ng aking mga kaklase at kinulit tungkol sa nangyari kanina."Oh my gosh Ae, ang swerte mo naman!"
"Sabi ko na nga ba may something sa inyong dalawa"
"Ba't di mo sinabi?" pinalibutan nila ako kaya napakamot ako sa ulo.
"A-Ah, hindi ko alam" sagot ko at nakapikit na umiling.
"Anong hindi mo alam? Ae naman" inis na sabi ni Kristine.
"Malalaman din namin yan" nagtawanan sila. Napayuko ako.
"What are you doing?" napalingon sila kay Krim. Salubong ang kilay nito at nakakrus ang braso habang nakatingin ng masama sa kanila. Napilitan silang bumalik sa kanilang pwesto. "Ae, are you mad at me?" mahinahon niyang tanong.
"H-Hindi, bakit ako magagalit?" tanong ko rin nang hindi tumitingin sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at nakapangalumbabang tumitig sakin.
LUB...DUB...DUB...DUB...
Sinulyapan ko siya, ganun parin ang kanyang posisyon. Kinakabahan ako ng malakas. Nagmahal na ako noon pero hindi ganito ang nararamdaman ko sa tuwing lumalapit sakin si Felix.
Hayyy...
"P-Pwede bang, wag mo na akong titigan" pigil-hininga kong sabi.
"Pwede ba wag ka nang magalit?"
"Hindi ako galit"
"Hindi ba?"
"Hindi" kumurap-kurap ako bago tumingin sa kanya.
LUB! DUB! DUB! DUB!
"Totoo yung sinabi ko"
"A-Alam ko, basta w-wag ka nang tumitig please lang" tinakpan ko ang aking mukha. Tumawa siya ng mahina.
"Why are you blushing?"
Please, please hindi na ako makahinga!
"Wag ka nang magtanong pa, Tsk!"
"Okay"
Hindi na niya ako kinulit pa at kinausap hanggang sa natapos ang klase. Tulad ng nakagawian, pinuntahan namin sina Saint at nagbihis sa cr. Hindi ko narin siya pinansin hanggang sa tapos na kami sa trabaho.
"Bye madam!"
"Bye mamshie!" tugon ni Leahna at sumakay na sa motorsiklo ng kanyang kasintahan. Bumaling ako kay Saint.
"Gutom ka na?"
"Hindi pa, heheh" aniya at tinaasan ako ng kilay. Well, siguro naninibago siya dahil hindi naman ako ganito dati. Hay, sa totoo lang wala kasi akong ibang paraan para makaiwas kay Krim.
"What about me?" speaking of the devil. Hindi ako sumagot.
"Hoy kuya, ang landi mo! Tinatanong ka ba?" pang-aasar ni Kris.
"Shut up!" inis niyang tugon. "Or else papupuntahin ko yung Mellaine na yun dito" sabi niya sabay ngisi. Naglaho ang ngiti ni Kris.
"Mellaine? Crush mo yung cashier?" pang-aasar ko naman kay Kris.
"Chill! Hindi ko siya crush okay?" pinandilatan niya ng mata ang kapatid.
"Yieeeeee!" natatawang tukso ni Saint.
(HAHAHA, napagtripan ko yung cashier, sorimasen!) Thanks for Kris, nakaiwas na ako sa pangungulit ng kapatid niya.----------
"Kaya pala..." biglang sabi ni Saint habang nagmimiryenda kami. Taka namang napatingin sa kanya si Joshua at saka sumulyap sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hmmm?" kunwari'y inosente kong tanong.
"So, ikaw pala yung nagkagusto kay ate Clovis?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatingin kay Joshua na nagulat rin sa narinig.
"Hoy! Hindi!" pagtanggi ko. Kahit kailan talaga tong si Saint, mali ang interpretation.
"Naku kuya! Na-convert ka na?!" sabad ni Joshua kaya mas lalo akong nag panic. "Wait...maganda ba ang Clovis nayan?" tanong niya at tumango naman si Saint. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit sinabi ko pa sa kanya ang pangalan ni Clovis
"Tsk! Hindi ko nga siya gusto!"
"Okay" pagsuko niya nang nakita mama kasama si ate na lumabas mula sa kusina. Napayuko ako nang tumingin si mama sakin. Nanibago ako bigla kasi kahit ang tingnan ako ay hindi niya ginagawa dati.
Hindi na ba siya galit?
O nag-iimagine lang ako?
BINABASA MO ANG
Treat Me Wrong
RomansaPamilya... Pitong letra na nagsisimbolo ng pagiging kumpleto ngunit kailanman ay ramdam niya na palaging may kulang sa buhay niya. Wala ni isa man ang nakakaintindi sa kanya kundi ang kanyang ama at ang kanyang pinsan. Ngunit sa kabila ng lahat, may...