Chapter 15

0 0 0
                                    

Sobrang tahimik ng classroom kahit naglilinis kami. Konti lang rin ang dumi dahil hindi masyadong makalat ang mga kaklase ko, naiinggit na yung ibang sections sa amin eh.

"Teka lang" biglang pinigilan ni Krim ang aking kamay. Nagtaka ako kung bakit nakatitig siya sa mga mata ko.

Tsk, nag-iimagine na naman ako!

"Bakit? May something ba sa mukha ko?" taka kong tanong sabay turo sa aking mukha.

"Oo," inilapit niya ang bibig sa aking tenga at bumulong. "May muta ka" dagdag niya pa kaya nanlaki ang mga mata ko. Shit! What if may ibang nakakita na may muta ako?! Tumalikod ako at pinahid ang gilid na parte ng aking mga mata pagkatapos ay muli akong humarap sa kanya.

"Okay na?"

Ngumisi siya at umiling. Shit! Niloloko niya ba ako?!

"Sigurado ka?" tanong ko pa.

"Ako na, ako na ang kukuha" Argh! Napapikit ako sa hiya! Ito na yata ang pinakamasaklap na kahihiyan sa buong buhay ko!

"Ako na lang!" protesta ko pero hinila niya ako palapit at pinahid ang kanyang hinlalaki sa gilid ng ilong ko. Buti nalang hindi nakatingin sa amin ang mga classmates namin. Hays! Hindi ba siya nandidiri?!

Tumingin ako sa gilid para itago ang aking mukha mula sa kanya. Nakakahiya! Narinig ko siyang tumawa, mahina lang naman. Namula ako sa hiya.

"Tsk tsk" Nakahinga ako ng maluwag nang tumalikod na siya at bumalik sa kanyang pwesto. Sumunod rin ako pero hindi ako tumingin sa kanya. I fixed my eyes on my desk.

"Ae" Siniko niya ako ngunit hindi ako lumingon. "Ae..." tawag niya pero hindi parin ako lumingon. "Okay, don't talk to me" aniya at hindi na ako kinulit pa. Dahan-dahan ko siyang sinulyapan at seryoso na naman siya. Nakonsensya tuloy ako. Gusto ko siyang kausapin pero gumagana na ulit ang topak niya kaya paniguradong hindi siya magsasalita. Bumuntong-hininga nalang ako at sinaksak ang earphones sa tenga para aliwin ang sarili.

Tae na...

-------

"Class dismissed"

Palabas na kami nang naaninag ko si Saint sa labas ng classroom. Natawa ako, buti naman at siya na ang nag-adjust.

"Where's Kris?" isang himala! Kinausap ni Krim si Saint. Sumulyap sakin si Saint na halatang nagulat.

"Hindi ko po siya nakita" sagot niya at hindi na ito muling nagtanong. Nauna itong naglakad at sumunod nalang kami.

"Anong meron?" bulong ng pinsan ko, hindi ko alam ang isasagot kaya nagkibit-balikat nalang. Gaya ng nakasanayan, nagbihis kami ng pantrabahong damit bago lumabas. Ayun, nagtrabaho kami at hinatid ni Krim pauwi.

"Hindi pa ba uuwi ang mama mo?" nag-aalalang tanong niya at sumulyap sa bahay namin, tumango ako.

"Hindi pa"

"Who's that?" tanong niya ulit nang nakita si Joshua sa teresa. Nilingon ko si Joshua at mahinang tumawa.

"Bayaw ni ate,  kasama namin habang wala si mama" aniya at hindi na sumulyap dito.

"I see" aniya at tumango. "Saint," tawag niya kay Saint at nakanganga itong lumingon. "Always keep a watch to your cousin, wag kayong lumabas nang kayo lang"

Aww, concerned
Napatitig ako sa kanya.

"Okay po" at lumapit si Saint kay Joshua.

"I have to go, I'll call you later" Tinapik niya ang balikat ko at naglakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin. Umugong ang kanyang motorsiklo nang pinaandar niya ito, kumaway pa siya sakin bago umalis.

"Yieeeeeeeeee!" Ako'y natigilan sa tukso ng dalawa, tiningnan ko sila ng masama. "Ang ganda mo kuya" panunukso ni Joshua.

"Shut up" humakbang ako at in-unlock ang susi. "Hindi kita close" dagdag ko pa at inirapan siya.

"Sessss! Pero kung makatitig yun sa'yo

Itinaas ko ang pandesal at pinandilatan siya ng mata. "Manahimik ka kung gusto mong makakain nito!" at napakurap siya.

Tsk, HAHAHAHHA

"Sorimasen!" umasta siyang yumuko pero nakangisi parin, nilingon niya si Saint sabay apir sa kamay nito. Ngayong may napansin rin silang kakaiba sa kilos ni Krim, ay hindi ko maiwasang magtaka. Ano ba talaga ang tingin niya sakin? Umiling ako. Hindi ako pwedeng mag-assume, kaibigan lang kami at natural lang na mag-alala siya. Ang swerte ko nga dahil kakaiba siya sa una kong mga kaibigan, ngayon lang ako nagkaroon ng ganito ka concerned na tao sa buong buhay ko—ni si mama nga ay hindi ganyan eh.

My lips curved with a smile.

Treat Me WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon